My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • malakingfuckyou: Kaka miss ang pse
    April 14, 2026, 03:59:06 PM
  • ahlks26: Libog
    April 16, 2026, 07:08:04 PM
  • malakingfuckyou: Fss
    April 17, 2026, 09:40:21 AM
  • pinoytambayako: Eyyy
    April 19, 2026, 04:44:14 PM
  • arch29ify: elnunal
    April 19, 2026, 10:40:35 PM
  • malakingfuckyou: Pse
    April 20, 2026, 10:27:24 AM
  • rhon68: Jasmine
    April 21, 2026, 08:20:52 AM
  • rhon68: Eighteen
    April 21, 2026, 09:50:15 AM
  • luciouschemz: Aileens gatden
    April 22, 2026, 10:05:43 AM
  • luciouschemz: Aileen
    April 22, 2026, 10:06:23 AM
  • luciouschemz: Aileen shower
    April 22, 2026, 10:18:25 AM
  • malakingfuckyou: Nakaka miss magbasa ng ntr stories
    April 22, 2026, 08:30:29 PM
  • Maryjean: ang usapan 33
    April 25, 2026, 05:41:07 AM
  • malakingfuckyou: Hi jean. Pm
    April 25, 2026, 08:33:02 PM
  • -kobe-: konte lang pipol now ah
    April 26, 2026, 07:14:34 PM
  • malakingfuckyou: Ps erotica kakanmiss
    April 27, 2026, 02:27:35 PM
  • ashketlon: Mapagmahal
    April 28, 2026, 11:50:00 AM
  • -kobe-: nakita ko si boy bakal hehe nakaka-abang !
    April 29, 2026, 02:34:35 PM
  • -kobe-: work muna ako may submitl lang ako BRB
    April 30, 2026, 11:21:33 AM
  • hotjeffzky117: tagalog
    May 01, 2026, 08:56:15 AM

PT "Hot Seat" Q & A portion

ladyvirus01 · 1936 · 959130

0 Members and 2 Guests are viewing this topic.

Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1200 on: September 30, 2013, 12:30:25 AM
Ako na pala ang ngayon nakatoka,
Mukhang mag aalas dos pa binida,
Pero mga tanong mukhang wala pa,
Siguro naman mayron ng nakakita?

Aaantayin ko ang mga katanungan,
Sa inyo kasamahan ko sa tambayan,
Wag nang mahiyang itanong na yan,
At sana ay sagot ko'y magustuhan.

Siguro naman sa king mga sagot,
Sa damdamin ako mismo huhugot,
Sariling opinyon ko ay maipaabot,
Sana kayo ay may konting mapulot,

 " aga "
 :P :P :P


My Board

Re: PT "Hot Seat" Q & A portion
« Reply #1200 on: September 30, 2013, 12:30:25 AM »

Offline arthas™

  • Global Moderator
  • Certified Member 3
  • *
  • Ready to comply
    • Pisces
Reply #1201 on: September 30, 2013, 07:13:33 AM
Oh si chief aga pala ang nakasalang
Ako ay nag iisip pa lamang ng aking mga katanungan
Maaaring ito'y marami o mangilan ngilan lamang
Ilalathala ko na lang dito nang di inaasahan

Nguni't datapwat subalit akin na itong sisimulan
Mag umpisa tayo sa iyong pagkakakilanlan
Nawa'y masagot nang ayon sa iyong kagalingan
Ako'y nakaantabay lamang sa iyong kasagutan

1. Mula iceprince ay naging aga. Bakit iceprincehaha ang iyong napiling pangalan dito sa tambayan?

2. Kailan ka nag umpisa dito sa tambayan?

3. Mayroon ka bang mga naging kaibigan dito? Pakilista kung sino sino.

4. Petsa ng iyong kapanganakan

5. Lugar kung saan ka lumaki

6. Sino si aga sa loob at labas ng tambayan?

7. Ilarawan si aga sa isang salita lamang.

8. Napag alaman kong isa kang makata at ito ay napapansin ng karamihan, ito ba ay dulot ng isang inspirasyon o sa kadahilanang isa ka nang manunulat dati?

9. Ano sa tingin mo ang iyong pinakamalaking pagkakamali sa buhay at paano mo ito hinarap o itinama?

10. Ano ang iyong pangarap sa buhay na nais mong marating?

11. Si aga ba ay mayroong kasintahan o maybahay? Kung ikaw ay isa nang padre de pamilya, mayroon ka na bang supling at kung mayroon ay ilan?

12. Ano ang iyong paboritong parte ng tambayan? Kung saang parte ka ba nabansagang prinsipe? O ikaw ay may nais pang parte na gusto mong pagtambayan?

13. Ano sa tingin mo ang mayroon ka na wala sa ibang kalalakihan at ikaw ay nilalapitan ng mga naggagandahan at maaalindog na kababaihan?

Iyan lamang muna sa ngayon
Maaari mong abangan ang may sitwasyon
Ang pagsagot ay ayon sa iyong desisyon
Salamat muli kaibigan, mula kay jose calderon


Sent from my Android using iOS


Offline dennis magtulis

Reply #1202 on: September 30, 2013, 08:41:41 AM
mukhang challenging naman eto
isang makata pala ang nasa trono
siya daw ay dating iceprince hahaha
na ngayon ay isa nang prinsipe "AGA"

ganito ba ang labanan dito?
dapat ang tanong ay tutulain ko?
heto lang naman ang katanungan ko
nawa sana eto ay masagot mo

"kumusta na ba ang prinsesa?
saang kaharian ko kaya siya makikita?
di kaya itinago mo na siya?
at nang di na maagaw pa ng iba ?






My Board

Re: PT "Hot Seat" Q & A portion
« Reply #1202 on: September 30, 2013, 08:41:41 AM »

Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1203 on: September 30, 2013, 09:27:54 AM
mukhang challenging naman eto
isang makata pala ang nasa trono
siya daw ay dating iceprince hahaha
na ngayon ay isa nang prinsipe "AGA"

ganito ba ang labanan dito?
dapat ang tanong ay tutulain ko?
heto lang naman ang katanungan ko
nawa sana eto ay masagot mo

"kumusta na ba ang prinsesa?
saang kaharian ko kaya siya makikita?
di kaya itinago mo na siya?
at nang di na maagaw pa ng iba ?


Sir dennis magtulis, ika'y mabangis,
Okay lang kahit hindi tula ang quiz,
Trip ko lang ibahin natin ang tanungan,
Para kahit minsan tayo ay magkatuwaan.

Katanungan mo na ang uunahin ko,
Isa lang naman ang katanungan mo,
Madami dami kasing tanong na gusto,
Si sir jose calderon na makatang totoo.

Totoo bang hinahanap mo ang prinsesa?
Sa isang thread namimiss mo pa nga di ba?
Pero nakakapagtaka, sino ba sa dalawa?
Ang iyong tinutukoy para ako'y may ideya.

Si ms. appleblossomgirl, hinuha ko ba ay tama?
Wag kang mag-alala, siya ay nagpapahinga,
Kung gusto mo syang makita, di ba't nakaadd ka?
'Sang ym lang naman at kayo'y makapag-uusap na.

Hindi ko siya itinatago, lalong lalo na sa iyo,
Isa lang ang alam ko, siya ngayon ay wala dito,
Hindi ko alam kung anong dahilan pagkawala nya,
Basta mahalaga, wag nyong kalimutan ang prinsesa.
 :P :P :P


Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1204 on: September 30, 2013, 11:47:18 AM
Oh si chief aga pala ang nakasalang
Ako ay nag iisip pa lamang ng aking mga katanungan
Maaaring ito'y marami o mangilan ngilan lamang
Ilalathala ko na lang dito nang di inaasahan

Nguni't datapwat subalit akin na itong sisimulan
Mag umpisa tayo sa iyong pagkakakilanlan
Nawa'y masagot nang ayon sa iyong kagalingan
Ako'y nakaantabay lamang sa iyong kasagutan

1. Mula iceprince ay naging aga. Bakit iceprincehaha ang iyong napiling pangalan dito sa tambayan?
Bakit nga ba iceprincehaha???
Ngayon ko lang pinag-isipan talaga...
Ang alam ko lang ito'y maganda,
May dating na parang kakaiba.

Pero kung gusto mo talaga,
Ito'y galing sa isang kakilala,
Sa OL Games na nilaro ko dati pa,
Binigay nyang Username, iceprincehaha...

Dahil nagustuhan ko ngalan nya,
Hindi na ako nag-isip ng iba pa,
Prinsipe ng yelo, laging nakatawa,
Kaya naging tatak ko sa dulo'y haha.


2. Kailan ka nag umpisa dito sa tambayan?


Dati ay patingin tingin ng mga storya,
Kwentong malupit at pangromansa,
Nakuntento sa mga aking nababasa,
Ganyan lang nagsimula kagaya ng iba.

Pero nung buwan ng Marso,
Lahat nang ito ay nagbago,
Hindi na ko makapasok dito,
Lahat din pala pare-pareho.

Kaya ng nabasang may panibago,
Dali dali nang nagregister, ginoo,
Lahat ng sumunod tingnan na lang nyo,
Ang mahalaga sa lahat, andito na tayo.


4. Petsa ng iyong kapanganakan
5. Lugar kung saan ka lumaki


Aking kapanganakan ay sikreto,
Basta ang sigurado ako ay Virgo,
Sa katotohanan, katatapos lang nito,
Sinabayan pa ng Rally kasi sikat ito.

Ako naman ay isang Batang Maynila,
Simula pa nang aking pagkabata,
Hanggang maging ganap na binata,
Dito na lumaki sa mga eskinita.

Boundary ng Galas, Sampaloc at Sta. Mesa,
Kahit saan jan, minsan umiikot talaga,
Hanggang dito na lang siguro muna,
Pagkat ako ay magtratrabaho pa...hahaha
 :P :P :P




My Board

Re: PT "Hot Seat" Q & A portion
« Reply #1204 on: September 30, 2013, 11:47:18 AM »

Offline arthas™

  • Global Moderator
  • Certified Member 3
  • *
  • Ready to comply
    • Pisces
Reply #1205 on: September 30, 2013, 12:11:59 PM

Bakit nga ba iceprincehaha???
Ngayon ko lang pinag-isipan talaga...
Ang alam ko lang ito'y maganda,
May dating na parang kakaiba.

Pero kung gusto mo talaga,
Ito'y galing sa isang kakilala,
Sa OL Games na nilaro ko dati pa,
Binigay nyang Username, iceprincehaha...

Dahil nagustuhan ko ngalan nya,
Hindi na ako nag-isip ng iba pa,
Prinsipe ng yelo, laging nakatawa,
Kaya naging tatak ko sa dulo'y haha.

Dati ay patingin tingin ng mga storya,
Kwentong malupit at pangromansa,
Nakuntento sa mga aking nababasa,
Ganyan lang nagsimula kagaya ng iba.

Pero nung buwan ng Marso,
Lahat nang ito ay nagbago,
Hindi na ko makapasok dito,
Lahat din pala pare-pareho.

Kaya ng nabasang may panibago,
Dali dali nang nagregister, ginoo,
Lahat ng sumunod tingnan na lang nyo,
Ang mahalaga sa lahat, andito na tayo.

Aking kapanganakan ay sikreto,
Basta ang sigurado ako ay Virgo,
Sa katotohanan, katatapos lang nito,
Sinabayan pa ng Rally kasi sikat ito.

Ako naman ay isang Batang Maynila,
Simula pa nang aking pagkabata,
Hanggang maging ganap na binata,
Dito na lumaki sa mga eskinita.

Boundary ng Galas, Sampaloc at Sta. Mesa,
Kahit saan jan, minsan umiikot talaga,
Hanggang dito na lang siguro muna,
Pagkat ako ay magtratrabaho pa...hahaha
 :P :P :P


hahaha salamat sa sagot kahit paunti unti
ako naman kaibigan ay hindi magmamadali
unahin ang trabaho nang di ka masisi
kasagutan ay isipin mo muna nang mabuti ;)


Sent from my Android using iOS


Offline ladyvirus01

Reply #1206 on: September 30, 2013, 02:19:25 PM

Sir dennis magtulis, ika'y mabangis,
Okay lang kahit hindi tula ang quiz,
Trip ko lang ibahin natin ang tanungan,
Para kahit minsan tayo ay magkatuwaan.

Katanungan mo na ang uunahin ko,
Isa lang naman ang katanungan mo,
Madami dami kasing tanong na gusto,
Si sir jose calderon na makatang totoo.

