0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
hmmm pagmadami ka ng tanong kung san sya pumunta .. how's his day... nasasakal na.... may iba na kasi pinagkakaabalahan ehehe... and ikaw nmn masasaktan ka kasi u feel rejected...
presence is a big factor in a relationship. this plays a major part. when you're together, the girl will feel the security and affection. wala pa naman ako experience na long distance pero yan ang aking pananaw kapatid.
mahirap yung pressence tol kung LDR, lalo na kung ibang bansa.... cguro tingin kong reason kaya nawawalan ng gana ang kapartner eh dahil nababaling yung attensyon niya sa iba? di kaya?
posible kapatid. una, since magkalayo kayo, lalapit ang mga tukso nyan. and habang nangungulila ang isa, may mga lalapit sa kanya para punuin ang pagkukulang ng kanyang partner na nasa ibang lupalop ng daigdig. mejo komplikado ang ganitong setup sa tingin ko.
ui may pinag huhugutan si maam eeca... haha.. isa nga yang dahilan para mawalan ng gana yung kapartner mo kapag nasasakal na, pero kung simpleng tanong lang maam cguro naman eh hindi reason yun para mawalan siya ng gana... mas ok ngabyung matanong ka kapag nag uusap kayo lalo nat LDR eh, atleast marami kayong mapag uusapan, unlike kung walang tanong, tinginan lang kayo sa cam tas wala kayong alam na pag usapan.. db?
ahaha ang alam ko.. may tama ka jan Boss.. tsaka pag ramdam mo ng di na sya interesado sayo at di ka na nya vinavalue... its hard LDR but you have to work on it its hard but wala nmn madali sa buhay... we have to work on it to learn during the process
kulang sa trust tol? maari nga okaya hindi pa ganun katubay yung pundasyon niyo para subukin yung LDR
jan nyo masusubukan ang trust tol. kung bago pa lang kayo at LDR agad, mahirap yan. kasi you are still under adjustment. para sa kin mas mabuti nang kilala nyo na ang isa't isa bago pa magdecide na mangibang lugar ang isa sa inyo. trust is a complicated word. hindi love e. kasi kahit saang situation mapa love or something else pag napasok ang word na trust at nasira, apektado lahat. may mga tao naman na trustworthy talaga. kumbaga dahil mahal nyo ang isat isa nadadala nyo ang trust. mas maganda kung ganyan ang setup. kesa sa una lang yung trust then at latter part nawawala na dahil di ka nya nakikita at di nya alam ang ginagawa mo.
wooow yan ang dedikasyon ni maam... what if, wala na syang time sa iyo? what if everytime na lang na mag tatanong ka sa kanya, nagagalit siya? worth paba syang ipaglaban? i mean, ipaglaban yung love ko sa kanya?btw, binigyan kita 1st karma... thanks sa pag sagot maam
what if sa net lang nagka kilala? then nainlove ng todo tol, tas bigla nalang mararandaman mong nawalan siya ng time.... tingin mo ano ang dahilan? haha
ill give him/her the benefit of the doubt... mahal ko sya obserbahan ko muna, give him/her the space he/she needs and then we'll decide.. we have different ways of expressing our love... hindi porket di nya nagawa to e di ka na nya mahal, every person is unique... ill keep a distance... not go away ha... keep my distance... para maclear and head makapagisip... ayun... para sakin if you love a person its worth the fight... but the question is does he/she wants to be fought for? then you decide... to stay or to let it go...
love online.. hmm.. this is quite difficult. knowing the background ng kausap mo pa lang is a big question. she may tell you lies sa umpisa pa lang. nasa pag uusap nyo yan tol. may mga babae kasi na di lang ikaw ang kausap, kumbaga option ka lang nya. di tayo nabuhay para maging option lang ng babae bro. pero hanga ako sa mga nagkakatuluyan na mula lamang sa isang simpleng chat ang naging usapan. siguro kung titingnan natin maliit na porsyento lang ang maaayos kausap. another thing pa tol, pano kung poser ang kausap mo? wala syang cam, only a facebook account na di ka sure kung sya talaga di ba. naglipana rin ang mga ganyan.teka nawawala ako sa topic, kapag nawalan ng time ang isang tao, malaki ang chance na may iba syang kinalolokohan tol. ang pagiging busy sa work ay ibang bagay. kung mahal ka, maraming paraan para hanapan ka ng time.