0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
siguro dapat dagdagan ang termino ng presidente ng pilipinas .. 4 years is not enough .. and i think dapat sana wala din opposition .. nasasayang ang araw at pera ng tao kaka debate nila .. after nila mag debate kakain sila sa business luncheon .. ang mamahal ng pag kain ng mga taragis! panay nakawan pa .. bigyan ng kamay na kamao ang batas natin .. pero siguro mahirap parin mabago ang panis na systema .. kasi hindi lang naman presidente ngayon ang may impluwensha .. maging ang matataas na tao .. mga cojuanco at iba pa na kayang manipulahin ang bansa ..
IMHO, kung di naging kurakot si Marcos, siya ang masasabi kong naging magaling na presidente. Remember, 20 years in power sya at ito ay nahahati sa ilang termino. Yung unang termino nya, yun na siguro yung glorious days of Philippines since dito sya nagpatupad ng mga pagbabago, mga imprastraktura, at kung anu ano pa na nakinabang kundiman nakapabago ng buhay ng mga pilipino.Ang problema lang eh nung magdeklara sya ng martial law at di lang karapatan ng mga tao ang kinuha nya di kundi maging ang pera ng taumbayan. May mga nagsasabi na maganda daw ang martial law dahil nadisiplina tayo. Pero ang mga nagsasabi nito ay yung walang experience sa totoong martial law. Subukan kaya nyong tumira sa North Korea para malaman nyo kung maganda nga ang martial law.Dahil sa korapsyon at kawalan ng kredibilidad ng rehimeng Marcos, simula nung 1984 ay nakaranas ang pilipinas ng negative economic growth. At ng mapaalis sya, bilyong piso ang utang ng Pilipinas na hanggang ngayon eh binabayaran pa natin.Ang sumunod na mga lider eh mga walang kakayahan o kundiman eh kurakot din.. Saan pa nga ba tayo patungo sa mga ganitong pinuno?Minsan nakakatawa tayo, si erap convicted na kurakot, nung tumakbo, kung wala si noynoy, siya pa ang nanalo, Si marcos, pinagnakawan tayo ng bilyong piso, ginoglorify pa natin.Naisip ko lang, kung di kaya tayo binaon ni marcos sa utang, nasaan kya tayo ngayon, pareho din ba kung sakali ng sitwasyon natin ngayon?Wala namang perpektong presidente, mas ok pa rin sa akin si Noynoy at least may pagbabago tayo sa ilang bagay bagamat mahina talga sya sa pag handle ng mga situation, ang mahalaga di sya kurakot. Kesa naman kay Gloria, FVR, Ramos na puro kurakot ang issue.. Kulang na lang eh ibenta ang mga pinoy para yumaman pa.. Naitanong ko lang, kung wala kaya tayong utang, siguro may apgbabago sa Pilipinas
Granting sa panahon ngayon si marcos ang naka upo .. ano sa tingin nyo ?? May napoles bang lalabas.? May senators bang kikickback sa mga pork barrels?? sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot ..
meron pa rin. hindi nga lang halata kasi walang magbubulgar dahil ipapapatay or ipapakulong agad.ang siguradong wala ay mga rally, welga, protesta at lahat ng kontra sa gobyerno. kung sa panahon ngayon si marcos ang naka upo, hindi pwede mag komento sa mga balita. hindi pwede itong mga ginagawa natin na sasagot na lang ng basta basta dahit tyak "MAGBIBISEKLETA KA MAGHAPON SA CAMP CRAME"
Haha ayos no? Parang mas gusto ko pa yan kesa ngayon .. hindi sana tayo nag hihirap mag trabaho sa labas ng ating bansa .. kayo ba mas pipiliin nyo ganitong gobyerno? Oo meeon tayong kalayaan .. sobra sobra pa nga eh kahit ipahiya mo ang pangulo sa media araw araw ok lang .. kaso panay din ang kurakot sa pinag hihirapan natin mga pilipino .. sila at ang kanilang mga kamag anak ang yumayaman .. biruin mo maraming pilipino nasa sariling bansa walang sariling lupa!? Kung mag karoon man ng katulad ng pag disiplina ni marcos ngayon .. susunod nalang ako maayos naman ang gobyerno kesa sa ngayon .. hanap buhay mo para sa pamilya iba nakikinabang .. imho .. Sent from my Excite 450q using Tapatalk
I can't imagine what u'r trying to say. Try to look for this, situation of the Philippines bago sya maupo at sitwasyon ng Pilipinas nung iniwan nya. Ano bang klase ang Pilipinas pag alis nya? Maunlad ba tayo? Marami bang trabaho? Maganda ba ang ekonomiya natin?Sad to say , Crony Capitalism Policy of Marcos benefited lang ang kanyang mga cronies and close friends. They monopolize everything from sugar to coconut, one of our major export during those days. Binbili nila ito sa mga magsasaka sa presyong gusto nila at hindi sa presyo ng pandaigdigang merkado at ipinanagbibili naman sa mataas na presyo. at ang kita ay sa bulsa nila ito pumapasok..Did you ever heard about Coco Levy Fund? Ito yung perang ginamit ni Danding para bumili ng shares sa SMC.. Ito ay pera ng mga magsasaka ng niyog na sapilitan nilang kinuha o kung tawagin ay "forced taxation" kapalit ng pangakong gagamitin ito para mapaunlad ang pagniniyog sa Pilipinas.. Pero ginamit lang ito sa pansariling interes..Hindi lang yan, ang malalaking korporasyon ay kinuha din ng mga Marcos nung panahon ng Martial LAw at ipinamigay sa mga cronies.. Martial law is not intended para madisiplina tayo, ito ay intended para mapatahimik ang mga bumabatikos sa kanya at para magawa nya ang gusto nyang gawin ng walang bumabatikos sa kanya..Did u ever have a clue kung gaano ka extravagant ang lifestyle ng mga Marcos using our money? kaya lang naman ni Imelda Marcos nung panahon nya gumastos ng 2million US dollar sa loob ng isang araw sa kanyang shopping spree... then today, many youths are idolizing this people..tsk... tsk.. tsk..