Totoo bang hinahanap mo ang prinsesa?
Sa isang thread namimiss mo pa nga di ba?
Pero nakakapagtaka, sino ba sa dalawa?
Ang iyong tinutukoy para ako'y may ideya.

Si ms. appleblossomgirl, hinuha ko ba ay tama?
Wag kang mag-alala, siya ay nagpapahinga,
Kung gusto mo syang makita, di ba't nakaadd ka?
'Sang ym lang naman at kayo'y makapag-uusap na.

Hindi ko siya itinatago, lalong lalo na sa iyo,
Isa lang ang alam ko, siya ngayon ay wala dito,
Hindi ko alam kung anong dahilan pagkawala nya,
Basta mahalaga, wag nyong kalimutan ang prinsesa.
 :P :P :P
Bakit nga ba iceprincehaha???
Ngayon ko lang pinag-isipan talaga...
Ang alam ko lang ito'y maganda,
May dating na parang kakaiba.

Pero kung gusto mo talaga,
Ito'y galing sa isang kakilala,
Sa OL Games na nilaro ko dati pa,
Binigay nyang Username, iceprincehaha...

Dahil nagustuhan ko ngalan nya,
Hindi na ako nag-isip ng iba pa,
Prinsipe ng yelo, laging nakatawa,
Kaya naging tatak ko sa dulo'y haha.

Dati ay patingin tingin ng mga storya,
Kwentong malupit at pangromansa,
Nakuntento sa mga aking nababasa,
Ganyan lang nagsimula kagaya ng iba.

Pero nung buwan ng Marso,
Lahat nang ito ay nagbago,
Hindi na ko makapasok dito,
Lahat din pala pare-pareho.

Kaya ng nabasang may panibago,
Dali dali nang nagregister, ginoo,
Lahat ng sumunod tingnan na lang nyo,
Ang mahalaga sa lahat, andito na tayo.

Aking kapanganakan ay sikreto,
Basta ang sigurado ako ay Virgo,
Sa katotohanan, katatapos lang nito,
Sinabayan pa ng Rally kasi sikat ito.

Ako naman ay isang Batang Maynila,
Simula pa nang aking pagkabata,
Hanggang maging ganap na binata,
Dito na lumaki sa mga eskinita.

Boundary ng Galas, Sampaloc at Sta. Mesa,
Kahit saan jan, minsan umiikot talaga,
Hanggang dito na lang siguro muna,
Pagkat ako ay magtratrabaho pa...hahaha
 :P :P :P



:-X :-X :-X :-X wow hanep mga sagot yan ang kakaiba
                       tunay makata ang bumabanat
                       keep it up guys this will be gonna be fun  ::)
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1207 on: September 30, 2013, 03:49:55 PM
:-X :-X :-X :-X wow hanep mga sagot yan ang kakaiba
                       tunay makata ang bumabanat
                       keep it up guys this will be gonna be fun  ::)

ikaw kaya aming Doctora?
bakit hindi magtanong na?
o ikaw ba ay nahihiya pa?
tutal nasa Hot Seat ako di ba?

kaya wag nang magpatumpik tumpik pa,
simulan na ang mga katanungan, dali na,
habang may panahon pang natitira, sige ka,
baka ako ay mabusy na bukas makalawa...hahaha
 :P :P :P


Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1208 on: September 30, 2013, 04:37:01 PM
Akin nang itutuloy ang kasagutan,
Pagsagot sa iyong mga katanungan,
Wag kayong mag-alala at antabayanan,
Pasasaan ba't sagot inyo ding malalaman.

6. Sino si aga sa loob at labas ng tambayan?

7. Ilarawan si aga sa isang salita lamang.

8. Napag alaman kong isa kang makata at ito ay napapansin ng karamihan, ito ba ay dulot ng isang inspirasyon o sa kadahilanang isa ka nang manunulat dati?


Si "aga" sa loob ng tambayan ay di naiiba,
Sa "aga" sa labas ng tambayan, maniwala ka,
Ang kaibahan lang ay ang mga nasa Adult Area,
Delikado kung banggitin pa, siguro'y nabasa mo na.
 :P :P :P

Dahil din sa tambayan, akin uling nabuksan,
Kakayahan kong tumula kahit ano pa man,
Mga salitang magkakatugma ang taludturan,
Mamamangha sila kapag kanilang nalaman.

