Kamusta ka ?? balita ko masaya ka na! balita ko may iba ka na. Masaya ka ba?? Sana!!
Ako? eto, patuloy na lumalaban, patuloy kong tinuturuan ang puso kong kalimutan ka. Kalimutan ang babaeng
minahal ko ng lubusan. Kalimutan lahat ng ating mga pinagsamahan.
Siguro iniisip mo bitter ako! ang sagot d'yan?? OO
ako na siguro ang pinaka bitter na tao sa mundo. Hindi ko kasi matanggap ehh, hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit ka lumisan, ako ang dahilan kung bakit pagmamahalan nati'y nawakasan. Ako ang dahilan, pero bakit ako ang parang napag-iwanan.??
Kung naging mas kuntento lang ako, kung.. hindi sana ako naghanap ng bago.. e dii sana tayo pa! hindi sana ako puro sana.
Alam kong mali ang ginawa ko, sana mapatawad mo ako.. mali kung sasabihin ko na hindi ko sinadya!, dahil lahat ng mga pangyayaring naging sanhii ng pag hihiwalay natin ay ginusto kong mang-yari. Hinayaan kong masira ang kung anong meron tayong dalawa, hinayaan kong ma involve ako ng isang babaeng hindi ko akalaing sisira ng matagal na panahon nating pagsasama.
Tama nga sila, hindi ko dapat pinapasok ang isang bagay na hindi ko kayang lusutan, hindi ako dapat sumugal!!. Hindi ako dapat nagpakahangal. hindi ko sana isinugal ang relasyon natin para lang sa isang babaeng hindi ko naman lubos na kilala, kung sana'y naging matatag ako..

Hindi dapat ako naghangad ng mas hihigit pa sayo! isang malaking kamalian ang umasang may hihigit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sakin. Naalala ko tuloy yung sabi mo dati, "ang relasyong nagsimula sa mali!! kailanman hindi magiging tama!"
Sana nalaman ko noon pa, na ikaw lang talaga ang mahal ko, na ikaw lang talaga ang gusto ng puso ko.. hindi sana ako nag durusa, hindi sana ako nag-iisa.. hindi SANA AKO puro SANA!!