0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Thank you po atty charlie sa reply.. sobrang appreciated ko po. Follow up question po..sa side naman po ng mga umutang, Kung sila ay nakikipag sabwatan sa ahente na pasinungalingan ang kanilang pagkakautang sa akin upang sa bandang huli ay hindi ko na malaman kung sino ang mga sisingilin ko,ano naman po ang tamang paraan upang ma-convince ko sila sa barangay na aminin ang kanilang pagkakautang at humingi ng resibo sa ahente ng kanilang pagbayad ng interest/utang?Paano naman po kung ayaw pa rin magbigay ng ahente ng resibong natanggap niya ang mga ibinayad ng mga umutang? sapat na po ba ang salaysay ng mga testigong nangutang?Kung kayo po ang abogado ko, paano nyo po ipipresent sa husgado na may estafang naganap kung wala namang ebidensya ang mga testigo?Kung ikaw naman ang abogado ng mga akusado, ano po counter defense nyo?