Isang salita na naglalarawan kay "aga",
Ako ay napaisip din kung ano nga talaga,
Siguro ay "palakaibigan", kapag ako'y nakita,
Kahit bagong kakilala, feeling nila close na.
 ;D ;D ;D

Hindi naman ako naging manunulat dati,
Hindi ko din pinangarap basta lang nawili,
Unang post ko sa Poetry, ay ang Into ng sarili,
Dahil na din sa kabatuhan at kakulitan ko ang Hari.

Siguro nga ay kailangan din minsan ng inspirasyon,
Lalo na kung katulad mong na-iinlove, talagang ganon,
Makakagawa ka ng magaganda at talagang naiiba,
Basta ang mahalaga, sa ginagawa mo ikaw ay masaya.

12. Ano ang iyong paboritong parte ng tambayan? Kung saang parte ka ba nabansagang prinsipe? O ikaw ay may nais pang parte na gusto mong pagtambayan?

13. Ano sa tingin mo ang mayroon ka na wala sa ibang kalalakihan at ikaw ay nilalapitan ng mga naggagandahan at maaalindog na kababaihan?



Paboritong parte ba ng tambayan,
Siguro'y kung saan puro kalokohan,
Pero ang gusto ko lang naman dyan,
Makakilala ng kaparehas ng kagustuhan.

Nung nabaliktad ko na ang adult na usapan,
Sinundan ko lang naman ang Haring batikan,
At unti unti ko ding nagustuhan mga nilalaman,
Buong PT talagang isang magandang tambayan.

Ngayon sa may Poetry Section madalas tumitingin,
Makakita ng gawa mong punong puno ng damdamin,
PT Author na sina sir 10reason at sir imoy, ang lulupit din,
At lahat na ng mga naglalathala ng kanilang tulang saloobin.

Sa General Section aka Shoutbox Life, umiikot,
Mga botohan tungkol sa kahit ano kinakalikot,
Para bigyan ng pagkilala ang mga humahakot,
Mga tagasuporta at kaibigan, talagang sumusulpot.
 :-X :-X :-X

Mukhang mali ang iyong sapantaha, kaibigan,
Wala namang lumalapit sa aking naggagandahan,
Nagkakamali ka, baka si sir FAYT ang iyong tinuturan,
Mga kausap nya hindi natin talagang nalalaman.

Magugulat ka na lang, sila silang dilag na magaganda,
Ginagawan ng Fansign ang HERO nating isang ninja,
O di kaya naman, gusto syang kaDATE, san ka pa naman,
Basta ang aking alam, maging mabait ka, susunod na yan.
 :P :P :P


Offline arthas™

  • Global Moderator
  • Certified Member 3
  • *
  • Ready to comply
    • Pisces
Reply #1209 on: September 30, 2013, 04:55:31 PM
Walang kaduda duda na ikaw ay isang dakila
Puno ng buhay at inspirasyong makata
Di na ko magtataka kung bakit ikaw ang kapares ng prinsesa
Nararapat lamang sa tulad mong maginoo at pinagpala

Sa iyong kasagutan, maraming salamat pareng aga. ;)


Sent from my Android using iOS


Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1210 on: September 30, 2013, 05:02:58 PM
Walang kaduda duda na ikaw ay isang dakila
Puno ng buhay at inspirasyong makata
Di na ko magtataka kung bakit ikaw ang kapares ng prinsesa
Nararapat lamang sa tulad mong maginoo at pinagpala

Sa iyong kasagutan, maraming salamat pareng aga. ;)


Sent from my Android using iOS

Ngayon ko lang naisip ang isang ideya,
Baka gusto nyong magbigay ng karma,
Kahit hindi ako o iba ang bibigyan na,
Puede ka palang sa sariling thread pumunta.

Karmang hindi puedeng ibigay dito,
O di kaya sa share lang nya siguro,
At hindi TS ang syang bibigyan mo,
Basta sa sariling thread nya sigurado.
 :P :P :P


Offline arthas™

  • Global Moderator
  • Certified Member 3
  • *
  • Ready to comply
    • Pisces
Reply #1211 on: September 30, 2013, 05:49:20 PM

Ngayon ko lang naisip ang isang ideya,
Baka gusto nyong magbigay ng karma,
Kahit hindi ako o iba ang bibigyan na,
Puede ka palang sa sariling thread pumunta.

Karmang hindi puedeng ibigay dito,
O di kaya sa share lang nya siguro,
At hindi TS ang syang bibigyan mo,
Basta sa sariling thread nya sigurado.
 :P :P :P

Hiling na karma ay aking maipagkakaloob kaibigan
Kusang loob at hindi napipilitan
Pagsagot sa katanungan ay nakakaabala rin naman
Ipagkakaloob ko ito sa oras ng aking uwian.

;) ;D ;) ;D




Sent from my Android using iOS


Offline Parabola

  • Certified Member 2
  • *
  • Forty six and two are just ahead of me.
    • PTFM
Reply #1212 on: October 01, 2013, 12:30:25 AM
Pagpasensyahan na kung akoy nagpipilit
Makagawa ng tula kahit di nakakaakit
Basta ang mahalaga ay aking maipabatid
Mga katanungan ko kay sir Agang malupit
1. Kapag walang trabaho at di nakatambay dito
Ano pang ibang libangan, bagay man o laro?
2. Puwede bang malaman iyong relihiyon kung meron
Kung wala naman, anong pinaniniwalaan mo kung ganun?
3. Mahilig ka bang magalaga ng mga hayop
Ano naman ang uri kung oo ang yong sagot?
4. Anu ano ba pinapakinggan mong musika
Ito ba ay charice at aiza seguerra?
Mala Tina Paner ba ang iyong hilig,
O depende din sa mood, masaya, galit o umiibig?
5. Bukod sa paggawa ng magagandang tula
May iba ka pa bang talento na maibabahagi sa madla?
6. Anong masasabi mo ngayon sa ating pulitika?
Sa ating pangulo bilib ka ba sa nagagawa?
7. Meron ka bang nagawang mali na labis na pinagsisihan?
Puwede ba naming malaman, sensya na naitanong lang?
8. Anong pinakamasayang nangyari sa iyong palagay
Ang di mo malilimot sa tanan mong buhay?
9. Kung ang tanong sa otso ay pinakamasaya
Eh yung pinakamalungkot ay ano naman kaya?
10. Dumarating ang problema habang tayoy naglalakbay,
Paano mo pinaglalabanan para laging matagumpay?
Langyang yan alas dose na pala
Pagtugma ng salita di biro talaga
Kaya naman boss Aga iyong paunlakan
Aking katanungan ay bigyang kasagutan.



You gotta learn defense, bud.


Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1213 on: October 01, 2013, 11:10:47 AM
Pagpasensyahan na kung akoy nagpipilit
Makagawa ng tula kahit di nakakaakit
Basta ang mahalaga ay aking maipabatid
Mga katanungan ko kay sir Agang malupit

1. Kapag walang trabaho at di nakatambay dito
Ano pang ibang libangan, bagay man o laro?

2. Puwede bang malaman iyong relihiyon kung meron
Kung wala naman, anong pinaniniwalaan mo kung ganun?

3. Mahilig ka bang magalaga ng mga hayop
Ano naman ang uri kung oo ang yong sagot?

4. Anu ano ba pinapakinggan mong musika
Ito ba ay charice at aiza seguerra?
Mala Tina Paner ba ang iyong hilig,
O depende din sa mood, masaya, galit o umiibig?

5. Bukod sa paggawa ng magagandang tula
May iba ka pa bang talento na maibabahagi sa madla?


Buti na lang at napadaan ka sir Parabola,
Akala ko kasi wala nang magtatanong pa,
Ngayong nakita ko na gagalingan ko na,
Mga katanungan mong patula ang gaganda.

Kapag walang trabaho at hindi nakatambay dito,
Karaniwang naglalaro ng Candy Crush sa iPad ko,
O kung trip naman manood ng movies na bago,
Isasalang ko lang ang 1TB na hard drive diretso.

