Magandang umaga po mga chix at tsongx.
Ngayon lang na nman ako nagpakita sa forum, pagpasensyahan nyo na dahil medyo abala sa buhay may pamilya. Hindi ko na din nasasagot mga PM nyo sa paghingi ng tulong.
Pasensya na at hindi ko kayo naabisuhan sa paglilipat ng bahay natin. Naging biglaan din kasi na nagkaroon ako ng isang lingong bakasyon at naisipan kong gawin nadin itong update.
Nailipat na yung bahay natin sa bago at medyo mas mura kesa dati, nakakita ako ng mas mura kesa dati kaya kinuha ko na agad. Gumastos man ako ng tutulong sa akin sa paglilipat, makakamura nman ako sa buwanang upa neto.
Katulad nang dati pakisabihan nyo ako o kahit sinong staff na aktibo kung may mga problema sa bahay natin.
Taos puso kong ikinalulugod at nagpapasalamat sa walang sawa nyong pagtulong at pagsuporta sa bahay natin. Hanggat may aktibo pang myembro ang bahay natin nandito pa din ako handang tumulong.
Salamat po