0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Nakakagutom nman...Para sa akin ay ADOBO, dahil ang mga pinoy kahit saan mang lupalop ng mundo mapunta, kapag naalala ang pagkaing pinoy, madalas ay adobo ang iluluto nyan, manok man o baboy. Di ko lang alam kung nilalagyan nila ng twist at gamitan ng ibang karne tulad ng baka, kalabaw, kabayo, kambing, tupa, usa, turkey, ostrich, unggoy, bunkmate, boss, supervisor, not so close friend o maging camel man yan, sumasalamin ang pagkamalikhain ng mga pinoy matikman lang ang pinakaaasam asam na ADOBO! Subalit sa makabagong panahon ay nagbabago ang takbo ng buhay ni Juan, na ang tanging nakakaya ng bulsa ng mas nakararaming pinoy ay ang PRITONG GALUNGGONG, at kung may ekstra pa ay paparisan ito sabaw ng TALBOS NG KAMOTE na tinimplahan ng luya at dahil sa kemikal reaksyon nang mapatakan ito ng katas ng maasim na kalamansi, ang dating luntian na sabaw ay naging mapusyaw na pula. (Di ko lang alam kung ito ba ay natatanging imbensyon ng mga pinoy. pero masasabi kong astig ang nakaisip nito, kahit pa ito ay nagkataon lamang)Samakatuwid, kung iyong susumahin at debaydebay tu ang sagot ay Adobong galunggong na inasiman ng kalamansi kung walang datu puti. Peace! ^__^
dapat siguro pagbotohan ang national food madami kasi tulad ng sinigang sa sampalok, bayabas, santol pwedeng isda o karne na sigang....sa akin masarap mga ulam pinoy lalo na kung yong luto sa palayok.
dinuguan o kaya papaitan ang bet ko kasi medyo exotic ang dating.. hahaha