My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • expertise101: Bat parang d ako makapass
    April 28, 2024, 02:59:10 AM
  • expertise101: Nawala ba tambayan lately?
    April 28, 2024, 02:59:35 AM
  • stkushinta: Troy
    April 29, 2024, 09:12:25 PM
  • hurricane007: Carnal
    May 03, 2024, 04:15:19 PM
  • tasyo69: yown!
    May 03, 2024, 04:19:27 PM
  • tasyo69: kala ko nagoffline na rin to
    May 03, 2024, 04:19:34 PM
  • krisnino85: Ang usapan
    May 03, 2024, 07:54:49 PM
  • ahw..: tagalog
    May 04, 2024, 06:07:46 PM
  • balite: kahera
    May 05, 2024, 03:55:58 PM
  • bull28: Miyagi
    May 05, 2024, 06:37:39 PM
  • abatekagigsters: Gangbang wife
    May 07, 2024, 05:21:21 AM
  • markuz08: Step daughter
    May 07, 2024, 07:14:26 AM
  • wheelburn: Tui
    May 07, 2024, 04:53:27 PM
  • wheelburn: Tito
    May 07, 2024, 04:53:31 PM
  • wheelburn: Tito
    May 07, 2024, 04:53:46 PM
  • wheelburn: Shout out Po mga boss libre pa ba wifey nyo pa share nyo Naman
    May 07, 2024, 07:13:06 PM
  • nada: Mom
    May 08, 2024, 01:48:19 AM
  • reborn123: Alexa
    May 10, 2024, 10:33:47 PM
  • NarutoUzumaki: may Discord na po ang FSS
    May 11, 2024, 06:58:41 AM
  • Asdf0987: Nika
    Today at 04:01:15 AM

Kurot Principle

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline Dimmu Borgir

  • Certified Member 2
  • *
  • Cut My Wrists And Hope To Die.....
on: April 21, 2013, 02:20:48 PM

Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…

Pinoy vs. Chinoy Businessman

May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.

Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.

So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!

Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!

A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!

Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”

Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.

It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!

After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!

Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!

Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba?

Isang Kahig, Isang Tuka

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.

What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!

Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.

Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.

Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.

Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.

The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.”
Ghost Reporting...


My Board

Kurot Principle
« on: April 21, 2013, 02:20:48 PM »

Offline iamamorion17

Reply #1 on: April 23, 2013, 10:26:37 AM
boooom...sapol...

buti na lang matipid ako:)lagi nga lang sinasabihan na "kuripot"

hahaha,,ok lang:)


Offline sly

Reply #2 on: April 23, 2013, 10:45:07 AM
hey I like your essay. Totoo ito. I've seen this too sa mga OFW na pinoy compared sa Indian. Sa flat ng pinoy kumpleto ng appliances at latest gadget. Sa Indian National, it is bare with the minimum furniture as was provided by their company. Pero  papakita ng Indian ang pics ng bahay niya. Mansion, eh ang kabayan natin... nakaapartment ang family. To think na mas malaki ang sahod ng pinoy. sad...


My Board

Re: Kurot Principle
« Reply #2 on: April 23, 2013, 10:45:07 AM »

Offline tigershark

Reply #3 on: April 23, 2013, 11:21:46 AM
very inspiring, keep it up and thank you . . .


Offline semikotne

Reply #4 on: April 23, 2013, 01:26:53 PM
keep practicing WANTS vs NEEDS....  its really helps... di mo mapa2nsin na ung tempt like sa mga new gadgets is wala na... 


My Board

Re: Kurot Principle
« Reply #4 on: April 23, 2013, 01:26:53 PM »

Offline tobertsarcher

Reply #5 on: April 24, 2013, 03:19:14 PM
magandang essay very enlightening...


Offline wasabe

Reply #6 on: May 26, 2013, 09:51:53 AM
Nice post. I agree with semikotne. Nabanggit din sa akin ito ng dati kong manager na  mayaman  about wants vs needs.
Madalas kasi ngayon merong mga midnight sale, mega sale, end of year sale at kung ano ano pang sales ng mga mall na tinatapat sa sweldo.
Kapag bumili ka daw ng sale pero hindi mo kailangan, napamahal ka kasi hindi mo nga kailangan pero binili mo pa. Pero kung kailangan mo ng bagong sapatos dahil pudpod na ito at nakabili ka ng sale. Iyon ang masasabing naka sale o naka tipid ka.
Bago bumili ng isang bagay tanungin daw muna natin ang sarili kung need (kailangan) ba ito o want (gusto o luho).


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #7 on: May 28, 2013, 07:17:34 PM
I like this post. +1 mate.
~ Insert witty quote here ~


zzgundam

  • Guest
Reply #8 on: May 28, 2013, 10:34:07 PM
Very painful (as it hits a lot of us straight in the gut), but very true.
+K for you.


Offline trafficjam

Reply #9 on: August 20, 2013, 02:16:13 PM
i agree, in my experience, i could afford a brand new car. but i wont do it, and just by a new cellphone instead. lol
« Last Edit: August 20, 2013, 02:17:46 PM by trafficjam »


Offline migzhizon

Reply #10 on: November 29, 2013, 09:57:45 AM
Nice share very true

Sent from my LG-P970 using Tapatalk 2



Offline epro250

Reply #11 on: April 15, 2014, 01:12:02 AM
financially literacy, ito ang kulang sa mga pinoy, attend ng mga seminars para matuto at i-apply :-)


Offline pinuno

Reply #12 on: July 09, 2016, 10:50:48 PM
Nabasa ko na ito dati ehh..chinkee tan ata eto..but very true..applicable sa mga pinoy as guide


Offline naruto789544

Reply #13 on: July 10, 2016, 12:52:14 AM
nice one ts... lucky i was able to read this and i agree with the principle... :)


Offline zappieboy

Reply #14 on: August 13, 2016, 08:21:06 AM
 :think: 30%/3 principle ang gamit ko
10% - savings
10% - investment
10% - emergency
All after the bunnies take its shares (after taxes)
How I Made 3k/Month Within 30 Days!
https://bit.ly/3gwokFg


My Board

Re: Kurot Principle
« Reply #14 on: August 13, 2016, 08:21:06 AM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal