Minsan masasabi mong ok pa yung mga taong bigla nalang nawawala eh. Kesa onti onti nilang pinaparamdam sayo na nawawalan na sila ng gana. Minsan, gumagawa sila ng paraan para ikaw ang sumuko at sila ang hindi magmukhang masama. Minsan, di mo alam san ka lulugar dahil kapag palagi mo silang kinausap eh lalabas na clingy ka. Kapag hindi ka naman nagparamdam sasabihin nilang wala silang worth sayo. Hindi mo rin naman masasabi kung paano yung saktong approach eh. Kasi kapag nagmahal ka, it’s either kulang or sobra. Pero sakto? Parang medyo malabo. Kung meron man nakakagawa iilan lang.
Bakit kaya ganun? Bakit kaya madalas mawala yung taong sobra magparamdam dati? Wala namang mali. Basta nawawala lang sila. Ganun talaga siguro ang buhay. May taong makiki usyoso lang ano ang pakiramdam kapag napansin mo sila o ma relate sila ng onti sa buhay mo. Buhay nga naman.