My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • hurricane007: Carnal
    May 03, 2024, 04:15:19 PM
  • tasyo69: yown!
    May 03, 2024, 04:19:27 PM
  • tasyo69: kala ko nagoffline na rin to
    May 03, 2024, 04:19:34 PM
  • krisnino85: Ang usapan
    May 03, 2024, 07:54:49 PM
  • ahw..: tagalog
    May 04, 2024, 06:07:46 PM
  • balite: kahera
    May 05, 2024, 03:55:58 PM
  • bull28: Miyagi
    May 05, 2024, 06:37:39 PM
  • abatekagigsters: Gangbang wife
    May 07, 2024, 05:21:21 AM
  • markuz08: Step daughter
    May 07, 2024, 07:14:26 AM
  • wheelburn: Tui
    May 07, 2024, 04:53:27 PM
  • wheelburn: Tito
    May 07, 2024, 04:53:31 PM
  • wheelburn: Tito
    May 07, 2024, 04:53:46 PM
  • wheelburn: Shout out Po mga boss libre pa ba wifey nyo pa share nyo Naman
    May 07, 2024, 07:13:06 PM
  • nada: Mom
    May 08, 2024, 01:48:19 AM
  • reborn123: Alexa
    May 10, 2024, 10:33:47 PM
  • NarutoUzumaki: may Discord na po ang FSS
    May 11, 2024, 06:58:41 AM
  • Asdf0987: Nika
    May 12, 2024, 04:01:15 AM
  • wheelburn: Tukso Kay Melissa
    May 12, 2024, 01:17:01 PM
  • NarutoUzumaki: [link]
    Today at 11:18:07 AM
  • NarutoUzumaki: Official Filipinosixstories account join na kayo
    Today at 11:18:30 AM

ANG KWENTO NG TATLONG ASYANO

0 Members and 3 Guests are viewing this topic.

Offline semikotne

on: April 25, 2013, 02:57:22 AM
Isang araw may tatlong ASYANO ang nagkita kita sa isang lugar at nagkakwentuhan. Eto ay sila KOREANO, HAPON, at PILIPINO

KOREANO: Alam nyo noon ang bansa namin ay sobrang hirap halos mawalan na kami ng makakain sa pang araw araw lalo na nung nagkagulo gulo dahil sa North Korea. Gabi gabi na lang ang daming buhay ang kinitil pagkatapos ng KOREAN WAR. Pero ang galing ng pinuno namin pagkatapos ng gyera sinabi nya na ang KOREA ay babangon. Nagkaisa isa ang mga KOREANO at nagtulungan upang umasenso. Hanggang sa araw na ito kami ay sobrang galak dahil sa natamo naming pag asenso. Hindi lang yan sumikat pa kami sa buong mundo, nanjan ang SAMSUNG PHONES, LG APPLIANCES, ang mga KOREAN SENSATIONS NA WONDER GIRLS at si PSY! Talagang napapa OPPANG GANGNAM STYLE ang buong MUNDO!

HAPON: Sus! Yun lang? E kami nga nung unang panahon palang sobrang asenso na! Kahit nagkaroon ng gyera at sumabog ang NAGASAKI e nasubukan pa din namin bumangon! Kitang kita naman sa buong mundo ang aming pagbangon! Aba maipag yabang ko lang ha! Kami yata ang nangunguna sa teknolohiya! Nakagawa na nga kami ng iba't ibang ROBOT eh!! Tignan mo si DAIMOS at VOLTES V palang malamang takot na ang buong mundo samin! :P

PILIPINO: Aba ang gagaling naman nyong talaga. Naalala ko pa noong unang panahon ang sabi ng lolo ko PILIPINAS daw ang pinaka nangunguna sa lahat ng mga bansang ASYA! Sabi nya nung wala pa nga daw EXPRESSWAY sa KOREA eh meron na ang PINAS! Tapos sabi nya inggit na inggit nga daw ang lider nyong KOREANO samin eh! At kayo naman HAPON! Oo magaling nga kayo sa TEKNOLOHIYA pero naman sa salitang INGLES e hindi kami magpapatalo sa inyo! Aba kaya nga PINOY ang pinaka gustong empleyado ng ibat ibang nasyon! Ganun kami kagaling!

Teka nga HAPON at KOREANO, magaling naman ako mag english. Ano bang EMAIL ADDRESS nyo?

Hapon at Koreano: BAKIT?

Pilipino: Makapag send nga ng resume sa inyo at mag aapply ako! :P

-------
Ganito po ang eksena nating mga Pilipino sa buong mundo. Opo tayo po ay magagaling mag ingles o di kaya magagaling na manggagawa! Tayo nga ang gustong gusto i-hire kahit sa bansang US pa. Pero bakit ganun? Lagi na lamang ang role nating mga PILIPINO ay manggagawa? Hindi ba pwedeng tayo ay maging mga "BOSS" naman?!!

