My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • malakingfuckyou: Kaka miss ang pse
    April 14, 2026, 03:59:06 PM
  • ahlks26: Libog
    April 16, 2026, 07:08:04 PM
  • malakingfuckyou: Fss
    April 17, 2026, 09:40:21 AM
  • pinoytambayako: Eyyy
    April 19, 2026, 04:44:14 PM
  • arch29ify: elnunal
    April 19, 2026, 10:40:35 PM
  • malakingfuckyou: Pse
    April 20, 2026, 10:27:24 AM
  • rhon68: Jasmine
    April 21, 2026, 08:20:52 AM
  • rhon68: Eighteen
    April 21, 2026, 09:50:15 AM
  • luciouschemz: Aileens gatden
    April 22, 2026, 10:05:43 AM
  • luciouschemz: Aileen
    April 22, 2026, 10:06:23 AM
  • luciouschemz: Aileen shower
    April 22, 2026, 10:18:25 AM
  • malakingfuckyou: Nakaka miss magbasa ng ntr stories
    April 22, 2026, 08:30:29 PM
  • Maryjean: ang usapan 33
    April 25, 2026, 05:41:07 AM
  • malakingfuckyou: Hi jean. Pm
    April 25, 2026, 08:33:02 PM
  • -kobe-: konte lang pipol now ah
    April 26, 2026, 07:14:34 PM
  • malakingfuckyou: Ps erotica kakanmiss
    April 27, 2026, 02:27:35 PM
  • ashketlon: Mapagmahal
    April 28, 2026, 11:50:00 AM
  • -kobe-: nakita ko si boy bakal hehe nakaka-abang !
    April 29, 2026, 02:34:35 PM
  • -kobe-: work muna ako may submitl lang ako BRB
    April 30, 2026, 11:21:33 AM
  • hotjeffzky117: tagalog
    May 01, 2026, 08:56:15 AM

EDITORYAL NGAYON

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline ~..viej..~

  • EL CAVITENIO
  • Forum Administrator
  • Sr. Member
  • *
  • "IMMORTALIS"
on: March 22, 2013, 07:46:25 AM
Nasa daang matuwid ba ang DPWH?





NAPAPANSIN n’yo ba na maraming binubungkal na kalsada ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH)? At napapansin n’yo rin ba na hindi naman sira-sira ang kalsadang kanilang binubungkal? Ilan sa mga binubungkal na kalsada ay sa Roxas Blvd., A. Bonifacio Ave., Quezon Avenue, Quezon Blvd. at marami pang lugar sa Metro Manila. Ang pagbungkal sa mga pangunahing kalsada ay nakasasagabal sa daloy ng trapiko. Humihiyaw ang mga motorista sa inis o galit sapagkat ayaw umusad ang mga sasakyan lalo na sa umaga na rush hour.

Siguro, ginagawa ito ng DPWH para hindi na abutin ng tag-ulan. Mas maganda nga namang maghukay at magbungkal kung tag-init. Kung gagawin nila ito sa tag-ulan baka mas matitinding batikos ang kanilang malasap sa mamamayan. Baka sabihin na bakit hindi ginawa noong tag-araw na bakasyon ang mga estudyante. Tama rin naman sila na isagawa ang pagbubungkal ngayon.

Ang hindi tama ay ang bungkalin ang mga kalsadang maaayos pa. Bakit kailangang tibagin ang mga kalsada na matitibay pa? At kung titibagin, sana nakipag-coordinate sila sa Maynilad at Manila Water para isang beses na lang huhukayin ang kalsada. Ang nangyayari, pagkatapos nilang gawin ang kalsada, saka naman maghuhukay ang dalawang water companies at sisirain ang kanilang sinemento para maglagay ng mga tubo ng tubig. Nangyayari, wala nang katapusan ang paghuhukay at ang apektado ay mamamayan, serbisyo at negosyo.

