0 Members and 6 Guests are viewing this topic.
depende sa nahingi ng limos..kung sa tingin ko naman wla na kakayanan para magwork gaya ng sobra sa katandaan pwede pa..pero mas ok kung pagkaen na lang ibigay kesa pera..
Namimili ako ng binibigyan ko. Kapag nakikita kong mas malakas pa sa akin, syempre hindi. Pero pag nakikita mong may kapansanan talaga, matanda, o kaya nagsisikap pa rin naman, oo. Pero pagkain lang madalas.Pero ingat din, dun sa dinaanan ko minsan, may lolo palagi namamalimos dun nakadesente pa talaga syang damit. Minsan nakasabay ko sa kalapit na mall kung saan sya namamalimos naggrocery. Wala namang kaso sana sakin pero Rustans po ito. May Puregold naman sa kabilang kanto at may palengke rin sa tabi nito. Kabadtrip yung mga ganto!
Pag sincere tlaga... kasi check muna kung fake yung iba
pano ba madetermine kung sindikato siya
Yung mga alam kong hindi na kayang magtrabaho (bulag, putol ang kamay, paa) binibigyan ko. Pero yung malalakas pa na may kargang bata, hindi.
minsan nagbibigay minsan hindiminsan pag may barya
Okey lang naman ang mag-share sa mga pulubi lalo na't kong sila'y matanda na at nakakaawa ang kanilang kalagayan.Tumulong sa mga taong nangangailangan ay may mabuting kalooban sapagkat ang Panginoon ay hindi natutulog kapag may kailangan ka sa kanya.
Hindi tinuturuan lang natin silang maging tamad, yung nagtitinda ng sampaguita kahit ayoko bumbili ako ay least nagtrtrabaho sila