Minsan din naman may mga sports na nilalaro,
Basketball, bowling, darts, tennis at kung ano ano,
Kapag may libreng oras pa, iseset-up ang wii ko,
Di kaya, kakanta na lang sa videoke kahit sintunado.
 :D :D :D

Ang relihiyon ko ay Romano Katolika,
Lumaki din ako sa paggabay ni lola,
Dati ay nagrorosaryo at nagnonovena,
Ngayon hindi na, ako na lang ay nagsisimba.
 :-\ :-\ :-\

Hayop ba ang iyong katanungan,
Aso lang naman ang inalagaan,
Mag-alaga ng baboy akin ding naranasan,
Kasi masarap ito kapag mayroong handaan.
 :D :D :D

Lahat naman ng musika ay maganda,
Depende lang sa mood mo din talaga,
Pero karaniwang Love Song at masaya,
Yung tipong sa tugtog mapapaindak ka.
 :) :) :)

Talento ba ang iyong katanungan,
Siguro meron din namang pa-ilan ilan,
Marunong gumihit lalo ng mga kinahiligan,
Tumugtog ng gitara at makipagtipahan.

Bigyan kita ng sample na katamtaman,
Pagguhit kong hindi masyadong kagandahan,
Siguradong pang-amateur na kakayahan,
Pero isa itong kakayahang hindi malilimutan.




 :P :P :P

Yun palang ibang tanong ni sir arthas,
Mga mahihirap akin munang pinalagpas,
Madadaling sagot muna aking binabalangkas,
May kasabihan kasing "Save The Best For Last".
 :-X :-X :-X


Offline iceprince

  • Hero Member
  • *
  • it's not about the looks,it's in the moves!
    • PTFM
    • Virgo
Reply #1214 on: October 03, 2013, 04:44:45 PM
9. Ano sa tingin mo ang iyong pinakamalaking pagkakamali sa buhay at paano mo ito hinarap o itinama?

10. Ano ang iyong pangarap sa buhay na nais mong marating?



6. Anong masasabi mo ngayon sa ating pulitika?
Sa ating pangulo bilib ka ba sa nagagawa?

7. Meron ka bang nagawang mali na labis na pinagsisihan?
Puwede ba naming malaman, sensya na naitanong lang?

10. Dumarating ang problema habang tayoy naglalakbay,
Paano mo pinaglalabanan para laging matagumpay?


Mahirap din palang sumagot dito,
Lalo na at walang inspirasyong bago,
Buti na lang may nagbalik na gusto,
Sana naman nababasa nya ang mga ito.

Pagkakamali ay siguro sa aking pag-aaral,
Kahit na nakatapos ako ng mechanical,
Parang masyado akong naging seryoso,
Pero minsan o madalas nagiging maloko.

Mga dapat kong matanggap dahil sa matalino,
Nawala dahil hindi pursigido at careless dito,
At laging cramming sa pagrereview ng totoo,
Kadalasan ang nangyayari pasang-awa lang ako.
 :( :( :(

Ang pangarap kong marating sa buhay,
Magkaroon ng isang magandang bahay,
Masaganang kinabukasang walang sablay,
Pamilyang sarili ko at buhay na may saysay.

Lahat naman tayo siguro ay pare pareho,
Nagtratrabaho para sa mga minamahal mo,
Sa magiging pamilya, paghahandaang totoo,
Magandang kinabukasan ang inaasam ko.
 :-\ :-\ :-\

Sa ating pangulo, mas okay naman sa dati,
Kahit konti, nabawasan ang pagkuha ng salapi,
Sa umpisa, hindi mararamdaman ang pagbuti,
Basta ba ang susubod sa kanya wag sasalisi.

Mga katiwalian kanya namang nasisiwalat,
Kahit ba puro batikos ang sumasambulat,
Tingan lang muna natin kahit konti aangat,
Kaya wag puro reklamo gumawa din ng dapat.
 :-X :-X :-X

Tama ka, sir Parabola, mga problema talagang anjan,
Hindi ka naman bibigyan, kung hindi mapagtatagumpayan,
Magtiwala ka lang din sa Maykapal, gumawa din ng paraan,
Marami din namang handang tumulong kapagkuwan.

Maging matalino lang din sa mga pinagpipilian,
Mag-isip ng makasampung ulit aking kaibigan,
Lahat ng problema ay maaaring masolusyonan,
Karaniwan, mga problema dapat ding pag-usapan.
 ;D ;D ;D


My Board

Re: PT "Hot Seat" Q & A portion
« Reply #1214 on: October 03, 2013, 04:44:45 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal