0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Nahahati ang pananaw ko kung dapat pa ba nila matutunan ang mga lumang pamamaraan o yakapin na nila ang makabanong panahon.Halimbawa, ang lumang paraan ng pananaliksik, kelangan pa ba nila pumunta ng librarya para gawin ito o gamitin ang teknolohiya para sa madaling pananaliksik?Ang mga kabataan na sa mga makabagong gaheto na naglalaro dapat pa ba nila matutunan ang mga laro sa kalsada? Maaring tumalas ang kanilang mga mata at utak pero nagkukulang sila sa kakayanang pisikal.
Just to give info, kasi upon making researches and reports naranasan ko ito. We must take the fact na resources such as internet ay updated ngunit sa piling website lang ako umaasa. Mas madaling maintindihan ang inaaral hindi tulad ng libro na ikakalat mo sa mesa sa computer o gadget switch tab lang. Siguro kung gagawa ako ng essay o anumang walang copy paste baka 1-2 hours lang tapos na ako habang sa libro na sinubukan ko noon sa isang case presentation inabot ako ng 4 na oras at hindi ko mabilang kung ilang nakakalat na libro ang nakalagay. Maganda rin ang internet lalo na kung maghahabol tayo ng opinyon, tulad nito ngunit mas maaasahan ang usapang tao sa tao ngunit mas matrabaho ito. Sa libro maganda po ito lalo na kapag usapang pagtitipid. May kuryente kasi tayong ginagamit sa computer at wala na tayong magagawa sa oras na mawalan ng kuryente, hindi tulad ng libro na kahit sa tabi ng kandila may natututunan ka pa rin. Tungkol po sa pagpunta sa library o computer shop o kung saan man nakadipende nalang po ito sa tao at sa kakayanan niyang makabili ng gadget o libro. Sa paraan naman ng impormasyon maraming impormasyon ang ekslusibong mababasa sa parehong libro at internet.Sa aking pong karanasan sa pag-aaral sa tingin ko po inirerekumenda ko pareho ito, dapat maging balanse ang tao upang mas maging malalim ang pagkakaintindi ng tao ukol sa isang kaalaman.Sa paglalaro naman po ng mga kabataan ako'y kumakampi sa larong kalsada. Marahil naririnig na natin ito sa mga mayayamang bansa na mataas na ang bilang ng overweight/obese na kabataan. Ito ay dahil parte ng ehersisyo at kalusugan ng bata ang paglalaro ngunit napipigilan ito ng gadget, computer at maging ang takot sa kapaligiran.Hindi ko po maitatangging isa ako sa nakaranas ng pagbabago, noong kabataan ko tuwing weekends lang ako pwedeng gumamit ng computer at pinigilan akong manood ng tv tuwing may pasok. Ikumpara ito sa marka ng highschool at college halos wala naman pong pagbabago dahil nanatili sa aking isipan ang disiplina.