0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Ayos to sa mga nagbabalak magtayo ng tshirt printing business na hindi well versed sa photoshop.Mabuti ako at marunong si misis at kung hindi niya alam kung pano titirahin eh nagpapatulong kami sa mga kakilala namin na mahusay sa photoshop. When we started out ay parang Spoofs Unltd ang idea namin. When our friends saw our designs and naisip nila na okay ang idea namin, they also had their ideas of their own na gusto nila ipagawa so in the end ay majority ng mga customers namin ay sila na nagiisip ng mga designs nila. Nakakatuwa yung iba dahil halos kada sahod may bagong idea na ipagawa kaya panalo kami sa repeat customers.Yan na miss ko tuloy ang tshirt business namin ni misis. Ngayon kasi na andito kami sa Mindanao eh tinigil din muna namin dahil most of our customers are in Manila and walang supplier dito ng tshirt na gamit namin, yun pa naman isang factor kung bakit madami kaming repeat customers dahil bukod sa enjoy nila ang print eh high quality din ang shirt.