0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
Gusto ko sana BJJ kaso wala akong pang enroll kaya nag aral nalang ng Sayonachi
Ako puro enroll lang ako di ko natatapos.. karate sa akin sana.. balak ko sana mah enrol ng jijutsu kaso payatot ako haha..Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
buti ka pa pwede sayonachi, ako mabagal tumakbo eh atska bilis mapagod.. hehe..yung jiu jitsu natry ko lang ng tatlong beses kahit "arm bar", "triangle choke" at "knee bar" pa lang naturo, pero sobrang hirap magtake down, tapos nakakapagod, nauubos lang lakas ko para pigilan yung paglock saken, ni hindi ko magawa makapagexecute ng technique, taz yun talo din .. hehe
san ka sir nag enroll at magkano?
Matagal ko na gustong mag martial arts dati kaso takot ako na masaktan. Ang nagtulak sakin na magsimula ay nung may nakita kong hinoldap sa bus at gusto ko tulungan kaso naisip ko na wala naman akong alam sa pakikipag away kaya yun ang naging motivation ko para tuparin na ang pagpasok sa martial arts.Ang una kong pinasukan ay combat aikido. For belt promotion na sana ako kaso biglang hindi nako naka attend ng manganak ang misis ko.Nung naisipan ko bumalik na sa ensayo ay parang mas nagustuhan ko naman ang Muay Thai. Medyo naburyong ako sa aikido kasi puro depensa kaya MT naman ang sinubukan ko. Nung una nga ay for self defense lang dapat kaya ako nag martial arts. Pero nung unang beses na nakapanood ako ng live na tournament ng Muay Thai ay naramdaman ko na gusto ko din lumaban kaya mas dinalasan ko ang pag eensayo. To date ay naka total of 4 fights palang ako.Amateur Muay Thai - 1-0Amateur Kickboxing - 1-0Amateur MMA - 0-1Professional Kickboxing - 0-1Professional MMA - di ako nakalaro dahil tinrangkaso...hahaNakasabak na din ako sa MMA dahil paminsan minsan ay tumitira din ako ng submission grappling. Mas prefer ko ang striking but I also need to improve on my grappling skills to be a more well rounded fighter. At mas marami malalaruan na tournament kapag mahusay din sa ground. Yung iba kasi na sumasabak sa MMA mahuhusay sa ground at hindi sa suntukan. Lugi kapag nagkayakan agad.
Quezon City area sir iniisip ko kasi baka pag medyo may edad na baka mahirapan na im 23 btw
Tama bro kaya mas magandang umpisahan mo na agad habang nasa kalakasan.Sa Cubao ang gym ko bro kaso I'm currently in Mindanao for work and baka sa 2014 pako bumalik uli sa Manila.Eto details ng gym ko bro, bisita ka dun:SPRAWL Gym Cubao...Along Edsa lang siya bro, opposite side ng Five Star Bus station. Kung nasa overpass ka sa Five Star, makikita mo agad sa opposite side ang tarpaulin ng gym and I believe that by next week ay may bagong tarp na ikakabit kaya makikita mo agad yun. They teach Muay Thai, wrestling, submission grappling, and MMA. Kung Muay Thai, pwede mag walk in anytime Monday to Sunday starting 8am until around 8pm. May in house trainor dun kaya anytime ka pumunta ay may magtuturo sayo. Kahit mag isa ka lang ay tuturuan ka, kung may mga nakasabay ka naman dumating ay sabay kayo tuturuan. Ayos ang ganung setup kasi matutukan ka at feeling fighter ka pa as compared kung large group kayo na tinuturuan. Yung ibang martial arts may given schedule sa gym kung anong araw at anong oras.Afaik ay Php250 per session pag non member and Php180 pag member ka. Mura na yun dahil sa ibang gyms ay ranging from Php350-800 ang per session. Membership yata ay Php550 good for one year and may option din for lifetime membership.Maganda ang atmosphere sa gym at mahusay ang mga nagtuturo. Kung for exercise, self defense, o kung gusto mo sumubok mag compete ay ittrain ka nila ng maayos. May mga nakakasabay ako dun minsan na mga babae or magjowa na gusto lang mag exercise. May mga medyo may edad na na gusto lang imaintain ang physical fitness, may mga tamang subok subok lang, may iba na for self defense, at serious trainees din na aspiring or current amateur and professional fighters.Kung pupunta ka dun magdala ka na ng shorts na maiksi at medyo maluwag para hindi ka hirap pag nag stretching at nagsisipa. Bili ka na din ng boxing hand wraps. Kung wala ka naman time dumaan sa mall ay minsan may tinda din naman sila dun. Upper outfit kahit sando or dry fit. Then kahit wag mo muna problemahin ang gloves dahil may inhouse gloves naman.Dalaw ka dun bro at subukan mo na. PM ko din sayo contact details ng inhouse coach dun na most likely na siya din ang isa sa mga madalas na magtuturo sayo pag natripan mo na dun mag ensayo.