
Paano naging mapera ang isang simpleng Ofw?
Yun ang akala ng mga hindi pa nakakapag-abroad di ba?
Yung mga Nurse, Care giver, doctor, at iba pa na sumasahod ng $1,000 hangang $2,000 e dumadaing pa nga.
Anu pa kaya ang mga simple lang gay
a ng janitor, construction workers, katulong, waiter/waitress na sumasahod lang ng 350 to 450 dollars na katumbas ng 1,400riyals sa middle east.
Ang isang simpleng Ofw
ay sumasahod lamang ng halos kapareho rin ng minimum wage sa Pinas.
15k pesos satin, 15k pesos din sa abroad.
Ang pinagkaiba lang ay madaming tax sa atin, plus pamasahe at pagkain kung kaya halos mangalahati ang nasabing suweldo kapag natanggap na.
Ang halagang nawala ay pwede ng pambayad ng meralco at nawasa.
Sa abroad ay buong nakukuha yung 15k pesos at walang bawas kaya sapat na sa mga bayarin para sa isang maliit na pamilya....
Maliit na pamilya.
E pano yung malaking pamilya ha?
Yung may madaming anak?
Kaya kailangang ipadala lahat iyon sa pamilya dahil kung hindi ay ganun din ang magiging buhay....
Para lang ding nasa Pinas....
Siguradong Kakapusin ang pamilya sa mga bayarin.
Sa madaling salita walang natitira sa Ofw.
Kung may matira man e maliit lang.
Halos pangbili lang ng mga personal na pangangailangan gaya ng toothpaste, sabong panligo at panlaba at pang load...
Tapos sero na ulit....
Mag aantay ulit ng katapusan.
Kapag may dumating na problema mula sa Pinas ng wala pang araw ng sahod...
Ayun!
Tama!
Mayaman ang Ofw......
Mayaman sa patak ng luha.
Hahanap ng mahihiraman...
Kapag naulit ulit na may dumating na problema...
Hiram ulit.
Hanggang sa mabaon.
Walang magagawa eh....
Lalo na kapag mahal na mahal mo sila.
Gagawin ang lahat kahit nahihirapan na.
O di ba?
Mahirap din ang Ofw.
Mahirap na ay Malayo pa sa pamilya.
Hahahahahaha!
Ako nga kung minsan....
kapag wala akong magawang paraan....
Nakakalimutan kong malambot pala ang aking kamao...
Nakakalimutan kong matigas pala ang pader para suntukin ko.
Hahahahaha!
hindi lahat ng naka ABROAD sinuswerte.
hindi lahat ng nasa ABROAD may pera.
hindi lahat ng naka ABROAD masaya.
dahil lahat ng naka ABROAD may lungkot na itinatago ito sa buhay. ang malayo lang sa mahal namin sa buhay ay napakasakit na. hindi lahat ng nasa ABROAD pag nilapitan nyo meron silang agad na bubunutin na pera para ipadala agad sa inyo. minsan kamustahin nyo naman ang buhay namin dito sa ABROAD. kung kumakain ba kami sa oras may pera bang natitira para sa amin. nagkakasakit ba kami. hindi yung kung mag isip ang iba, MAYAMAN na 'tong taong 'to."
alam mo ba ang obligasyon at kung gaano kalaki ang hinahawak nitong responsibilidad sa kanyang pamilya?
ang masakit dito pag hindi mo pa napahiram o natulungan sa unang lapit nila sayo iisipin nila nagdadamot ka. hindi nila alam wala ka lang talagang maiabot.
SAD BUT TRUE maraming ganyan na tao.
"OO, MAYAMAN AKO sa TIYAGA AT SAKRIPISYO na pansamantalang nagtitiis mabigyan lang ng magandang buhay ang aking pamilya.