Pinoytambay

Refresh History
  • Read the rules
  • tommyboy: Manang
    April 18, 2019, 11:04:02 PM
  • tommyboy: Manang
    April 18, 2019, 11:11:59 PM
  • tommyboy: Manang
    April 18, 2019, 11:12:47 PM
  • tommyboy: Manang
    April 18, 2019, 11:13:07 PM
  • tommyboy: Mana get
    April 18, 2019, 11:13:34 PM
  • boknoy27: Hipag
    April 19, 2019, 10:40:53 AM
  • zvc1500: six stories
    April 19, 2019, 11:19:13 AM
  • rumatrix: Salamangka
    April 19, 2019, 05:00:35 PM
  • dark21venom@gmail.com: Alexaaa
    April 19, 2019, 06:31:45 PM
  • dark21venom@gmail.com: Alexaa
    April 19, 2019, 06:31:50 PM
  • phiobie: Sampayan
    April 19, 2019, 10:29:38 PM
  • cid727: Game of thrones
    April 20, 2019, 04:53:38 AM
  • elreyez: Sleepyboy
    April 20, 2019, 07:07:49 AM
  • elreyez: Sleepyboy
    April 20, 2019, 07:09:08 AM
  • bordss: Ulirang asawa
    April 20, 2019, 10:19:12 AM
  • jonson: angelica
    April 21, 2019, 10:36:36 AM
  • jonson: angelica
    April 21, 2019, 10:36:43 AM
  • missbrawler: Ivy
    April 21, 2019, 11:50:13 PM
  • blu: Anne
    Today at 03:10:25 AM
  • Cheznna: Dimension ni Totoy B updated!!!!
    Today at 07:31:49 AM

Ano ang dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho?

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #15 on: April 30, 2013, 03:45:55 PM
  • Publish
  • hahaha ayos to ms rai, thanks for sharing  :-X

    ok din cguro na ipagluto mo ng masarap na pulutan si boss haha
    lalong maganda nga yan sir

    sigurado mapropromote ka pa lalo na pag nilasing mo si boss
    Do not fall in love with people like me.
    I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


    Offline sniffer

    Reply #16 on: March 15, 2017, 12:27:37 AM
  • Publish
  • Nagawa nyo na ba ang ilan sa mga ito? ;)

    Ano ang dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho?

    1. Huwag aabsent.

    2. Huwag male-late.

    3. Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal.

    4. Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.

    5. Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I will bring that to your office immediately." Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.

    6. Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.

    7. Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta sa ccmail, tingnan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade One.

    8. Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit.

    9. Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o kaya ang pagkamatay ni  Princess Di. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss.

    10. Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung may ita-type, magtype ng 10 wpm.

    11. Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng 15,000 pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.

    12. Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa ibang department, makipagchikahan.

    13. Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na "time" na pala para umuwi.

    14. Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.

     ;D

    ikaw [you] nagawa mo na ba ang mga ito?  >:D >:D >:D


    Online ladyvirus01

    Reply #17 on: March 15, 2017, 12:34:37 AM
  • Publish
  • Hahahaha ganun ba yon? Hindi ko kasi naranasan ang opis girl dee ko eh kaya diko alam mga excuses na yan [emoji14][emoji1][emoji3]✌️


    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



    Offline naruto789544

    Reply #18 on: May 02, 2017, 11:59:51 PM
  • Publish
  • hehehe.... parang 14 tips para matangal ka na sa trabahong kinakatamaran mo.... last payroll ka na after this....  :))  :))  :))


    Offline apolo112358

    Reply #19 on: May 17, 2017, 12:14:21 AM
  • Publish
  • iniisip ko na lang lagi na mahirap lang ako kelangan magtrabaho, pagyumaman kna tska ka maging tamad. hahaha :peace:


    Offline ch33s3cak3_2k

    Reply #20 on: July 14, 2017, 01:03:33 PM
  • Publish
  • Minsan talaga nakakatamad pumasok lalo na pag masama panahon, baha etc. Pero ganun pa man iniisip ko na every centavo counts and sa hirap ng buhay ngayon mahirap na lumiban sa work.  :D


    Offline MrBubbles

    Reply #21 on: August 04, 2017, 09:49:07 AM
  • Publish
  • Maglaro ng games  :D :D :D tama nakakatamad pumasok pag masama panahon, mga immortal naman tayo


    Offline iam_me

    Reply #22 on: August 04, 2017, 10:06:18 AM
  • Publish
  • mag file agad ng leave. . . . .   :-[ :-[ :-[ :-[
    ♥ iam who iam ♥


    Offline bobothewiseman

    Reply #23 on: January 24, 2019, 06:13:32 PM
  • Publish
  • Una ay umabsent.

    1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran pagkagising pa lang sa umaga ay mag-isip ka na kaagad ng palusot kung bakit ka aabsent. Paalala: dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.


     


    * PT Social Groups



    Facebook Comments