At habang nagsasagawa ng mga paghuhukay ang DPWH, umalingasaw naman ang umano’y overpricing ng infrastructure projects na isinagawa noong 2011. Ayon sa Commission on Audit  (COA) nag-overpriced ng P154.99 million ang mga proyekto ng DPWH. Ibig ng COA na ibalik ng mga contractor ang overprice.

Nararapat maimbestigahan ang anomalyang ito. Tiyak na may kakutsaba ang mga contractor sa mga tiwaling taga-DPWH kaya nag-overpriced. Ang  pangyayaring ito ay taliwas sa lagi nang ipinagmamalaki ng Aquino administration na “daang matuwid”. Hindi kailanman matatahak ang “tuwid na daan” kung may mga gumagawa ng kabuktutan sa mga tanggapan ng pamahalaan, particular sa DPWH.

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/22/922613/editoryal-nasa-daang-matuwid-ba-ang-dpwh
“Everybody loves you when you're six foot in the ground.”


My Board

EDITORYAL NGAYON
« on: March 22, 2013, 07:46:25 AM »

Offline lot

Reply #1 on: March 22, 2013, 01:03:56 PM
Ang pagkakaalam ng karamihan, ang DPWH ang isa sa pinaka corrupt na dept ng pamahalaan..
 >:( >:( >:(


Offline thoughtseizehymntotourach

Reply #2 on: March 22, 2013, 02:00:09 PM
grabe yan pag tagulan dun ang bubungkal


My Board

Re: EDITORYAL NGAYON
« Reply #2 on: March 22, 2013, 02:00:09 PM »

Offline CodenameYero

Reply #3 on: March 22, 2013, 03:58:07 PM
Minsan daw kasi kasama sa kontrata yung maintenance or something.

Halimbawa, after 10 years kelangan ulit bungkalin or espaltuhan.

Pero yung sa mga bagong gawang kalsada, tas bubungkalin kagad.

Aba ibang usapan na yan!  >:(


Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #4 on: March 22, 2013, 05:49:35 PM
talagang ganyan sila lalo na mga opisyal nila

kasi tito ko nasa dpwh dami nga nila project kung di kulang sa budget eh substandard un ginagamit nila daw

meron pa yun nakita ko noon sa abra isang tulay putol sa gitna pero more than 8 years na kinokontrata yun grabe
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


My Board

Re: EDITORYAL NGAYON
« Reply #4 on: March 22, 2013, 05:49:35 PM »

Offline caligula

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 1
  • *
Reply #5 on: March 22, 2013, 06:08:13 PM
DPWH - Done Partial Work Hastily - that explains everything.


Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #6 on: March 22, 2013, 10:11:02 PM
kung bakit ba naman nagkalat ang corrupt sa gobyerno

kya di tayo umaasenso eh kahit anung sipag ng iba kung mas madami ang kinukurakot

wala talaga
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


Offline caligula

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 1
  • *
Reply #7 on: March 22, 2013, 10:55:32 PM
It's because we have no integrity as a people and no will power to condemn these assholes, that's why. We elect and give positions to people who are popular, actors, boldstars, kamag-anak ni hudas etcetera and stupidly expect them to be straight, honest and proficient on their jobs. We are a bunch of ignorant fools who are drowning in our own vomit.


Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #8 on: March 22, 2013, 11:14:51 PM
sabagay kahit bumoto ka ng matino

kung ang karamihan eh boboto sa trapo wala rin talaga magbabago

Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


Offline deabw2

Reply #9 on: March 24, 2013, 10:10:12 AM
Bad trip yan, may favorite part na inaayos then wawasakin ulit....
Pero napakarami namang lugar na wasak na ang kalsada, hindi man lang yun ang ayusin nila.

Sayang ang almost 20% na tax na kaltas sa mga sweldo natin  >:(


Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #10 on: March 24, 2013, 09:49:06 PM
Bad trip yan, may favorite part na inaayos then wawasakin ulit....
Pero napakarami namang lugar na wasak na ang kalsada, hindi man lang yun ang ayusin nila.

Sayang ang almost 20% na tax na kaltas sa mga sweldo natin  >:(

tama ka jan kaya nga tinawag na Hokkaido ang baguio

Hukay dito hukay doon grabe sayang ang tax natin
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


Offline bong1830

Reply #11 on: March 24, 2013, 10:42:12 PM
hindi na mawawala corruption sa atin  >:(
the ultimate test of love is TIME and DISTANCE


Offline ~..viej..~

  • EL CAVITENIO
  • Forum Administrator
  • Sr. Member
  • *
  • "IMMORTALIS"
Reply #12 on: March 25, 2013, 01:56:43 PM
 
RH Law: Batas na binutas



APAT na buwan na sinuspinde ng Supreme Court ang Reproductive Health Law. Ma­raming nagtaka sa biglaang suspensiyon. Pagkaraang pagdebatehan nang pagkatagal-tagal ang batas, sususpendehin lang pala. Hindi maiwasang isipin na may kaugnayan ang suspensiyon sa nalalapit na eleksiyon. Mula nang batikusin ng Simbahan ang mga kandidatong tinagurian nilang “Team Patay” naging mainit na ang isyu sa RH Law. Ipinaskel ang mga pangalan ng “Team Patay” sa mga harap ng simbahan. Pawang mga kandidato ng administrasyon ang kabilang sa “Team Patay”. Ayon sa report, malaki ang epekto sa mga kandidato ng batikos na ginawa ng Simbahan.

Dahil sa suspensiyon ng RH Law, mahihinto ang pagbibigay ng atensiyon sa kalagayan ng mga kababaihan particular ang mga buntis. Hindi sila masusubaybayan at maaring maglagay sa pa­nganib sa oras ng panganganak. Kapag ipasya ng Supreme Court na tuluyang itigil ang batas, tiyak na hindi na makokonrol ang pagdami ng Pinoys. Sa kasalukuyan nasa 94 million na ang Pinoys at patuloy pang dumarami. Ang patuloy na pagdami ay nangangahulugan nang maraming problema: Maraming magugutom, walang matitirahan,  walang trabaho, corruption at pagtaas ng krimen.

Hindi napanatili ng Pilipinas ang pagmi-maintain sa tamang dami ng populasyon. Noong dekada 60, halos nagkakapareho ang populasyon ng Pilipinas at Thailand. Pero nang sumapit ang dekada 80, nagsimula nang dumami ang mga Pinoy samantalang ang Thailand ay napanatili ang tamang populasyon. Mahusay sila sa population management.

Nawala ang Pilipinas sa tinatahak na landas sa katamtamang dami. Nawala ang pondo para sa health centers na nagbibigay ng payo sa mga bagong kasal. Nawala ang mga pagtuturo kung paano ang tamang pagpaplano at dami ng mga anak.

Magpasya sana ang Korte Suprema pabor sa RH Law. Mahalaga ito para sa mga kababaihan at sa mahusay na pamamahala sa population.
Susulong ang bansa kapag nasa tamang dami ng tao. Hindi sana mabutas ang batas.


http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/25/923643/editoryal-rh-law-batas-na-binutas
“Everybody loves you when you're six foot in the ground.”


Offline camelleo

Reply #13 on: March 27, 2013, 02:12:19 AM
Pabor ako sa RH law.

Responsible parenthood at family planning ang dapat na isiksik sa bawat Pilipino.Madaling gumawa ng anak pero mahirap bumuhay ng anak.Kapag di na kayang buhayin ang mga anak, gobyerno na agad ang sisisihin. Kapag naghirap, gobyerno pa din ang may kasalanan. Kapag nagkasakit, sa gobyerno pa din aasa. >:(



Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #14 on: March 28, 2013, 09:55:43 PM
pabor din ako dito panahon na rin para masulusyonan ang di mapigilang pagdami ng populasyon

di kailangan maki alam ng simbahan sa problemang ito dahil buong bansa ang apektado dito

para ito sa ikakaunlad ng bansa
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


My Board

Re: EDITORYAL NGAYON
« Reply #14 on: March 28, 2013, 09:55:43 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal