0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Yan ang hirap sa atin, akala mo ang pag asenso eh parang computer na isang click mo lang eh magbabago na lahat.. Walang magic ang presidente lalo na kung lugmok ang dinatnan nyang sitwasyon. Tingnan mo na lang ang Singapore at kung gaano katagal ang panahon nitong ginugol para maabot ang kalagayan nito ngayon.Si Lee Kuan Yew ay kasabayan lang ni Marcos na namuno pero ano ang kaibahan ng isang mabuting presidente sa kurakot na presidente.. Maunlad ang Singapore samantalang lugmok ang Pilipinas sa utang. Isipin mo na lang, ano ang status ng Singapore nung umupo si Lee Kuan Yew bilang prime minister? napakaraming problema katulad ng mass unemployment, housing shortages and kakulangan sa lupa saka natural resources, racial tension saka kung anu ano pa.Eh ang Pilipinas? Pangalawa lang naman tayo sa Japan nung umupo si Makoy..Eh ano ang ginawa ni Lee Kuan Yew? Ginawa lang naman nya ang isang developing nation to first world status.Eh si Makoy? Mula sa pangalawa, eh ginawa nya ang pilipinas na lubog sa utang at bagsak ang ekonomiya nung pag alis nya..At take note pa.. Sa kabila ng mga problema ng Singapore, pinautang pa rin nito ang pilipinas na aabot sa 8 bilyong dolyar.. Sa panahon ni Noynoy ay may mga pagbabago na economically, katunayan sa isang article sa Time Magazine ay nabanggit ito, (ito yung link) http://www.philstar.com/business/2014/03/13/1300480/philippines-new-group-top-emerging-economiespero katulad ng sinabi ko di ito kaagad mararamdaman lalo na ng ordinaryong Pilipino pero pag ang susunod at mga susunod pang lider ay may kaparehong vision at di kurakot na katulad ni Pinoy, makakakita ng pag asa ang Pilipinas lalo na kung makukulong ang 3 senador..