Noong bata ka tinuruan ka ng iyong magulang ng tama sa hindi.
Pumasok ka ng elementarya at kung may kaya ang magulang mo
sa isang catholic o christian school ka nila napiling magbasa.
Sa institusyong ito tinuruan ka na naman ng kagandahang asal at pano magsalita ng tama.
Yung paggalang at higit sa lahat ang pag mamahal sa Dioys at sa kapwa.
Pagdating mo ng highschool tinuloy ng parents mo na mapag-aral ka sa magandang paaralang pangsecondarya.
Natutunan mo masmahirap pang mga leksyon at higit sa lahat doon nabuo ang pagkatao mo bilang isang binata.
Pagpasok mo sa kolehyo sa paaralan ka na mataas-maningil ng tuition, pribado ika nga,
dahil sa kagustuhang pagkalipas mo lahat ok na.
May masmagandang opportunidad at masmagandang kinabukasan,
ito ang inaasahan ng iyong mga magulang sa pagtapak mo sa kamunduhan.
Ngayon at nakapagtapos ka na at may trabaho pa.
Nakalimutan mo na yata ang paulitulit na tinuturo sa'yo sa paaralan.
Hindi mo yata na"gets" ang kahulugan ng buhay.
Naaawa naman ako sa'yo kasi "propesyonal" ika nga
pero parang basura lamang ang hinahawakan mong diploma.
Madudumi ang lumalabas sa bunganga at galaw.
Itapon mo na ang iyong mga ala-ala sa kahapong ika'y nag-aral.
Useless din ito dahil ginagawa mo lang ang sarili mong tanga.
Magmura ka sa Filipino, sige itranslate mo pa sa wikang amerikano
para malaman nila na ikaw nga ay tunay na titulado.
Puwes, binababa mo lang ang iyong pansariling respeto
dahil kahit sa FB ikaw ay bastos at basagulero.
Mga iba'y nag"like" sa status mong nagmumura
eh, pano? Pareho mo rin sila parang singaw na lata.
Matanda ka na, Nakapag-aral at may nag-aantay na kinabukasan.
Sana utak mo ang laman huwag lang mga tansan.
Sana sa susunod na mga araw hindi na kita paalalahanan...
at huwag mo rin paabutin pa hanggang uugodugod ka na o kamatayan.
Ipakita mo na may pinag-aralan ka, hindi ka na bata aking kaibigan.