Ang idadahilan ng iba jan ay:
Marahil eto ay ang problema naidulot sa ating ng gobyerno,.

Ooopppsss!! Teka lang po! Hindi po lahat ng oras gobyerno ang may problema. Alam natin madami sa mga Pilipino ang naghihirap at tila yata sa bawat paghihirap ng isa ang sisi ay sa gobyerno kaagad. Hindi ba pwedeng tanggapin natin ang ating pagkakamali? At tayo ay mag "MOVE FORWARD" naman?! Ang ibig ko pong sabihin ay tao mismo ang gumalaw upang umasenso ang ating pamumuhay. At hindi lang ang pagiging empleyado ang paraan upang umasenso. Subukan po natin ang pag iinvest sa mutual funds, bonds, at kasama na din ang STOCK MARKET! Dahil nasa atin po ang simula ng lahat. Imulat natin ang ating mga anak o ang mga nakakababatang henerasyon sa tamang pag hawak ng yaman. Upang sa pag laki nila ay alam na nila kung pano papaunlarin ang ating bansa.

At ang huli, MAHALIN NATIN ANG ATING BAYAN! Sa kwentong ito marahil ay naging mayabang si HAPON at si KOREANO pero totoo naman na may pagyayabang sila at kitang kita ang pagmamahal nila sa kanilang bansa. Kung sana sa susunod na pagmamayabang naman nating mga PILIPINO AY GAMITAN NA NATIN ITO NG CONFIDENCE at PAGMAMAHAL SA BAYAN! Dahil ang asenso ay magsisimula sayo! Hindi sa gobyerno o ibang tao.

Kung ikaw ay may natutunan sa kwentong ito ay dapat lamang na ishare mo to upang mapakita mo na MAHAL MO ANG IYONG BAYAN!

Let's make a change! Stop crab mentality! Stop the "PWEDE NA YAN mentality!"

Nasa sayo ang simula!


My Board

ANG KWENTO NG TATLONG ASYANO
« on: April 25, 2013, 02:57:22 AM »

Offline iamamorion17

Reply #1 on: April 25, 2013, 09:29:10 AM
Correct:)


Offline redsand

Reply #2 on: May 11, 2013, 02:24:15 AM
ang problema ay tayong mga pinoy din minsan yun iba mga wala ng disiplina. pero minsan nasa nagpapatupad din ng batas. ako ay isang ofw. sa tagal ko na dito sa bansang pinagtatrabahuan ko ni isang traffic violation wala pa ako, baket? kase kapag nahuli ako eh halos isang buwan ng suweldo ko ang ibabayad ko sa multa at hindi nalalagyan ang mga pulis dito na katulad sa atin. kaya napaka disiplina ng mga pilipino dito dahil alam nila hindi corupt ang gobyerno.


My Board

Re: ANG KWENTO NG TATLONG ASYANO
« Reply #2 on: May 11, 2013, 02:24:15 AM »

Offline ¿m☺ÿ

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 4
  • *
  • If you want to be my friend, i'm just 1 PM away.
    • POTW
    • PTFM
    • Sagittarius
Reply #3 on: June 11, 2013, 07:18:32 PM
number problem ng pinoy sense of patriotism at pagkakaisa... bakit ko nasabi, kapag nasa ibang bansa tayo sinusunod natin ang batas nila pero sa pinas bibihira ang sumusunod.... kulang sa pagkakaisa bakit, isipin mong kababayan mo sisiraan mo, may maibalita lang sa telebisyon kahit ma-degrade ang mga pilipino basta sensational ok lang....may balita naman.....


Offline el pedio

Reply #4 on: September 09, 2016, 10:12:39 PM
maganda ang kwentong ito may aral..
para rin sa gustong umasenso 2 lang ang isabay sa puhunan puhunan pwede na:
1- deterninasyon
2- desiplina


My Board

Re: ANG KWENTO NG TATLONG ASYANO
« Reply #4 on: September 09, 2016, 10:12:39 PM »

Offline naruto789544

Reply #5 on: October 13, 2016, 01:00:54 AM
once we take out the crab mentality within us, the country can move forward...


Offline bosser

Reply #6 on: May 05, 2018, 11:45:42 PM
Totoo po  na me aral nga tayong makukuha sa kwento.  Nakakalumgkot isipin na tayo pang mas matatas mag inglish kesa sa mga hapon at koreano ang mas mahirap pa sa kanila. Pero diba parang kanaligtaran nga. Kung sinong mas matatas sa saruli nilang wika ang mas maunlad. Dahil mas inuuna at pinapahalagahan nila ang kanilang sariling bansa. Kesa sa atin na mas guto pang magpa alila sa mga banyaga sa pamamagitan ng pag bibigay halaga sa wika nila.


My Board

Re: ANG KWENTO NG TATLONG ASYANO
« Reply #6 on: May 05, 2018, 11:45:42 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal