0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
gusto kasi nating mga pinoy ng action packed at high scoring na laro kaya di masyadong sikat sa atin ang football although maaksyon rin naman ang football matagal parin kasi makascore at minsan hindi pa nga na kakascore plus ang influence sa atin ng america na di rin masyado mahilig sa football/soccer
may lugar naman dito na sikat ang football gaya sa bacolod sikat na sikat ang football dun
Ewan ko. Di ako masyado mahilig sa pareho eh.Pero malamang kasi napakadaling laruin niyan dito. Ultimo sa kalsada pwede, kaya malamang madami nakaka relate. Sa schools din I remember sa varsity lagi basketball. Parang di pa gaano uso noon sa mga schools ang baseball and soccer unlike these days sa mga private schools with space to spare.
Maganda ang pagsikat ng Azkals. Nagkainteres ang maraming pinoy sa soccer. Ang media ang dapat sisihin dito. Puro basketball lang ang nirereport sa news. Ultimo inter-baranggay nahahanapan ng space sa diyaryo. Samantalang halos walang balita kung ano na resulta ng Wimbledon or French Open. Media here sucks!