0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Hindi ako sang ayon na alising ang provincial rate. Napakahusay ng post ni [user]primus[/user] so I'll just add my personal experience and opinion regarding the matter.For the longest time ay sa Manila ako nanirahan at nagtrabaho. Since mid year of 2012 ay pabalik balik ako dito sa Davao and simula pagpasok ng 2013 ay dito ako naka base. Totoong nakakalungkot isipin na mababa ang pasahod dito kumpara sa Maynila. Pero hindi naman totoo na pare pareho lang ang presyo ng mga bilihin kahit saan ka pumunta. Kung mga bagay na inangkat galing Maynila, halos pareho or minsan mas mahal pa dito. Pero madami rin namang mga produkto at mga sagot sa pangangailangan na mas mura sa mga probinsiya.Kung bibili ka ng bahay sa Maynila, kung may asawa ka at pareho kayong minimum wage ang kinikita, napakahirap na bumili ng bahay. Pero dito sa probinsiya, dahil mababa ang presyo ng mga bahay at lupa ay kayang kaya. Kung dito nga lang talaga ako mag iistay ay bibili nalang ako ng bahay imbis na mangupahan. Pero dahil panandalian lang ako ay nangungupahan ako sa isang medyo lumang hotel na at akalain mo na sa 7.5k a month na upa ko ay fully furnished na ang studio type unit ko. Sa Manila 9k ang upa ko sa condo at yun na pinaka murang nahanap ko, very rare na makahanap ka ng ganun kamura. Hindi pa furnished yun kaya namili pa kami ng lahat ng mga appliances na kailangan namin nung naguumpisa kami ni misis.Kung sakali man na may henyong magtanggal ng provincial rate, malamang na ang way of living ng mga nasa probinsiya ay magaya sa Maynila. Ang sarap kaya na simpleng namumuhay sa probinsya. Dito kapag weekend at gusto namin mag chill ng pamilya ko sa beach ay 1k lang ang nagagastos ko sa overnight stay namin. Kasama na dun ang pamasahe, pagkain, and accomodation. And hindi pipichuging resort pinupuntahan namin, comparable sa boracay ang ganda ng lugar. Hindi ko na nga masyadong tinipid yung budget na 1k. Mas marami pading cheaper alternatives para mas mapababa pa ang gastusin. Kung nasa Maynila ka, saan makakarating ang 1k mo kung gusto niyo mag outing ng pamilya mo (family of 3)?Kahapon namasyal kami sa isang maliit na mall na malapit samin at nakakita ko ng mumurahing sneakers na nagustuhan ko. Parang orig na Vans ang dating pero 140 lang ang presyo. Kahit sa Isetann sa Maynila mahihirapan ka humanap ng magandang kaledad sa halagang 250.Sa Maynila isa sa mga pinaka mahal na form of transportation ang tricycle at pedicab. Yung binabayaran kong kwarenta na pamasahe sa Manila, dito sai lang kasi kahit mag isa ka lang ay aarangkada ang tricycle para ihatid ka at hindi special ang rate. Sa pedicab sa Maynila na kahit malapit lang bente o trenta agad ang singil, dito singko hanggang bente lang. Kung isa ka lang at malapit lang pupuntahan mo ay singko lang sisingil sayo ng pedicab driver.Sa pinag ggyman ko sa Maynila ay singkwenta ang bayad at extra na trenta kung gagamit ka ng electric treadmill. Dito sikwenta lang at pwede mo na rin gamitin ang electric treadmill sa binayad mo na yun. Yung mga bakal gym nga dito talo talo na sa kinse na per session.Sa Manila, 250 per session ang pinakamababang nakita ko for mixed martial arts or MMA, dito 75 lang at isa sa mga top teams na yun at well knowned coach na din ang nagtuturo.Iilan lang po yan sa mga experiences ko dito.
Very good post monde8. Minsan nga parang mas gusto ko pa tumira sa provincia. Kaya pag may out of town kami, gustong gusto ko sumasama. Iba ang vibes compared dito.+1
Mahal ang gadget sa province at huli sa latest ang mga mall sa province..Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2