My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • malakingfuckyou: Kaka miss ang pse
    April 14, 2026, 03:59:06 PM
  • ahlks26: Libog
    April 16, 2026, 07:08:04 PM
  • malakingfuckyou: Fss
    April 17, 2026, 09:40:21 AM
  • pinoytambayako: Eyyy
    April 19, 2026, 04:44:14 PM
  • arch29ify: elnunal
    April 19, 2026, 10:40:35 PM
  • malakingfuckyou: Pse
    April 20, 2026, 10:27:24 AM
  • rhon68: Jasmine
    April 21, 2026, 08:20:52 AM
  • rhon68: Eighteen
    April 21, 2026, 09:50:15 AM
  • luciouschemz: Aileens gatden
    April 22, 2026, 10:05:43 AM
  • luciouschemz: Aileen
    April 22, 2026, 10:06:23 AM
  • luciouschemz: Aileen shower
    April 22, 2026, 10:18:25 AM
  • malakingfuckyou: Nakaka miss magbasa ng ntr stories
    April 22, 2026, 08:30:29 PM
  • Maryjean: ang usapan 33
    April 25, 2026, 05:41:07 AM
  • malakingfuckyou: Hi jean. Pm
    April 25, 2026, 08:33:02 PM
  • -kobe-: konte lang pipol now ah
    April 26, 2026, 07:14:34 PM
  • malakingfuckyou: Ps erotica kakanmiss
    April 27, 2026, 02:27:35 PM
  • ashketlon: Mapagmahal
    April 28, 2026, 11:50:00 AM
  • -kobe-: nakita ko si boy bakal hehe nakaka-abang !
    April 29, 2026, 02:34:35 PM
  • -kobe-: work muna ako may submitl lang ako BRB
    April 30, 2026, 11:21:33 AM
  • hotjeffzky117: tagalog
    May 01, 2026, 08:56:15 AM

Are you a 90's baby?

mico · 37 · 20281

0 Members and 4 Guests are viewing this topic.

Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
on: May 26, 2014, 09:03:44 PM
Are you a 90's baby?! If your are, you would definitely like this as the way I do:

*Masaya ka kapag naglalaro ka ng Teks at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

*May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

    Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. (pero ang alam ko na tirador nung bata ako eh ung dalawang stick ng bananaQ gagawin mong ekis tapos goma tapos Stork Candy wrapper para sa lagayan ng bato. ^^)

    Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

    Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

    Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.

    Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

    Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

    Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

    Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

    Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

 

Voltes V versus Bioman

 

    Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

    Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.

    Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

    May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

    Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

    Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

Bazooka Comics

    Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.

    Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base, brikidam 123. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

    Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

I Love Collecting Funny Comics!

 

    Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

    Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

    Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

    Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

    Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.

    Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Do You Play 10-20?!

    Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.

    Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

    Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

    Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

    Sumasayaw ka ng Macarena.

    Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.

    Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

    Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

    Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

 

    Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

    Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

    Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

    • Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

    Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

I Cried When I Failed To Watch 'Shaider'!

    Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

    Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.

    Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

    Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

    Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

    Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

    Napanood mo ang Batang X. At ginawa ninyo ung hand formation nila. Yung labas ung hinlalaki at hinliliit at pag dudugtong dugtongin ninyo magkakaibigan.

    Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

Before, I Wish I Could Have Game & Watch!

    Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

    Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.

    Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

    Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

    Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

    Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

    Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

    Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

    Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

    Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

    Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

Cha or Chub?!

    Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

    Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.

    Kinokolekta mo ang Funny Komiks tuwing darating ang Biyernes dahil kila Combatron, Tumas en Kulas, Tinay Pinay, Niknok = Eklok, planet op di eyps etc.

    Tuwang tuwa ka nuon pag may pumupunta na mga free drinks at food nuon sa skul. Tulad ng Sustagen, Nido, Milo, at kung hindi ako nagkakamali eh pumunta din ung Royal Spaghetti. (alam ko nagpauwi sila ng isang supot ng pasta nuon eh)

    Inaabangan mo sa umaga o sa hapon sina Peter Pan, G-Force (Five teenage Champion), Mary at ang lihim na hardin, BTX, Zenki, Akazukin Chacha, Mighty Mouse, Dog of Flanders a.k.a. Nelo at Patrash.Tuwing weekends naman sila Masked Rider Black, Jetman, Fiveman, Time Quest, Battle Ball, Takeshi's Castle, Ping Ping ba un? Boyoyong Clowns, Flying House at 911??? *lol*

    Alam mo din ang Valiente at Ana Luna.

    Lagi mo din kinakanta yung "Nano Nano Candy". at mahilig ka bumili ng mga chichiria tulad ng Bahay Kubo dahil may nakukuha kang mga laruan tulad ng singsing na plastic, pambura, sundalong plastic kaso huli na dahil nalunok mo na ito.

    Last Digit, Digit, Text Money Tatsing, cara y cruz, etc. mga sugal nung bata ka pa.

    Madalas meron neto sa labas ng elementary school: Ice Scramble na kulay violet pag walang chocolate na hershey, nagtitinda ng Uang, Palabunutan ng Itik, sisiw at ang pinapangarap mo nuon na gameboy. Kwintas na ang palawit eh ung maliit na tube na may lamang tubig na may kulay o di kaya pangalang gawa sa wire or bago pa sayo nuon ang cross na umiilaw pag madilim, mga malalaking garapon ng lady's choice na may lamang mangga at singkamas na tinda ni lola na marumi ang kuko habang nilalagyan nia ng bagoong ang inorder mong mangga. Ice candy, santol.

Have You Got Crazy Over Sergio and Marimar?!

    Sanay ka magbilang ng i-sa, dala-wa, tat-lo, a-pat, li-ma dahil sa teks.

    Hustler ka rin sa larong teks(chub o cha?!), dampa (ginagamitan ng rio *tawag sa goma na pang tali sa buhok*, Gagambang Sabong, Super Trumps, Trumpo, Jolens, pati ung mga makukulay na parang beads na nilalagay sa ID lace na ginagawang jolens, tatsing ball.

    May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong magplay safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL

    Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

    Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

    Nagkaroon ka ng baseball cap na may silver kumikintab na stainless steel.

    Nagkaroon ka din ng laruang gawa sa ballpen at lalagyan mo ng bala na balat ng orange sa magkabilang dulo at tutusukin mo ung isang dulo para tumalsik ung kabilang dulo sa mata ng klasmeyt mo.

    Mahilig ka mambato ng halamang may tinik na bilog sa likod ng klasmeyt mo habang naglilinis kau sa garden na laging tinutubuan ng damo.

    Sikat na chichiria nung bata ka ang pritos ring, rinbees, boogie man, cedie cornik, wonder boy (bata na idol ko dahil iba iba ang sasakyan bawat plastic), humpty dumpty (naalala ko may nagbaon neto nun sa bus nuong fieldtrip namin, Holy Cow sa baho!), LALA chocolate, Sunshine, Expo, Cry Baby, Starkist, Cheesedog, Sakanami, chickadees, tarzan, mr.cinco, chocoroll, caramel, cherryball, chocnut.

    Gumawa ka din ng isang pinitpit at pinatalim na tansan ang ikinakabit sa tali na isinusuot naman sa mga hinlalaki ng magkabilang kamay. Paiikutin mo ang matalim na tansan na parang chain saw, tapos itatapat sa kalaban mong may hawak ding ganito. Panalo ka pag napatid mo yung tali nung kalaban. Talo ka pag tumalsik sa mukha mo yung blade at sumirit ang maraming dugo.

    Madalas ka makakita ng mga nakapark na Bangaw sa skul at pag sinuwerte ang isang bangaw gagawaran cia ng mahabang sinulid sa buntot at presto may kaibigan ka ng bangaw. (pwede din ito sa tutubi at sa mga salagubang)

Bakit ba ang sarap balik-balikan neto? Enjoy!!!


credits to - kami-ang-batang-90s
« Last Edit: March 31, 2018, 10:14:07 PM by mico »


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


My Board

Are you a 90's baby?
« on: May 26, 2014, 09:03:44 PM »

Offline razorsharp

  • Certified Member 2
  • *
  • moments of intimacy, laughter and kinship
    • Capricorn
Reply #1 on: May 28, 2014, 01:20:10 PM
haha - di ako batang 90s pero nasa college ako nung 90s. yun ang dekadang namulat ang mga mata ko. karamihan din ng nasa itaas e medyo applicable pa sa mga batang 80s hehe.
« Last Edit: May 29, 2014, 02:24:00 AM by razorsharp »


M.I.L.K. is an epic photographic celebration of what it is to be part of a family, share the gift of friendship and more than anything else, to be loved. Inspired by the 1950s landmark photographic exhibition "The Family of Man", M.I.L.K. began as a worldwide search to develop a collection of extraordinary and geographically diverse images portraying humanity’s "Moments of Intimacy, Laughter and Kinship" (M.I.L.K.). This search took the form of a global photographic competition in 1999.


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #2 on: May 28, 2014, 05:33:13 PM
80's baby pero batang 90's.

All the while I thought the 90's was lame, I disliked the songs kasi. I love the 80's though in terms of music.

Pero come to think of it... Okay din pala. Yeah cliche, life was simpler yada yada, pero totoo eh.

What I hate about the 90's eh halos tulog na lahat ng 9 PM. If we stayed up late ng 12 midnight to watch Beavis and Butthead sa MTV we were considered rebellious and cool. Like I said, lame-o, pero masaya. The good ol' days ika nga.

WWF era was to me, the golden age of pro-wrestling.
Chicken joy seems to taste better back then, bakit kaya?
A&W burger and root beer float rocks.
20 pesos movie tickets.
1.50 pesos pamasahe sa jeep.
100 lang na gas malayo na mararating mo.
Burger machine and Minute burger was a big deal.
Cindy's was good. Wendy's still had an open salad bar, Pizza Hut was better and so was Kentucky fried chicken. Burger King had free refills. Woot.

Good times man. Good times.
~ Insert witty quote here ~


My Board

Re: Are you a 90's baby?
« Reply #2 on: May 28, 2014, 05:33:13 PM »

Offline charliehouse

Reply #3 on: May 29, 2014, 08:22:15 PM
80's by date 90's by heart ako eh. The good old days nung wala pang cellphone damn kung may crush ka harapan talaga uso pa ang love letters nun. Naaalala ko pa binigyan ko yung crush ko tapos ngumiti siya damn priceless moment yun.
Sa bawat bobong post ay may pilosopong reply.


Offline razorsharp

  • Certified Member 2
  • *
  • moments of intimacy, laughter and kinship
    • Capricorn
Reply #4 on: May 30, 2014, 03:00:53 AM
yup - tapos kung gusto mong tawagan maghahanap ka at pipila sa payphone na kulay pula. tatlong beinte-sinko lang ayus ka na.

or pupunta ka sa sari-sari store tapos may telepono dun na rotary phone hehe.


M.I.L.K. is an epic photographic celebration of what it is to be part of a family, share the gift of friendship and more than anything else, to be loved. Inspired by the 1950s landmark photographic exhibition "The Family of Man", M.I.L.K. began as a worldwide search to develop a collection of extraordinary and geographically diverse images portraying humanity’s "Moments of Intimacy, Laughter and Kinship" (M.I.L.K.). This search took the form of a global photographic competition in 1999.


My Board

Re: Are you a 90's baby?
« Reply #4 on: May 30, 2014, 03:00:53 AM »

Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #5 on: May 30, 2014, 10:57:54 PM
90's Baby, Born in the '80s to mid early 90s those we're the Golden Age para saken... lalo na ang mag abang ng funny comics sa weekend :D


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline Troll Montero

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Hello
Reply #6 on: June 01, 2014, 02:28:05 PM
thursday yata ang labas ng funny comics nuon if i remember correctly...  palagi ako sa national bookstore kapag weekends nag aabang ng dc at marvel comics... tapos tamang tambay din ako sa rentahan ng comics haha... nakakatuwa nuon parang bz ako pero nagagawa ko pa ding maglaro, mag aral at mag basa... may atari at family computer din every sunday lang ang laro ko kung hindi kame pupunta ng luneta para mag bump car haha...

yung tv programing nuon yun ang nakaka miss sa 90's... sobrang ganda ng mga palabas... every friday parang kids day, andyan ang ewoks, ghost buster, x-men, ninja turtles... kapag weekends naman dame din magandang palabas, palagi kameng abangers ng sunday 5:30 pm yung dragon ball z haha... thursday ghost figther at 6:30... grabe those were the days... tsaka yung mga series sa rpn 9 gaganda din... mcgayber, airwolf, blue thunder ilan lang sa mga paborito ko at syempre ang mag amang bart at homer...
O... Ohhhhh... Ohhhhhhhhhh....


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #7 on: June 01, 2014, 03:14:36 PM
Pag narining mo yung Lyrics na...

"There she was just a-walkin' down the street
singin' do-wah diddy-diddy down diddy-do
snappin' her fingers and shufflin' her feet
singin' do-wah diddy-diddy down diddy-do

She looked good, LOOKED GOOD
she looked fine, LOOKED FINE
she looked good, she looked fine
and I nearly lost my mind..."

Hindi ka daw batang 90's kapag hindi mo alam ang palabas kapag..... 4:30 na!!!!









"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline Troll Montero

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Hello
Reply #8 on: June 01, 2014, 07:47:24 PM
inaabangan ko palagi anong kulay ng panty ni annie sa shaider lol
O... Ohhhhh... Ohhhhhhhhhh....


Offline Troll Montero

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Hello
Reply #9 on: June 03, 2014, 12:57:02 PM



laruan nung90's


Sent via wifi sogo
O... Ohhhhh... Ohhhhhhhhhh....


Offline Troll Montero

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Hello
Reply #10 on: June 03, 2014, 01:24:22 PM






Sent via wifi sogo
O... Ohhhhh... Ohhhhhhhhhh....


Offline Troll Montero

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Hello
Reply #11 on: June 03, 2014, 01:25:03 PM

syempre ang mga taga ginebra


Sent via wifi sogo
O... Ohhhhh... Ohhhhhhhhhh....


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #12 on: June 04, 2014, 08:02:51 PM
inaabangan ko palagi anong kulay ng panty ni annie sa shaider lol

LOL si Annie ang nagmulat sa atin sa kamunduhan, pero iisang kulay lang nakikita ko lague kasi black & white TV namin nun.


syempre ang mga taga ginebra


Sent via wifi sogo

Eto pinaka dko makakalimutang lineup ng Ginebra from mid 90s kahit na hindi ko sila fans (LOL)  the best pa ung rivalry nila sa Alaska at SMB before, walang sister teams sister teams unlike ngayon.


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline mikul8

  • Certified Member 1
  • *
  • We Cease to Love OurSelf If No One Loves Us
    • Sagittarius
Reply #13 on: June 04, 2014, 10:00:11 PM
Haha tamang tama! Hayyy nga naman ang bilis magbago ng  panahon, dati napapagod kakalaro ng patintero, tumbang preso,  taguan kapag flores de mayo, ung ang line up ng mga palabas sa umaga ay puro anime 8:00 ang simula, naantig at naglakbay ksama si tom sawyer at huck berifin, nag kacrush kay mary at napanuod mo ung family na nastranded sa isla( cant remember na ung tittle) natuwa sa tellitubies at natawa sa wow mali, kasama at subaybay ang family cosme sa lahat ng pinagdaanan nila,  kilala mo c doc aga na betirinaryo at alam mo ang theme song ng oki doki dok. May kwela kapag ang mga characters ay sila redford white at babalu. Napanuod ang apo hiking society sa knilang noon time show at pera o bayong.

Haha what memories, simple lng nun pro masaya.

Experiment 626 aka stitch



I want the best, and the best things in life are free.  Nothing else can break my heart.


Offline crashtest

Reply #14 on: June 05, 2014, 01:26:58 AM

Same here! i used to remember the 4:30 na AngTV na days
:)

Sent from my LT26ii using Tapatalk


My Board

Re: Are you a 90's baby?
« Reply #14 on: June 05, 2014, 01:26:58 AM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal