0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
mukhang challenging naman etoisang makata pala ang nasa tronosiya daw ay dating iceprince hahahana ngayon ay isa nang prinsipe "AGA"ganito ba ang labanan dito?dapat ang tanong ay tutulain ko?heto lang naman ang katanungan konawa sana eto ay masagot mo"kumusta na ba ang prinsesa?saang kaharian ko kaya siya makikita?di kaya itinago mo na siya?at nang di na maagaw pa ng iba ?
Oh si chief aga pala ang nakasalangAko ay nag iisip pa lamang ng aking mga katanunganMaaaring ito'y marami o mangilan ngilan lamangIlalathala ko na lang dito nang di inaasahanNguni't datapwat subalit akin na itong sisimulanMag umpisa tayo sa iyong pagkakakilanlanNawa'y masagot nang ayon sa iyong kagalinganAko'y nakaantabay lamang sa iyong kasagutan1. Mula iceprince ay naging aga. Bakit iceprincehaha ang iyong napiling pangalan dito sa tambayan?
2. Kailan ka nag umpisa dito sa tambayan?
4. Petsa ng iyong kapanganakan5. Lugar kung saan ka lumaki
Bakit nga ba iceprincehaha???Ngayon ko lang pinag-isipan talaga...Ang alam ko lang ito'y maganda,May dating na parang kakaiba.Pero kung gusto mo talaga,Ito'y galing sa isang kakilala,Sa OL Games na nilaro ko dati pa,Binigay nyang Username, iceprincehaha...Dahil nagustuhan ko ngalan nya,Hindi na ako nag-isip ng iba pa,Prinsipe ng yelo, laging nakatawa,Kaya naging tatak ko sa dulo'y haha.Dati ay patingin tingin ng mga storya,Kwentong malupit at pangromansa,Nakuntento sa mga aking nababasa,Ganyan lang nagsimula kagaya ng iba.Pero nung buwan ng Marso,Lahat nang ito ay nagbago,Hindi na ko makapasok dito,Lahat din pala pare-pareho.Kaya ng nabasang may panibago,Dali dali nang nagregister, ginoo,Lahat ng sumunod tingnan na lang nyo,Ang mahalaga sa lahat, andito na tayo.Aking kapanganakan ay sikreto,Basta ang sigurado ako ay Virgo,Sa katotohanan, katatapos lang nito,Sinabayan pa ng Rally kasi sikat ito.Ako naman ay isang Batang Maynila,Simula pa nang aking pagkabata,Hanggang maging ganap na binata,Dito na lumaki sa mga eskinita.Boundary ng Galas, Sampaloc at Sta. Mesa,Kahit saan jan, minsan umiikot talaga,Hanggang dito na lang siguro muna,Pagkat ako ay magtratrabaho pa...hahaha
Sir dennis magtulis, ika'y mabangis,Okay lang kahit hindi tula ang quiz,Trip ko lang ibahin natin ang tanungan,Para kahit minsan tayo ay magkatuwaan.Katanungan mo na ang uunahin ko,Isa lang naman ang katanungan mo,Madami dami kasing tanong na gusto,Si sir jose calderon na makatang totoo.Totoo bang hinahanap mo ang prinsesa?Sa isang thread namimiss mo pa nga di ba?Pero nakakapagtaka, sino ba sa dalawa?Ang iyong tinutukoy para ako'y may ideya.Si ms. appleblossomgirl, hinuha ko ba ay tama?Wag kang mag-alala, siya ay nagpapahinga,Kung gusto mo syang makita, di ba't nakaadd ka?'Sang ym lang naman at kayo'y makapag-uusap na.Hindi ko siya itinatago, lalong lalo na sa iyo,Isa lang ang alam ko, siya ngayon ay wala dito,Hindi ko alam kung anong dahilan pagkawala nya,Basta mahalaga, wag nyong kalimutan ang prinsesa.
wow hanep mga sagot yan ang kakaiba tunay makata ang bumabanat keep it up guys this will be gonna be fun
6. Sino si aga sa loob at labas ng tambayan?7. Ilarawan si aga sa isang salita lamang.8. Napag alaman kong isa kang makata at ito ay napapansin ng karamihan, ito ba ay dulot ng isang inspirasyon o sa kadahilanang isa ka nang manunulat dati?
12. Ano ang iyong paboritong parte ng tambayan? Kung saang parte ka ba nabansagang prinsipe? O ikaw ay may nais pang parte na gusto mong pagtambayan?13. Ano sa tingin mo ang mayroon ka na wala sa ibang kalalakihan at ikaw ay nilalapitan ng mga naggagandahan at maaalindog na kababaihan?
Walang kaduda duda na ikaw ay isang dakilaPuno ng buhay at inspirasyong makataDi na ko magtataka kung bakit ikaw ang kapares ng prinsesaNararapat lamang sa tulad mong maginoo at pinagpalaSa iyong kasagutan, maraming salamat pareng aga. Sent from my Android using iOS
Ngayon ko lang naisip ang isang ideya,Baka gusto nyong magbigay ng karma,Kahit hindi ako o iba ang bibigyan na,Puede ka palang sa sariling thread pumunta.Karmang hindi puedeng ibigay dito,O di kaya sa share lang nya siguro,At hindi TS ang syang bibigyan mo,Basta sa sariling thread nya sigurado.
Pagpasensyahan na kung akoy nagpipilitMakagawa ng tula kahit di nakakaakitBasta ang mahalaga ay aking maipabatidMga katanungan ko kay sir Agang malupit 1. Kapag walang trabaho at di nakatambay ditoAno pang ibang libangan, bagay man o laro?2. Puwede bang malaman iyong relihiyon kung meronKung wala naman, anong pinaniniwalaan mo kung ganun?3. Mahilig ka bang magalaga ng mga hayopAno naman ang uri kung oo ang yong sagot?4. Anu ano ba pinapakinggan mong musikaIto ba ay charice at aiza seguerra?Mala Tina Paner ba ang iyong hilig,O depende din sa mood, masaya, galit o umiibig?5. Bukod sa paggawa ng magagandang tulaMay iba ka pa bang talento na maibabahagi sa madla?
9. Ano sa tingin mo ang iyong pinakamalaking pagkakamali sa buhay at paano mo ito hinarap o itinama?10. Ano ang iyong pangarap sa buhay na nais mong marating?
6. Anong masasabi mo ngayon sa ating pulitika?Sa ating pangulo bilib ka ba sa nagagawa?7. Meron ka bang nagawang mali na labis na pinagsisihan?Puwede ba naming malaman, sensya na naitanong lang?10. Dumarating ang problema habang tayoy naglalakbay,Paano mo pinaglalabanan para laging matagumpay?