Comatose na pasyente, mataimtim kung makinig
NEW YORK (Reuters Health) – Ang ilang tao na nasa vegetative o minimally-conscious state ay may kakayahang makinig at sagutin ang mga simpleng katanungan sa pamamagitan ng kanilang isipan, ayon sa isang bagong Canadian study sa tatlo katao.
Gamit ang specialized MRI machines, natuklasan ng mga mananaliksik na ang utak ng mga pasyente na physically nonresponsive o comatose ay umiilaw o nagigising kapag ang pasyente ay hinihiling na sumagot ng “yes“ o “no“ sa mga katanungan o nakikinig sa mga partikular na pahayag.
“The questions that we posed to ourselves were whether patients who are completely nonresponsive… have the ability to pay attention and whether we can use this as a way to communicate with them,“ sabi sa Reuters Health ni Lorina Naci, lead author ng pag-aaral sa Western University sa London, Ontario.
Sa mga naunang pananaliksik, natuklasan na ang ilang tao na walang outward signs ng consciousness pagkatapos ng malubhang pinsala sa utak ay kayang itaas ang aktibidad ng kanilang utak kapag pinakiusapan.
Gayunman, hindi pa natutukoy kung ang mga taong ito ay kayang magpokus sa mga utos at manatiling nakapokus nang matagal.
Pinag-aralan ni Naci at ng kasamang si Adrian Owen ang tatlong pasyente na may severe brain injuries at nasa minimallyconscious o vegetative states, na isinailalim sa functional magnetic resonance imaging scan (sumusukat sa dami ng daloy ng dugo sa ilang bahagi ng utak), na ginagamit na panukat sa aktibidad ng utak.
Sa kabuuan, ipinakita ng scan na ang mga pasyente ay nagpakita ng mas maraming aktibidad kasunod ng mga utos na makinig.
Dalawa sa mga pasyente na nakumpleto ang karagdagang pagsubok ang nakaintindi ng ilang mga kataga sa series to recognize. Ang kanilang mga scan ay nagpapakita ng mas maraming aktibidad kapag binabanggit ang mga katagang iyon.
Halimbawa, nasasagot nila ang mga katanungang, “Are you in a supermarket?” at yes sa, “Are you in a hospital?”
“We scanned the patient in two scanning visits five months apart and we found that the patients activated the same brain regions,” sabi ni Naci.
“We are 99 percent confident in the results… we can deduce that it is significant and driven by the patient,” aniya.
“I think the upshot of this is that there is enough data now to know that patients are being misidentified as unconscious when they have levels of consciousness,” sabi ni Dr. Nicholas Schiff, neurologist sa Weill Cornell Medical College sa New York, na hindi sangkot sa pananaliksik.