0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
+karma sa iyo sir... nice article...Atienza once mayor of manila have the gutz to tell this to estrada and morena, while during his time don't really made an effort to lift a finger in reducing traffic jam in manila? Minsan natatawa na lang talaga ako sa mga politician, just to be known at mapansin eh magko-comment ng kung anu-ano... i don't have a problem with that pero sana balikan muna nila ang nakaraan bago sila mag-comment kasi baka mag-backfire sa kanila ito basta lang mapansin ng tao..... using the sentiment of people to do his bidding....tsk, tsk, tsk... good strategy, hope people will not buy it....
Itong si Atienza talaga. Sana ang mga taga Manila will have the guts not to put this man or any of his family in office. Halos binangkarote niya ang Manila at sobrang pangit at baho ng Manila sa panahon niya. Tinaguriang Venice of Asia ang Manila na plano sanang gawin ni Burnham, pero ngayon panis na. Chop seuy. Walang urban planning
Ang pagbabago talaga ay mahirap sa umpisa. It's like changing your habits, the first part is the hardest.What they now need to do is implement a system kung saan makakasakay ang mga tao kung saan binababa ng mga bus ang bulk ng pasahero. Efficient public transport pa rin, and that means cutting inefficiencies, like the majority of the jeepneys.
Tama lang ang system na yan, kasi ang system natin kung saan natin gusto bumaba dun bababa.Like the provincial bus, tama na pag pasok nila ng manila dun lang sila magbababa sa terminal nila. Tawag diyan sa ibang bansa e express or coach.Ngayon, gusto ng babaan for an efficient public transport, bus pa rin ang sagot. May interval lang ang baba, at may oras. Like let say from manila city hall ang unloading post e dyan sa may pader ni andres bonifacio, sa quiapo, then sa lerma, then sa kanto ng lacson. Ganun ang interval. Pag pasok ng pasahero after 2 minutes, aalis na ang bus kahit di pa puno. After 6 to 10 minutes darating na ang same bus na same route.Kung pupunta kayo ng south korea o london ganun ang sistema. Ang nakakababa lang kahit saan? Taxi ka. Pero in between unloading post, lakad ka. Sariwa pa ang sistema na yan, but it's a step in the right direction. Kailangan lang ma i place maige ang spacing sa loading/unloading post/shed/area at interval ng times ng bus. Kailangan din bawasan ang mga jeeps at bus at lahat by oras.Dun lang aayos ang sistema diyan, ngayon kung iisipin natin ang kabuhayan of each and every Filipino people, then expect us to be a third world country for the next 1000 generations.