My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • arkanghel_06: tita malou repost
    March 26, 2024, 10:31:37 AM
  • arkanghel_06: tita malou
    March 26, 2024, 10:31:51 AM
  • Itaplenga: My wife gone wild
    March 26, 2024, 08:36:11 PM
  • Beast: Tagalog
    March 27, 2024, 12:11:19 AM
  • Beast: Tagalog
    March 27, 2024, 12:11:38 AM
  • Beast: Tagalog
    March 27, 2024, 12:12:52 AM
  • bull28: Maybila
    March 28, 2024, 04:55:35 PM
  • bull28: Justin
    March 28, 2024, 04:58:34 PM
  • neil2103: True confession
    April 02, 2024, 04:18:19 AM
  • reneb15ph: Round
    April 06, 2024, 03:18:10 AM
  • huenly: Alexxa
    April 08, 2024, 12:30:15 AM
  • Criss22: Brylle
    April 11, 2024, 07:15:37 AM
  • etopak_tukmol: Mang dencio
    April 22, 2024, 07:49:29 AM
  • Itaplenga: Ang usapan
    April 22, 2024, 08:46:16 PM
  • ahw..: tagalog
    April 23, 2024, 02:02:52 PM
  • killeryeas: Allysa
    April 26, 2024, 03:51:03 AM
  • rheedan22: my wife gone wild 1
    April 26, 2024, 10:38:53 PM
  • mrgarlic15: Pamangkin
    April 27, 2024, 03:19:05 PM
  • expertise101: Bat parang d ako makapass
    April 28, 2024, 02:59:10 AM
  • expertise101: Nawala ba tambayan lately?
    April 28, 2024, 02:59:35 AM
Rating: R-rated
Category: Stories --> Tagalog
Stats: Created: December 20, 2016, 04:59:31 PM
Last Update: June 16, 2022, 10:19:51 AM
Chapters: 37   Completed: No   Likes: 2   Hits: 29297
Liwanag Sa Dilim
by anino
Summary

Sa paggising ni Julian magsisimula ang panibaong yugto ng buhay nila ni Isabella. Me mga bagong karakter ang papasok sa buhay nila, sila ba ay kalaban o kaalyado ng dalawang magsing-irog. Basahin at alamin ang panibagong kwento ng dalawang nagmamahalan na pilit ipinaghiwalay ng panahon.

Chapter 1 - Determination!
"What we have done for ourselves alone dies with us; what we have done for others and the world remains and is immortal."
Albert Pike





Prologue:



Noong unang panahon sa isang malayong Isla me nakatirang lahi ng mga mandirigma, kilala sila sa buong rehiyon bilang pinakamagaling at kinatatakutan sa kasaysayan ng rehiyon na yun. Lahat ng digmaang sinalihan nila o ano mang gyerang lumalapit sa kanila tumatayo parin sila sa bandang huli at natatalo nila ang mga kalaban nila kahit na ilang libo pang sundalo ang haharapin nila. Pinamumunoan sila ng isang Heneral na walang takot na sumugod sa mga kalaban kahit alam nilang dehado sila at walang ano mang paraan para matalo nila ang kalaban.

Sa huling yugto ng gyera sa Islang ito tumatayong panalo ang Heneral at ang mga tauhan niya, yumuko sa kanya ang lahat ng kalaban at kinilala siyang bilang punong Heneral ng lahat. Napagsama-sama ng Heneral na ito ang buong sangkatauhan ng Isla at nung pinili siyang maging Hari sa Isla inayawan niya ito dahil simpleng sundalo lang siya at walang balak na mamuno sa buong Isla. Dismayado man ang lahat pero pinili niya ang isang nilalang na mamuno sa kanila na sinang-ayunan naman ng konseho at ginawang Hari ang taong pinagkatiwalaan ng Heneral na mamuno sa buong Isla.

Lumipas ang panahon at naging maayos na ang takbo ng kaharian ng Isla, ang dating Heneral na nagbigay daan para sa kapayapaan bigla nalang siyang naglaho at hindi na nila ito makita. Pero, sa pagkawala ng Heneral isang panibagong hukbong ang biglang sumulpot at sumira sa kapayapaan ng Isla, inatake ng hukbong na ito ang buong Isla at nagdulot ito ng iba't-ibang sakuna at peligro sa mga tao. Napilitan ang Hari na tawagin muli ang dating hukbong na binuwag noon ng Heneral bago itinayo ang kaharian para labanan ang kalaban pero kahit anong opensa o depensa nila hindi nila ito matalo.

Hanggang sa naging desperado na ang Hari at napilitan siyang gamitin ang isang Aklat na pinagbabawal sa kanya ng Heneral na gamitin, para makatulong sa mga tauhan niya at sa buong kaharian ginamit niya ito. Ginamit ng Hari ang kapangyarihan ng Aklat at natalo niya ang mga kalaban pero me kapalit ito, sa pagkaubos ng kalaban nila ganun din ang pagkaubos ng mga tauhan niya. Hindi na napigilan ng Hari ang nangyaring paglamon ng dilim na nagmula sa Aklat ang mga tauhan niya at pagkatapos gawin ng Aklat ang ninanais ng Hari naiwan nalang siyang mag-isa sa Isla.

Nagsisigaw siya, nagwala siya pero walang ni isang taong makakarinig sa kanya dahil lahat ng mga tauhan niya pati na ang mga kalaban at pamilya niya ay naging bato sa harapan niya. Nagsisisi ang Hari sa ginawa niya at gusto na sana niyang tapusin ang buhay niya ng biglang me humawak sa kamay niya nung sasaksakin na niya sana ang dibdib niya. "Ikaw.." sabi ng Hari na naluha ito at yumakap sa taong humawak sa kamay niya "binalaan na kita noon pero hindi ka nakinig" sabi ng Heneral sa kanya "wala akong ibang paraang maisip, patawad.. gusto kong iligtas ang lahat.. pero.. pero... huhuhu.." umiyak ang Hari habang nakayakap siya sa beywang ng Heneral.

"Tapos, ano po ang nangyari sa kanila mahal na Reyna?" tanong ni Julian sa kanya na narinig nilang me kumatok sa pintuan ng kwarto at bumukas ito at pumasok sa loob si Heneral Guillermo. "Kamahalan" sabi niya nung niyuko niya ang ulo niya "Guillermo" sabi ni Reyna Lucia "nakahanda na po ang lahat, kayo nalang po ang hinihintay namin" balita ni Hen. Guillermo sa kanya. "Susunod na ako" sabi ni Reyna Lucia na niyuko muli ni Hen. Guillermo ang ulo niya at nginitian niya si Julian bago siya lumabas ng kwarto "aalis ho ba kayo?" tanong ni Julian sa kanya.

"Meron lang akong aasikasuhing importaneng bagay Julian, matulog kana ha" sabi niya na humiga na ng maayos ang walong taong gulang na si Julian sa kama niya at hinalikan siya sa noo ni Reyna Lucia. "Matulog ka ng mahimbing at tandaan mo nandito lang ako magbabantay sa'yo" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "salamat po, mahal na Reyna" sabi ni Julian na nginitian siya ng Reyna at tumayo na siya at lumutang papunta sa pintuan ng tinawag siya ni Julian kaya lumingon siya. "Ano ho ba ang pangalan ng Aklat na ginamit ng Hari?" tanong ni Julian sa kanya na ngumiti ang Reyna at sabing "ang Aklat ng Dilim".

Dumapa si Julian "Aklat ng Dilim?" tanong niya na ngumiti ang Reyna at lumutang siya pabalik sa kama ni Julian na agad naman bumangon si Julian at umupo sa kama niya "yun ang binigay nilang pangalan sa Aklat Julian, Aklat ng DIlim" paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya. "Meron pa ho bang paraan para maibalik sa normal ang mga taong naging bato?" tanong ni Julian kay Reyna Lucia na nag-isip siya ng sandali kaya niyakap siya niya Julian at natawa ang Reyna. "Ang kulit mo na Julian, matulog kana ha?" sabi ng Reyna sa kanya na napangiti si Julian sa kanya.

"Liwanag" sabi ni Reyna Lucia na napatingin sa kanya si Julian "liwanag?" tanong ni Julian "oo, ayun sa alamat ang liwanag na nagmumula sa puso ang tanging paraan para maalis ang sumpa ng Aklat" kwento ng Reyna sa kanya. "Liwang na nagmumula sa puso" sabi ni Julian na napangiti si Reyna Lucia sa kanya "tama" sagot ni Reyna Lucia "ibig niyo pong sabihin, katulad ng pagmamahal ko sa'yo ang liwanag na sisira sa sumpa ng Aklat?" tanong ni Julian na natawa ang Reyna sa sinabi ng batang si Julian. "Saan mo ba natutunan yan ha Julian?" tanong ni Reyna Lucia "hehehe.. kay Kap. Morietta po" sagot niya na napailing nalang ang Reyna.

"Mahiga kana at matulog ha" sabi ni Reyna Lucia sa kanya na hinalikan muli siya sa noo kaya humiga na si Julian at pinikit ang mata niya at tumayo na muli si Reyna Lucia at lumutang papunta sa pintuan. Napatigil siya nung napansin niyang nakabuka ang kanang mata ni Julian "Julian" sabi ni Reyna Lucia na napangiti si Julian at napangiti din si Reyna Lucia at nilingon niya ito. "Ano ba ang sabi ko sa'yo?" tanong ng Reyna sa kanya "matutulog na po" sabi ni Julian "mabuti" sabi ni Reyna Lucia at humawak na siya sa pinto.

"Mahal na Reyna" tinawag siya ni Julian at nilingon niya ito "huwag po kayong mag-alala, kung nasa dilim man ang puso niyo hayaan niyo po akong maging liwanag mo" sabi ni Julian sa kanya na humawak si Reyna Lucia sa dibdib niya at sabing "salamat Julian, ikaw ang magiging liwanag, ang liwanag sa dilim ko"








Chapter I: Determination




Byernes ng tanghali sa SM City North EDSA nakakalat ang mga tauhan naming mga pulis para magbantay sa mga namimili at mga namasyal dito "all units be alert" sabi ko sa radyo "roger" sagot nila. Malapit na kasi ang pasko at nagpasya ang limang Hepe sa limang presinto na idaan sa bingo card ang assignments kung saan iaasign ang mga pulis nila. Limang station ang pinagpipilian at isa na nito ang magbantay dito sa mall, yung iba sa daan para mag check-point, magroronda sa iba't-ibang lugar at yung dalawa naman ay sa mismong border ng syudad.

Marunong ang Hepe namin at nabunot niya ang numero na alam niyang gustong-gusto niya at yun ay dito sa SM City "all units report" sabi ko sa radyo "unit 1, nothing to report" "unit 2, nothing so far" "unit 3 wala din" Unit 4 same here" "unit 5 nothing to report" sagot nilang lahat. "Alright, keep me update and be alert" sabi ko sa radyo at nilagay ko ito sa desk malapit sa monitors ng cctv ng mall. "Gusto mo ng kape?" tanong ng chief security ng mall "no, ok lang ako" sagot ko sa kanya "Romero, nasaan ba si Hepe?" tanong ko sa kanya "ewan ko, kanina nandito lang yun eh" sagot niya.

"Ayun oh!' sabi ng Chief securtiy sa akin "oh God!" nasabi ko nalang nung nakita ko si Hepe na nasa loob ng isang boutique at tumitingin-tingin ng mga damit "hahaha si Hepe talaga" natatawang sabi ni Romero. Napa facepalm nalang ako "kaya naman pala pinili niya ito para makapag shopping siya ng maayos" sabi ni Romero na natawa lang yung Chief security. "Tenyente, this is PO3 Santos" narinig ko sa radyo "go ahead unit 4" sagot ko "me namataan kaming dalawang taong umaaligid sa isang botique, nakikita niyo ba sila?' tanong niya sa akin "hold on" sagot ko at tumingin ako sa monitor "yes, they look suspicious keep an eye on them" "roger that" sagot ni PO3 Santos.

Ginawa naming four man cell ang isang unit para pagme trouble hindi sila mahirapan icontain ang stiwasyon isa pa mas madali nilang ma apprehend ang suspects katulad ngayon na me dalawa silang namataan. Four against two is a better chance kesa two against two "PO1 Remedius and Garido stay close to the suspects huwag kayong magpahalata, PO3 Santos and PO1 Laredo remain on your post" utos ko sa kanila "roger that Tenyente" sagot ni PO3 Santos. Hinanap ko si Hepe sa cctv monitor "nasaan si Hepe?" tanong ko "hehehe nandun oh" turo ng Chief of security sa ikatlong monitor na nakatoon sa Jollibee store.

Dapat si Hepe ang mag lead sa operation na ito pero binagsak niya sa akin since ako daw ang pumapangalawa sa kanya kaya ako ang inatasang mag lead pero okay narin ito kesa nasa labas kami at nagbabantay ng traffic. "Tenyente, pumasok yung isa sa loob ng boutique" balita ni PO3 Santos sa akin "alright, just keep your gound huwag kayong kumilos hangga't hindi sila gagawa ng ano mang katarantaduhan" utos ko sa kanila. "Roger Tenyente" sagot niya "alright, units 3 and 5 standby be ready to back them up, units 1 and 2 remain on your post and continue monitoring the area" utos ko sa kanila "roger that, Tenyente" sagot nilang lahat.

Tumingin-tingin ako sa sampung monitor na nasa harapan namin habang kumakain naman sa likuran ko si Romero "Tenyente, gusto mo?" tanong niya sa akin dahil me extrang slice siya ng cake mula sa red ribbon. "Really? Ibibigay mo sa akin yan?" tanong ko sa kanya na natawa lang siya "well, alam muna common courtesy lang" sabi niya sa akin "stupid" sabi ko at tumingin muli ako sa mga monitors. Me napansin ako sa isang monitor "Romero" tawag ko sa kanya "bakit Tenyente?" tanong niya "hindi ba kinausap na natin ang manager ng BDO na huwag nilang isara ang blinds nila?" tanong ko sa kanya "oo, bakit?" tanong niya.

"Ano ang nakikita mo sa monitor?" tanong ko na tumayo siya at lumapit "hmm.. nakasara ang blind" sagot niya "tsk, ang tigas ng ulo ng taong yun" sabi ko "baka nakalimutan lang niya" sabi niya. "Importanteng bagay para sa safety nila kakalimutan niya?" sabi ko kaya kinuha ko yung radyo "unit 2" tawag ko "go ahead" sagot ni PO2 Mandiwa "puntahan mo nga yung BDO at sabihin mo sa manager na ibukas yung blind nila" utos ko. "Roge... teka Tenyete" sabi niya "bakit?" tanong ko "suminyas si PO1 Duterte.. Tenyente monitor one!" sabi niya na agad akong tumingin sa monitor at nakita kong me nagsnatch ng bag sa isa sa customer ng boutique.

"Good grief! Dito pa sa mall alright habolin niyo" utos ko "roger!" sagot niya at nakita namin sila sa monitor na hinabol ang snatcher "oh!" sabi ko "bakit?" tanong ni Romero "hindi ata professional ang gagong ito" sabi ko. "Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ni Romero "me malapit na exit sa kaliwa niya pero tumakbo siya sa kanan" sabi ng Chief of security sa kanya. "Tama po kayo manong" sabi ko sa kanya "manong paki inform yung mga tauhan mo na bantayan ang exit" "sige, tawagan ko sila" sabi niya at kinuha niya ang radyo niya at tinawagan niya ang mga tauhan niya "sige sir, kami ang bahala" sagot nung tinawagan niya.

"Unit 4 report!" tawag ko sa radyo "Tenyente, false alarm" sagot ni PO3 Santos "alright, unit 3 there's a crime in progress and the suspect is heading your way intercept and apprehend the suspect the rest of you go back to your posts" order ko sa kanila "roger!". Nakita namin sa monitor na hinarangan ng unit 3 ang suspect at agad nilang na dakip ito na hindi man lang nanlaban ang suspect. Nakita naming inaresto na nila ang snatcher at pinusasan na nila ito "nahuli na namin siya, Tenyente" sagot ni PO2 Mandiwa "good, dalhin niyo na yan sa mobile at ibook niyo sa presinto" utos ko "roger!" "good job everyone!" sabi ko.

Nakatingin parin ako sa monitor kung saan nakatoon ang cctv sa BDO "ang tigas ng ulo ng taong ito" sabi ko sabay tayo ko at lumabas ng security office ng mall at napansin kong sumunod sa akin si Romero. "Tenyente, saan ka pupunta?" tanong niya habang bitbit parin niya ang pagkain niya, nasa second floor kasi kami at makikita mo agad ang branch ng BDO paglabas mo ng office. "Tingnan mo nakasara talaga, nasaan ang guard?" tanong ko "baka nasa loob" sagot ni Romero na napatigil nalang kami at nung nakita naming me dumungaw sa blind at pansin naming tumitingin-tingin ito sa paligid.

"Romero" sabi ko "naiintindihan ko" sabi niya at naglakad na siya pababa ng hagdanan at tinapon niya sa basurahan ang lalagyan ng cake at naupo siya sa bench sa harap mismo ng BDO branch. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ako "ano?" tanong ko nung sinagot ko ang tawag niya "honey, nasaan kana ba?" tanong niya sa linya "ano ang nakikita mo?" tanong ko sa kanya. "Wala akong makita dito eh, kanina pa ako umiikot hindi ko mahanap ang pinapabili mo" sabi niya "that's not good" sabi ko "nasa tapat ako ngayon ng BDO kukuha ako ng pera para sa lakad natin bukas" sabi niya.

"NO! That is not advisable" sabi ko sa kanya na nagulat ako dahil tumayo siya at lumapit sa branch "ROMERO STAND DOWN!" sabi ko sa kanya na biglang lumabas yung gwardya ng BDO at parang pinigilan siyang pumasok sa loob. "Pare, magwiwithdraw lang ako ng pera" sabi ni Romero sa guard "ah sorry sir, sarado po kami sa ngayon naka lunch break pa po kasi ang mga tellers namin" paliwanag ng guard sa kanya. "Lunch break? Mag-aalauna na ah?" sabi ni Romero sa kanya "late kasi kami nagbukas kaya late din nakapaglunch" paliwanag nung guard.

"Ah ganun ba? Ano sa tingin mo ang oras ang balik nila?" tanong niya "mamayang alas dos pa sir, late na kasi kami natapos mag inventory" sabi ng guard sa kanya "honey, late pa daw sila magbubukas" sabi niya sa akin. "Got it!" sabi ko sa kanya "sige pare salamat ha" sabi ni Romero sa guard "sige sir" sagot naman niya "honey, magkita nalang tayo sa foodcourt nagugutom na din kasi ako eh" sabi ni Romero sa akin. "Tsaka huwag mong kalimutan dalhin ang mga bata" sabi niya sa akin "they are on their way" sabi ko sa kanya dahil kanina bago lumapit si Romero sa banko tinawagan ko na ang S.W.A.T team namin.

"Pull back Romero" utos ko sa kanya "sige honey, kita tayo doon" sabi niya sa phone at nakita kong naglakad na siya papalayo sa BDO branch at kita ko pang tumingin sa paligid yung guard bago ito pumasok sa loob. Nakita kong papalapit na sa akin si Romero "Tenyente" sabi niya "pasok muna tayo sa loob ng office doon na natin pag-usapan ito" sabi ko sa kanya at bumalik na kami sa loob. "Manong, meron pang mas malaking nangyayari ngayon kesa sa snatching" sabi ko sa Chief of security ng mall "ganun ba? Yung bang sinasabi mo kanina?" tanong niya sa akin "opo, pwede paki-inform ang mga guards mo na mag assemble sila sa docking station ng mall" pakiusap ko sa kanya "sige, tawagan ko sila" sabi niya at tinawagan niya ang mga tauhan niya.

"Attention all units, there is a robbery in progess please assemble in the docking station, I repeat there is a robbery in progress please assemble in the docking station ASAP!" sabi ko sa radyo "roger!" sagot nilang lahat. Pumunta agad kaming tatlo sa docking station kung saan pumaparada ang malalaking truck na nagdedeliver sa mall "alright men" sabi ko nung naka assemble na sila "na inform ko na ang unit ni Mandiwa at pabalik na sila dito sa mall" sabi ko sa kanila. "Ano ang status dito Rosales?" sa wakas dumatin si Hepe na me dala pa itong dalawang supot galing sa boutique na pinasokan niya kanina.

"Sir!" sumaludo kaming lahat sa kanya "as you were, report!" sabi niya "earlier I had inform the branch manager of BDO to keep their blind open which is sinunod naman niya but the next time I checked nakasara na ito" report ko sa kanya. "Nung nakita kong nakasara ang blind nila pinadala ko si Romero to inspect" sabi ko "sir, me nangyayaring holdapan sa loob" sabi ni Romero. "Hmm... na inform mo na ang S.W.A.T team, Rosales?" tanong ni Hepe "on route na sila sir, ETA six minutes" sagot ko "alright, they are your team so make the plan" sabi ni Hepe sa akin na nagkatinginan kaming lahat.

"Sir, ikaw ang ranking officer namin dito ikaw dapat ang mag prepare.." "c'mon Rosales, alam kong me plano kana" putol ni Hepe sa akin na napabugnot nalang ako "alright team, here's the plan" sabi ko na kita kong ngumiti si Hepe sa akin. "Change your clothes, hide your guns and don't create any suspicious moves na mapapansin ng mga holdaer sa loob" utos ko sa kanila na nagpalit na sila ng damit. "Tenyente dumating na yung S.W.A.T team" balita ni PO2 Rodriguez "good, ako na ang kakausap sa kanila Romero take the lead til I get there and alam niyo na ang gagawin niyo" sabi ko sa kanila "affirmative Tenyente!" sagot nilang lahat at kumilos na sila.

Nakita kong pumarada sa gilid ng dock ang van ng S.W.A.T team at lumabas ang team leader nila "Rosales" tawag niya sa akin "Israel" "ilan ba ang nasa loob?" tanong niya sa akin "we cannot confirm kung ilan but what we know is that there are probably three to four man inside" balita ko sa kanya. "Are you guys doing any survellance right now?" tanong niya "as we speak" sagot ko habang naglakad kami papasok sa mall. "Nakausap ko narin ang chief of security ng mall and they are vacating the area to avoid any casualties if ever maglaban ang mga suspects" balita ko sa kanya "good, so where do you want us?" tanong niya na napangiti lang ako.

Lihim na ininform ng mga tauhan ko ang mga shop managers malapit sa BDO branch at dahan-dahan narin nilang invacuate ang mga mamimili at para hindi makalahata ang mga holdaper sa loob pumalit sa kanila ang mga tauhan ko na naka sibilyan na ngayon. "You guys remain hidden, i'll call you if the situation needs you" sabi ko kay Lt Israel "roger, keep up posted, men prepare your gear" sabi niya at tumambay muna sila sa hallway papasok sa loob ng mall at ako na muna ang unang pumasok sa loob at nakita kong nakaupo sa harapan ng BDO branch ang dalawang pulis namin.

"Set-rep?" tawag ko sa radyo "Tenyente, suspects are still inside" balita ni PO3 Santos sa akin "I can see one suspect on my vantage point, looks like they are about to make a move" balita ni PO1 Ramirez. "Alright, be alert for any sudden movements" sabi ko sa kanila "Tenyente be advise" sabi ni PO1 Ramil Dela Cruz na nakaupo sa bench sa harap mismo ng BDO branch kasama si PO1 Juanita Cervantez. Nagkukunwaring naglalambingan sila nung pinatong ni Juanita ang ulo niya sa balikat ni Ramil at ginamit niya ang radyo niya "suspects are about to make a move" balita niya sa akin.

Kaya agad akong bumalik sa hallway "Israel, split your team into two suspects are about to make a move!" balita ko sa kanya "first team on the left, second team on the right, move!" sabi niya sa mga tauhan niya at kumilos na sila. Pumasok na sila sa mall at ang second team umakyat sa second floor para doon dumaan at bumaba sila sa kabilang escalator at dinikit nilang ang mga likuran nila sa pader habang papalapit sila sa banko. "Dela Cruz, Cervantez back out" sabi ko sa kanila "roger" sagot nila at nakita naming tumayo na sila at holding hands pa silang naglakad palayo sa bench.

"I see movements" balita sa akin ng tauhan ko na nakapwesto sa second floor ng mall kaharap sa banko "alright team you know what to do!' sabi ko sa S.W.A.T team "roger!" narinig ko sa radyo. "Door is opening!" balita ng tauhan ko "alright steady, steady" sabi ko sa radyo na binuksan ng guard ang pinto at lumabas ang dalawang mamang me bitbit na tig-iisang bag. Naglakad sila papalapit sa team one ng S.W.A.T team kaya "grab them!" utos ko na mabilis nila itong tinutukan at agad nabitawan ng dalawa ang bag na dala nila. "On the floor, on the floor!" sigaw ng leader ng team na agad dumapa ang dalawa sa sahig.

"Drag them out of the view" sabi ko sa radyo na hinila nila ito sa gilid para hindi makita ng mga kasamahan nila sa loob "Santos, report!" tawag ko sa radyo "no movements yet Tenyente" balita niya. "Wait, one is coming out... yung guard nagpalit ng damit" balita niya sa akin at naglakad ito papunta sa team two kaya ganun din ang ginawa nila pero bumunot ito ng baril kaya wala silang choice dahil tinutukan na sila kaya binaril nila ito sa hita at alam kong narinig ito sa loob ng banko. "What the hell is going on?!" tanong ko sa radyo "sorry Tenyente nanlaban eh" sabi ng isang swat team "damn it! Santos!" tawag ko sa kanya "Tenyente sumara na yung pinto at me isang tao ang sumilip sa blind" balita niya sa akin.

"This is not good, all units back up I repeat all units back up!" utos ko sa kanila at kita kong hinila nila ang guard na nabaril ng swat team "Rosales" sabi ni Hepe nung sumulpot ito sa likuran ko. "Sir, naalert na ang holdaper sa loob" balita ko sa kanya "this is not good, ilan nalang ba ang tao sa loob?" tanong niya sa akin "cannot confirm a number sir, kailangan nating tanongin ang nahuli ng swat team" sabi ko sa kanya. "Go right ahead, tell the other team to contain the crowd" utos niya "the mall securities are doing that for us sir, we need a negotiator" advise ko sa kanya "hmm... sige me tatawagan lang ako" sabi ni Hepe at kinuha niya ang phone niya.

"All units standby, we are contacting a negotiator" sabi ko sa radyo "roger!' sagot nila "Romero with me" sabi ko sa kanya at sumama siya sa akin para tanongin ang dalawang nahuling holdaper ng swat team. Nakita naming naka pusas na sila at nakaupo sa sahig "Tenyente" sabi nung isang swat sa akin "me itatanong lang ako sa kanila" sabi ko "give way boys" sabi ni Lt Israel sa mga tauhan niya. "Ilan ba kayo sa loob?" tanong ko sa isa na hindi nila ako pinansin "hoy! tinatanong kayo" sabi ni Israel sa kanila "ilan kayo sa loob?" tanong ko uli na ayaw nilang magsalita.

Yumuko ako para ma ka level ko sila "nabalitaan niyo na siguro ang nangyari sa isa sa kasamahan niyo, right?" tanong ko sa kanila na nakuha ko na ang atensyon nila "sisiguradohin kong hindi mangyayari sa inyo yun kung sasabihin niyo sa akin kung ilan kayo" sabi ko sa kanila. "Apat" sagot ng isa "hoy! bakit mo sinabi?" tanong nung isa na sinapak siya sa ulo ni Israel "huwag!" sabi ko kay Israel kaya umatras siya "confirm ba yan na apat lang kayo?" tanong ko sa kanya "opo" sagot niya. Kaya tumayo ako at ininform ko ang buong unit namin "iremind ko lang sa inyo, kung nagsisinungaling kayo sa akin" sabay bunot ko sa baril ko at tinutok ko ito sa kanila "ako na mismo ang papatay sa inyo" banta ko na kita kong naihi ang isa.

"Mga gago kayo" sabi ni Israel sa kanila at sumama siya sa amin ni Romero pabalik kay Hepe "Rosales" "sir, confirm na apat ang holdaper na apprehend na namin ang tatlo kaya isa nalang ang nasa loob" balita ko sa kanya. "Haayy.. walang negotiator nasa Cavite siya ngayon" sabi ni Hepe sa amin "that's not good sir, sino ang kakausap sa holdaper na nasa loob?" tanong ko sa kanya na tumingin silang tatlo sa akin. "C'MON!!!" sigaw ko sa kanila na umiwas ng tingin sa akin sina Israel at si Romero "why can't you go sir?" tanong ko kay Hepe "i'm sorry, as you said I am the high ranking officer here" sabi niya sa akin kaya napabugnot nalang ako at binigay kay Romero ang baril ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa banko dala ang megaphone "ano ang pangalan nung holdaper sa loob?" tanong ko kay Israel "Ruben daw" sagot niya "daw? shit!" sabi ko at naglakad na ako papunta sa bench. "Ruben! Ruben!" tawag ko sa kanya "alam kong naririnig mo ako Ruben, pwede nating pag-usapan ito ng maayos" sabi ko na walang sumagot sa tawag ko. "Sir!" tawag ko kay Hepe "tawagan mo sa telepono" utos niya sa akin kaya kinuha ko ang phone ko at binigay nila sa akin ang numero ng branch "nagriring na" sabi ko habang nakatayo parin ako malapit sa bench.

Tinawagan ko uli ang numero at nung pangatlong tawag ko me sumagot na "hello, ako si Lt Isabella Rosales ng QCPD ito ba si Ruben?" pakilala ko "nasaan ang mga kasamahan ko?" tanong agad niya sa akin. "Nasa kustodiya na namin at ipaalam ko lang sa'yo na napapaligiran kana namin kaya hindi kana makakatakas kung me balak ka man" sabi ko sa kanya. "Papatayin ko ang mga hostage ko kung hindi niyo susundin ang gusto ko" banta niya sa akin "naman! pwede naman natin itong pag-usapan, lumabas ka dito para makapag-usap tayo ng maayos" sabi ko sa kanya.

"Hindi ako bobo! Kung gusto mo ikaw ang pumasok dito at iwan mo ang baril mo" sabi niya sa akin kaya lumingon ako kina Hepe at nag OK sign ako sa kanila "sige papasok na ako" sabi ko. "Teka!" sabi niya sa linya "bakit?" tanong ko "hubarin mo ang damit mo" sabi niya sa akin "HA?! Hubarin ko ang damit ko?" gulat kong tanong sa kanya "oo, para malaman kong wala kang dalang baril" sabi niya. "Tol, maniwala ka sa akin wala akong dalang baril babae ako kung hindi mo alam" sabi ko sa kanya "wala akong tiwala sa inyong mga pulis, hubarin mo ang damit mo o walang na tayong pag-uusapan" sabi niya sa akin kaya napatingin ako kina Hepe "teka" sabi ko at bumalik ako kina Hepe.

"HA?!" sabay nilang sabi nung sinabi ko sa kanila ang inutos sa akin ng holdaper "eh kung ganun sundin mo ang inuutos niya Rosales" sabi ni Hepe sa akin "pero sir!" "for the sake of the hostages Rosales, that's an order" sabi ni Hepe sa akin na napabugnot uli ako. Kita kong tiningnan ako ni Israel mula ulo hanggang paa "fucker!" sabi ko "Rosales!" sabi ni Hepe kaya nagsimula akong hubarin ang polo shirt ko at pantalon ko. "Tenyente" sabi ni Romero "not a word!" sabi ko sa kanya at naka bra, panty at sapatos akong bumalik sa bench na kita kong napatingin ang lahat ng mga pulis sa akin.

"No fucking pictures!" banta ko sa kanila na kita kong titig na titig silang lahat sa akin, tinawagan ko uli ang banko "papasok na ako" sabi ko "nakahubad ka na ba?" tanong ni Ruben. "Hindi mo ba ako nakikita?" tanong ko sa kanya na biglang me sumilip sa blind "sige, lumapit ka" sabi niya sa linya kaya naglakad na ako papalapit sa banko at pagbukas ko ng pinto nakita kong nasa harapan ng teller ang mga empleyado habang nasa likod ng counter ang holdaper kasama ang matandang manager ng banko. "Akala ko ba hubo't-hubad ka?" tanong niya sa akin "gago ka ba! ang lamig kaya dito" sabi ko na tinutok niya sa akin ang baril niya at kita kong me hawak siyang granada sa kaliwa niya.

"Ano ba ang demands mo?" tanong ko sa kanya na kita kong nakatitig lang ito sa katawan ko "ano magtitigan nalang ba tayo o magnegosasyon?" tanong ko sa kanya na parang natauhan siya "ah.. gusto ko ng kotse" sabi niya. "Yun lang ba?" tanong ko "oo, gusto ko walang susunod sa akin" sabi niya "ok, madali lang naman akong kausap eh teka, ano bang klase ng kotse ang gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Yung mabilis tumakbo!" sabi niya "ok, teka kalma ka lang ha tatawagan ko lang ang Hepe ko para ipaalam ang demanda mo" sabi ko sa kanya at tinawagan ko si Hepe "ayan, kukuha na sila ng kotse" sabi ko.

"Ok lang ba kayo?" tanong ko sa mga empleyado ng banko na kita kong takot na takot sila "nasaan nga pala ang guard dito?" tanong ko sa kanila "nasa likuran.. pinatay nila.." balita sa akin nung isang emplyado. "Tumahimik ka!" sigaw ni Ruben sa kanya "nanlaban ang gago kaya binaril namin" sabi niya "naku, dagdag kaso lang yan sa inyo" sabi ko sa kanya "wala akong pakialam, nasaan na yung kotse?" tanong niya. "Parating na hintayin lang natin" sabi ko at kita kong nagdedecorate pala sila para sa pasko "ang lamig dito" sabi ko. "Wala akong pakialam" sabi ng holdaper "ako meron, baka magkasakit ako kargo mo pa ang kalusogan ko" sabi ko sa kanya.

"Ibabalot ko lang itong tela sa katawan ko if you don't mind" sabi ko kay Ruben na tumigin uli siya sa katawan ko particularly sa dibdib ko "hoy! nasa taas ang mukha ko wala dyan" sabi ko sa kanya. "Hindi! umikot ka!" utos niya sa akin "ikot?" tanong ko "oo, baka me tinatago ka sa likuran mo" sabi niya "saan ko naman itatago ang baril ko kita mong naka bra at panty nalang ako?" sabi ko sa kanya. "Iikot ka o gusto mong sumabog ang ulo ng taong ito" banta niya "iikot na" sabi ko kaya umikot ako ng dahan-dahan at nung nakaharap na ako "ano meron ba?" tanong ko sa kanya "wala, sige magkumot ka" utos niya sa akin.

"Hay salamat!" sabi ko at ginawa kong kumot ang pulang telang nakalagay sa mesa "kanina pa ako nilalamig dito" sabi ko na kita kong tinulak niya palabas ng counter ang manager at lumapit siya habang nakatutok ang baril niya sa akin. "Pumunta ka dun" utos niya sa akin kaya tumayo ako sa tabi ng mga emplyado habang sumilip siya sa labas ng blind. "Nakapaligid kayo?" tanong niya sa akin "oo, kita mo naman walang tao sa labas maliban sa aming mga pulis" sabi ko sa kanya "yung mga kasamahan ko, isakay niyo sila sa kotse" sabi niya "bago ko itawag yan pakawalan mo muna ang mga hostages" sabi ko na napatingin siya sa akin.

"It's a fair trade hindi ba? Kung gusto mong sundin namin ang demands mo dapat magrelease ka din ng mga hostaages" sabi ko sa kanya na kita kong nag-isip siya ng sandali. "Sige, kayong dalawa lumapit kayo sa pinto" sabi niya sa dalawang babaeng tellers "sige, kumilos na kayo" sabi ko sa kanila at tumayo sila malapit sa pinto. Tinaas ko ang kamay ko na me hawak na celfon "tatawagan ko ang Hepe ko para ipaalam sa kanila ito" sabi ko sa kanya "sige" sabi niya kaya tinawagan ko si Hepe at kinonfirm niya ito "sige ok na" sabi ko kaya lumabas na yung dalawang teller at kita kong sinalubong sila ng swat team at sinara na ni Ruben ang pinto at ni lock niya ito.

Tumunog ang phone ko kaya tinaas ko ito para makita niya "sasagotin ko" sabi ko sa kanya "sige" sabi niya "hello.. yes sir...yes sir.. roger sir" sagot ko at binaba ko na ito "nasa labas na ang sasakyang hiningi mo" sabi ko sa kanya. Kaya sumilip siya sa blind at kinuha ko itong chance kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya at nung humarap siya sa akin agad ko siyang niyakap sa beywang at lumusot kami sa salamin ng banko. Naka bra at panty akong nakapatong sa ibabaw niya habang nakahiga siya sa sahig na parang na confused siya ng sandali kaya agad tumakbo palapit sa amin ang swat team at tinutokan agad siya.

"Punyeta ka!" sabi ko sa kanya sabay suntok ko sa mukha niya "kami na ang bahala sa kanya, Tenyente" sabi ng isang swat kaya umalis na ako sa ibabaw niya at pinadapa nila siya at pinusanan. Narinig kong nagpalakpakan ang mga kasamahan kong pulis pati narin ang mga taong nanonood sa malayo "Tenyente!" tawag sa akin ni Romero bitbit ang damit ko "brr.. akin na yan!" sabi ko sa kanya. "Good work Rosales" sabi sa akin ni Hepe na sinuot ko na ang polo shirt ko at pantalon ko "ang lamig!" sabi ko sa kanila na natawa ang mga kasamahan kong pulis.

"Super cop ka talaga Tenyente" sabi ni Santos sa akin "ano? Walang kumuha ng picture sa akin right?" tanong ko sa kanila "wala.. wala Tenyente" sabi nila na tinuro ko sila "kung me lalabas na picture ko online patay kayo sa akin" banta ko sa kanila. "Wala talaga Tenyente" sabi nilang lahat sa akin "Rosales, good job" sabi ni Hepe sa akin "thank you sir!" sagot ko "a job well done deserves a well earn rest" sabi niya "talaga sir? thank you sir" natututwang sabi ko "right after you file a report" sabi niya na gusto ko na sanang suntokin si Hepe nung tumalikod ito pero pinigilan ako ni Romero at ni Israel.

"Not worth it, Isabella" sabi ni Israel sa akin "gago kasi eh" sabi ko na natawa lang si Romero "kilala mo na si Hepe Tenyente, me camera kasi kaya yun ang uunahin niya kesa tayo" sabi niya. "Haayy.." sabi ko nalang "salamat" sabi nung mga empleyado ng banko sa akin pati narin ang manager nila "its my job!" sagot ko sa kanila at pinalakpakan ako ng mga tao. "Its your day" sabi ni Israel sa akin kaya nagkibit-balikat nalang ako at nag bow ako sa harapan nila na narinig kong nag click ang mga camera phone nila kaya ngumiti nalang ako at nagwave.



Itutuloy....




Top

Disclaimer
All publicly recognizable characters, settings, etc. are the property of their respective owners. The original characters and plot are the property of the author. The author is in no way associated with the owners, creators or producers of any media franchise. No copyright infringement is intended. Any resemblance to reality is purely coincidental.


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal