0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
yes sir pero matagal na un, high school pa ako. ung bahay kasi ng lola ko noon, sa may kisame dahil may portion na butas, madami namamahay na mga paniki dun. pag araw dun lang natutulog mga un at gabi nga nag-gagala so madali manghuli sa kanila during day time basta may parang sibat ka na pantusok bawat isa sa kanila. So ganun ginagawa nung tiyuhin ko at mga pinsan, buksan nila ung main na bukasan nung kisame at maninibat ng mga kamaganak ni batman. (medyo old house kasi at may distansya ang kisame at mismong bubong so medyo kaysa tao dun. Un gamit flashlight na pang-ilaw at ung sibat, makakadami ka na ng makukuha, hehehe.At presto may pangpulutan na silang adobong paniki, ako naman that time may ulam na, hahaha. . Gusto ko nga uli tumikim ng ganun, masarap kasi.thanks sir sa k.
Sa palaka na lang ako special kaya yan dito sa states hehe pero nde ko pa yan natry..+k sir imoy tnx for the share..
Ayayay takot ako sa palaka kaya malamang kapag hinainan ako niyan eh mapatili at mapatakbo ang beauty ko.
Yung palaka okay lang siguro. Yung legs lang... One bite..? Pero yung paniki ayoko yata nyan.. Haha..Sent from my iPad using Tapatalk 2
ayos ang paraan ng paghuli ah si stork11.... sa amin sa bataan datin may malaking puno ng bulak sa harap ng bahay namin.... yung ginagawa nila sa gabi, binabaril ng air gun....masarap siya sir dere'k lalo yung utak, parang balot...hehehe... dati di ako kumakain nito nag-aalangan pa nga ako eh dahil sa napapanood ko sa tv na horror film pero noong natikman ko ayos.... prutas naman ang kinakain nila
masarap siya sir Prime.... nakakaalangan lang yung itsura... noong unang tikim ko nito, hindi kasama yung ulo kaya ok lang... akala ko nga manok, pero may parang lasang kambing din....
Ganun ba? Pero may isang kind lang ng palaka na kinakain ano? Itong clase lang na ito tama ba?So totoo pala yung sabi nila na parang chicken. Rabbit ba nakatikim ka na bro? Similar ba? Sabi kasi nila parang chicken din, and that goes for snakes too. Sent from my iPad using Tapatalk 2
Uyy gusto ko yan Betamax and tenga. Champion yan. Naalala ko nung elem ako sa tapat ng school meron niyan. Delicious!Sent from my iPad using Tapatalk 2
oo bro sa atin sa pinas ang kinakain eh yung palakang bukid normally sa bukid kasi makikita pero ang alam ko sa US at mayroon na rin sa ating kinu-culture yung Bull frog...yung rabbit hindi pa ako nakatikim kahit yung sawa hindi pa or snakes kaya hindi ko rin maikumpara... pero sabi nga nila lasang manok daw...pati yung palaka pero for me... parang hindi rin eh kasi siguro kaya iyon ang description ng lasa kasi iyon ang pinakamalapit... kapag kasi kinain yung palaka parang ngumunguya rin ng manok....masarap din siya....
Adobong Palaka....Adobong Bayakan (malaking Paniki)anyone want to try these delicacy.........?
masarap nga ito bro, kaya kapag umuuwi ako nagpapabili ako nito sa palengke tapos ako na ang magluluto....para sigurado...