Mga kosa, mambabasa at mga PT people. Eto po ang isa sa mga mahirap pag usapan na bagay sa larangan ng pagmamahal, Ang wingman. Maraming Ibat ibang tawag ang wingman. Depende sa trip ng mga tao. Kakonchaba, assistant, sidekick, kobrador, pulitiko, Barker, goons... at ilan lang yan sa mga yan. Marahil, kaya siguro nahalintulad ang wingman sa mga ito ay dahil halos pareho ang trabaho ng mga wingman dito.
Pero ano nga ba ang wingman? Kung iniisip mo na isa itong superhero. Pinapayuhan kitang matulog na lang dahil baka ikaw ay naheheatstroke na. At oo hindi din yan bagong brand ng isang sabong panlabba. Ang wingman kung itutukoy natin sa aspetong pagmamahal ay ang tulay ng isang tagahanga tungo sa kalooban ng kanyang hinahangaan. At kung pano naman napipili ang wingman ay iba ibang dahilan rin. Merong dahil marami siang alam ukol sa pagmamahal at paano makuha ang loob ng isang babae/lalake pwede ding dahil siya ay malapit na kaibigan o kamag anak at higit sa lahat meron din ung sobrang lasing lang siguro na akala niya isa siyang love doctor at makapal ang mukhang sasabak sa gyera upang ipanalo niya ang kanyang kaibigan.
Eh ang tanong? Bakit nga ba kailangan pa ng wingman.. eto hindi ko na alam. Pero mayroon akong mganilang teorya kung bakit nga ba kailangan ng iba ang wing man.
A.dahil mahina ang loob ng Nag aarkila
B. Ayaw mag aksaya ng oras ng gustong magmahal para sa small talks
C. Dahil sa tingin niya mas mataas ang tsansa niya
D. Dahil akala niya superhero ito
Nakakatuwang ispin pero minsan hindi lang natin siguro natin makita ang sariling potensyal natin para makagawa ng isang magandang bagay ng mag isa lang natin paminsan minan. Masyado tayong nagkaroon siguro ng olonial hungover na pag asa sa ibang bansa kaya pati sa lovelife ay nadadamay din sa ganoong esratehiya. Pero yun ay opinyon ko lamang.
Pero balik tayo sa usapan. Sabihin na nating andoon na tayo sa sitwasyon na umarkila ka na nga ng wingman. Minsan di natin naiisip na delikado ang sitwasyon na ganito kahit magkaibigan pa kayo ng wingman mo. Dahil una sa lahat tao tayo. Hindi perpekto ang pag pag kontrol natin sa mga emosyon at pangalaw. Minsan mahilig tayong makinig kay T. Kilala mo kung sino yun? Si tukso. Ang pagwiwingman ay may maraming risk. Para kang isang suicide bomber na pag di mo nakontrol ang emosyon mo pputok ka na lang. Eh bakit nga ba hahantong sa ganoon?. Marahil ilan sa inyo ay alam niyo na pero para sa ikabubuti na rin ng iba ay sasabihin ko na
1. Dahil iba ang humaharap.
Sa tingin mo ba pag iba ang humarap eh sayo mahuhulog ang tao. At kahit sabihin man nating po naglalabas siya ng magagandang salita para sayo. Iisipin mo pa rin na sa habang nangyayari un eh mas matagal na ang koneksyon nilang dalawa kesa sayo
2. Si tukso
May dahilan kung bakit nagustuhan ng kasama mo ang pinapawingman niya sayo. Kaya as a natural instinct hahanapin mo din un at kung automatic mo nang nahanap yun eh marahil mataas din ang tsansang magugustuhan mo din sia.. ika nga sa quote na birds of the same feather flock together eh kung magkasama kayo at magkasundo kayo marahil pareho din kayo ng mga hilig. Parang mga grupo lang din yan ng babae na halos sabay sabay ngreregla. At di ka naman siguro magpapawingman sa hindi mo kakilala diba.. dahil mas malala un
3.connection
Alam niyo nanyan di ko na kailangang ielaborate
Ang pagiging wingman ay mahirap maraming temptasyon mas lalo na npag ginagamit ang pagwiwingman sa pag aayos ng relasyon. Marahil alam niyo na yan. Dahil vulnerable ang kahit sino pag sila ay nasakan. At magttrigger ang pag hanap ng magkakalinga sakanila.
Ako mahigit 6 years na ako nag wiwingman. At nangyari na rin sa akin ang masira ang trabahong ito dahil sa temptasyon. Pero ikukwento ko lamang yon kapag may nagrequest
Walang masama sa pagiging wingman o sa paghingi ng tulong mula sakanila. Pero dapat wag natin kalimutan na may risk ito. Dahil marami kang ipinapaubaya sa wingman sa gawaing ito. Wag din sana nating nkalimutan na may sarili tayongnkakayahan para gumawanng mga bagay bagay at ang kailangan lang natin minsan ay tiwala sa sarili.
Ang wingman minsan parang pulitiko yan. Inilalagay mo sa pwesto para maiangat ka na kung siya ay maakit sa temptasyon ay imbis na iangat ka eh ibabagsak ka at nanakawan ka pa.
Komento o suhesyon I post lang sa baba pwede din magshare :-) paalala lang po. Ito po ay opinyon ko lamang sa mga bagay bagay. Di ko sinasabing lahat ito ay siguradong totoo na salamat
