0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
variety ang gusto ng market so mahirap i-classify kung ano talaga ang isi-single out para masabing pambansang inumin natin... shoktung... naging paborito ito ng mga sinaunang mga babae in lieu of red wines na mahal at scarce pa nuong araw...Cervesa Negra.... ito muna ang sikat nuong araw before nawala ito sa market at natabunan na ng San Miguel Pale Pilsen....Ginebra San Miguel aka Gin Bulag/Bilog.... dahil can't afford mga pinoy nuong araw at mahal ang Cervesa Negra, isang bote ng gin lang ang swak sa budget ng isang magbubukid or taga-probinsya kaya naman naging instant hit ito HINDI SA MAYNILA pero sa mga karatig probinsya kaya sa sales eh tinalo nito ang Cervesa at mga beers...San Miguel Pale Pilsen.... ito ang ipinalit sa Cervesa Negra ng SMC, bahagi kasi ng marketing strategy nila kaya ito ang pino-promote nila nuon, alam kasi nila ang kiliti ng pinoy, pinalabas nila na mas bongga ang selebrasyon ng isang pagtitipon kung beer ang iinumin... alam mo naman ang pinoy nuong araw, gusto nila ipakita sa mga guests nila na sosyal ang handaan nila sa pamamagitan ng pagse-serve ng San Miguel Beer... kaya hindi nakikita ang ginebra gin sa mga parties...San Mig Lights.... isinilang sya dahil nagsusulputan na ang mga iba't ibang uri ng inumin, kinakain na kasi ang market ng Pale Pilsen ng mga iba't ibang uri ng inumin... kaya naman ang ang ad nito is "Para sa mahabang inuman.. mag San Mig Lights tayo!"... true enough, sobra ang lakas ng sales nito gayung lights lang ito, it even toppled the sales of the Pale Pilsen...Red Horse... hmmm... dahil kapos si Juan Dela Cruz, inilabas ang Red Horse bago ang San Mig Lights... naisip na lang i-promote ulit ito ng SMC dahil maraming kalaban si San Mig Lights sa market tulad nina Colt 45, Beer na Beer, Coors Light, Budweiser, etc.... ang matindi dito, may salit na bote ng Red Horse Beer na may nakatatak na nakatawa yung kabayo sa bote na kung tawagin nila eh happy or Laughing Horse, sabi nila matindi daw ang tama nito... hmmm... sabi din nila may halong gin daw ang Red Horse, di ko lang alam kung totoo kasi hindi ako nagta-try uminom nito at malakas nga daw ang sipa o tama nito...Emperador Lights.... sa maniwala kayo o sa hindi... matindi ang sales nito, this Empe Lights propelled Mr. Andrew Tan to be one of the richest men in the Philippines right now, i think he is no.4 but i'm not sure... bakit sumikat ito? Mas marami kasi ang mahihirap, mga laborers, at mga taga-probinsya ang tumatangkilik nito... mga Class C, D & E ang target market nito... subukan mong maglagay ng piso sa isang ordinary plato, yung piso represents the market of beer while yung nasa outside ng piso, yun ang market ng mga gins at ng emperador...i hope my analysis are correct... just want to share it with you...
wala pa din tatalo sa kwatro kantos. walang hangover!