0 Members and 6 Guests are viewing this topic.
Depende po sa namamalimos.. Kapag halata kong hanapbuhay na nila ang panglilimos, magbibigay din ako pero minimum lang. Nakakainis yong gagamit ng may kapansanan, bulag o bata para lang kumita.
yep pero usually hindi ako nagbibigay ng barya.pero minsan pinipili ko yung mga binibigyan ko. kasi napapansin ko sa mga nadadaanan kong namamalimos, sa umaga ok. sa gabi andun padin, sumisinghot ng rugby.meron din minsan, sabihin natin sa kalayaan, sa stop light pag galing ka ng bgc, merong mga bata na namamalimos dun, kaso hindi nman mukhang pulubi. and one time sinita sila ng enforcer, to the rescue ang nanay. hindi ko sila gustong husgahan kasi hindi ko alam ang buong istorya.
ako ngbibigay mostly sa mga lolo at lola malambot ang puso ko sa mga gurangers.
Depende. Minsan sa mga batang nagtitinda ng bulaklak nagbibigay ako tapos hindi ko kinukuha ung bulaklak. Katwiran ko kasi kahit bata pa ay naghahanap buhay na. Ung iba kasi ang lakas naman pero hingi ng hingi lang tapos paghindi ka minsan nagbibigay mumurahin ka pa.
Gaya ng iba e mas nagbibigay ako pag matanda ang namamalimos.naaawa kasi ko sa kanila. Sent from my Nokia 5110 using Tapatalk