0 Members and 6 Guests are viewing this topic.
uu syempre, lalo na sa mga disabled persons.
pinipili ko rin kasi dati nagbigay ako sa disabled person sa may tapat ng grocery store pagkahapon nakita ko umiinom na ng alak at nakasigarilyo pa may kainuman pa diabled din. Nawalan ako ng gana diko na nilimusan ulit.
Sa mga lola usually, one time nagbigay ako ng P100 sa isang lola sa Paseo, tapos natouch ako kasi bigla siyang umiyak, mataas daw uric acid nya
Hindi. kasi parang kinukunsinti ko ang katamaran nila. though, alam ko na mayroon talagang biktima ng kahirapan. hindi rin maalis sa isip ko na baka naman, hawak sila ng sindikato.
minsan po, depende sa namamalimos ^____^
I do. Pero selective lang. Minsan kasi ung iba, capable naman maghanap ng work pero ngrerely masyado sa limos ng iba. Medyo inis ako sa ganun. Kasi katwiran ko, malakas ka pa naman, why settle for something like that? Sa Cubao kasi ako sumasakay pauwi ng Bulacan, ayun madalas dun sa terminal ng Five Star. Minsan tig-isa pa kami ng kasama ko na binibigyan na mga bata.
pag bata at matanda, pagkain na lang. pero pera, hindi, mairap na baka isugal lang.