Pinoytambay
Refresh History
  • Read the rules
  • leonel_aztig: Michele
    September 18, 2019, 05:00:35 AM
  • leonel_aztig: Michi
    September 18, 2019, 05:00:54 AM
  • Marcus jm: Michelle
    September 18, 2019, 05:05:45 AM
  • aysahyahnaman: Matanda
    September 18, 2019, 06:02:26 AM
  • pinoysenseitoo: Warden
    September 18, 2019, 08:08:24 AM
  • congkiq2002: Wala na po ba ung story ung sa singapore yata un, ung bidang lalaki si dan
    September 18, 2019, 08:20:02 AM
  • marlon_anor2003@yahoo.com: Biyanan
    September 18, 2019, 02:38:58 PM
  • Prinsesa: Teatro karnal
    September 18, 2019, 08:55:01 PM
  • edene25: Ann magno ukiyo dreams
    September 19, 2019, 08:23:24 AM
  • appleblossomgirl: Hi
    September 19, 2019, 08:11:49 PM
  • pristontale: Basketball laro ng kalibugan
    September 20, 2019, 09:25:50 AM
  • bobby cancino: hello appleblossomgirl
    September 20, 2019, 10:46:17 AM
  • Mowdyakow: melissa
    September 21, 2019, 04:13:43 PM
  • ianrockz15: Hi ms appleblossomgirl
    September 22, 2019, 12:54:00 AM
  • Wackojacko: The nes vsl
    September 22, 2019, 02:33:55 AM
  • darkness07x: Patay
    September 22, 2019, 09:35:41 AM
  • zynecon: bang stab
    September 22, 2019, 03:56:49 PM
  • zynecon: bangbangbang
    September 22, 2019, 05:12:41 PM
  • zynecon: the new vsl
    September 22, 2019, 05:20:56 PM
  • Cathrina: :D
    Today at 05:53:24 AM

❤️Relationship Goals[emoji177]

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline ladyvirus01

on: September 04, 2017, 10:14:49 PM
Just "YOU & I"




































































































Sent from my iPhone using Tapatalk
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



Pinoytambay

❤️Relationship Goals[emoji177]
« on: September 04, 2017, 10:14:49 PM »

Offline naruto789544

Reply #1 on: September 05, 2017, 02:18:16 AM
simple graphics with so deep and meaningful meanings... how i miss those...  ::) ::) ::)


Offline ladyvirus01

Reply #2 on: September 06, 2017, 11:07:55 PM
Relationship goals#2

PALATANDAAN NA MAGTATAGAL ANG ISANG RELASYON:

1. May time sa isa't-isa

Sa panahong ito, busy ang karamihan. Maaaring sa trabaho, business, studies etc. Dahil sa hectic na schedule, nawawalan na ng time sa romance at sa mga love related matters. Maaaring minsan na lang lumabas for breakfast or movie date. Pero kung sa kabila ng pagiging busy ay nakakahanap pa rin ng oras ang love partner mo, no doubt na mahal ka nga nya talaga. Kelangan mo nga lang talaga i-extend ang understanding mo kung sa inyong dalawa ay ikaw ang mas nakakaluwag ang oras at nagugugol mo ang free time mo na di sya kasama. Wala naman kaseng mapagkukumparahan ng saya pag kasama mo na sya at ka-share sa mga masasayang moments...kahit hindi ganun kadalas.

2. Tamang age gap

"Age doesn't matter." Tama ang kasabihang yan pero hindi daw yan ang ideal na kasabihan kung pangmatagalang relasyon ang gusto mo. Totoong mas delayed daw mag-mature ang lalaki kesa sa babae kaya't karamihan sa magkakasing-edad ay nagkakahiwalay agad. Mas worst naman ang istorya kung mas matanda ang babae kesa lalaki. Kaya dapat daw ay mas matanda ang lalaki sa babae pero hindi ito dapat hihigit ng 7 years. Ofcourse hindi absolute ang ideyang ito at pwedeng teorya lang. May mga relasyon na nagtatagal kahit weird ang age gap na meron ang mag-partners. Meron ding mas matanda nga ng 7 years ang lalaki kay babae pero pang 7 years old lang din ang pag-iisip ni lalaki. Depende pa rin. Kaya't kung ma-fall ka sa older guy at napansin mo na ang maturity nya, give it a try and you might not regret.

3. Magandang background ng past relationship

HIndi naman siguro "kautikan" (what a word) kung alamin mo ng medyo mas malalim pa ang past relationship ng partner mo. Kung galing sya sa matatagal na relasyon, good sign yun. Alamin din kung ano ang naging dahilan ng break-ups nya para mas maintindihan mo at maiwasan mangyari sa relasyon nyo. Isa pang dapat mong tingnan ay ang dami ng relasyon na nagkaron na sya. Maaari kaseng tumagal nga ang ibang relasyon pero 3 out of 20 pala yun at ang indikasyon na nanggaling na sya sa maraming relasyon ay hindi rin magandang senyales. Alamin din kung anung klaseng lifestyle meron sya para mapagtugma mo kung ang taong ito ba ay nasa experimentation period pa rin ba o nasa punto na ng pagseseryoso. Di mo naman magugustuahng maging guinea pig sa relasyon nyo di ba?

4. six compatibility

Hindi ito masyadong applicable sa mga conservatives pero mag-wowork ito sa mga open minded at may pagkaliberated. May mga instances na in the midst of series of datings pa lang ay may sixual intercourse na beween partners and nangyayari naman yun dahil pareho nilang gusto. Di ko inaadvice na mag-go-down na sa six agad as early as dating period pero kung into six ka, oportunidad mo yun para malaman kung compatible ba ang six drive nyo. Kung sya ay tipong six lang for pleasure, delete mo na sya. Kung wala syang passion at very normal lang sa bed, mag-isip ka ulet. Kung newbie sya pero willing mag-explore, thumbs up. Kung pareho kayong newbie at di sya cooperative sa fantasies mo, di rin magandang sign. Kung plain six lang ang gusto nyo at wala nang masyado pang adventure at ok lang dahil pareho nyo namang gusto, ok lang din. Wag kayong maging ipokrito kung pareho kayong into six dahil sabi nga ni Sigmund Freud, necessity ito at napakaimportante nito sa intimate relationship. Pero tulad pa rin ng sinabi ko, sa kulturang konserbatibo, hindi kelangang six agad, pwede nyong skip-an ang part na to at magfocus sa ibang signs na mababanggit ko dito.

5. Good friends

Sa kultura natin, kelangan may ligawan. Pero sa modern times at siguro dahil mas liberal na ang mga tao ngayon, "dating" na ang sistema at ang kadalasan nga nagiging friendship muna ang set-up hanggang sa magkalapit ang mga loob at magkadevelopan. I suggest lalo na sa mga kababaihan na may manliligaw, wag masyadong i-emphasize sa kanya na sya ay manliligaw lang at kelangang gawin ang lahat para makuha ang kanyang matamis na "oo". Kadalasan kase, iba ang treatment ng isang nililigawan sa kanyang manliligaw. Hindi naman sa anti-ligawan system ako pero kung babae ka at tingin mo may potential si guy, tell him you could start from friendship. Kung ikaw naman ay lalaki, try not to start from typical na panliligaw na magsisilbi at magpapa-alila. May mga girls na ayaw nila na halos ginagawa na silang panginoon ng manliligaw nila. Gusto nila ay yung someone na makakashare din nila sa ibang mga bagay na apart sa direkatang motibo ng pakikipagrelasyon. Yung someone na willing makinig sa kanila, samahan sila kahit sa kaweirduhan nila at may genuine na willingness para makilala kahit ang not so good na side nya. Sa ganitong way, after a while at dumating na ang takdang sandali at pareho nyo nang gustong i-confirm ang relasyon nyo, siguradong mas naiintindihan nyo na ang isa't isa at malaki ang tsansa na maresolve nyo ang major problems sa relasyon nyo in the future na dahilan para magtagal kayo. Basta lagi lang tatandaan na dapat hindi iwawala ang komunikasyon. Sa oras na dumating ang pinakamatinding away nyo at nabigo kayong pag-usapan ito, asahang maghihiwalay kayo. Kaya't mahalaga na mag-usap at magkalinawan sa anumang conflict tulad nung good friends pa kayo dahil yun ang susi para magkaintindiahan at maiwasan ang hiwalayan.

6. May pangarap

Kung ang karelasyon mo ay wala man lang nababanggit tungkol sa long term dreams nya at ang mahalaga lang sa kanya ay kung ano yung meron ngayon, ahmmm... hindi rin magandang palatandaan yan. Much worst kung ang partner mo ay hindi nagpapakita ng sign na kasama ka sa future plans nya. Isa sa magandang halimbawa ay kung ang partner mo ay isang estudyante na nagsisikap sa pag aaral at sinabi sayo na hindi ka dapat mawawala sa graduation nya dahil ikaw ang naging inspirasyon nya at ginagawa nya ang lahat ng yun para rin sa inyong dalawa. Pero syempre. dapat mo pa ring obserbahan ang sincerity nya sa pagbitaw ng mga katagang yan. Kung wala ka naman makalkal at talagang nabubuhay lang sa kasalukuyan ang partner mo, e wag mong pilitin. Kelangang natural na manggaling sa kanya ang mga plano nya at hindi dahil lang napilitan syang sabihin yun.

7. Pareho ng gusto

May kasabihan na opposites attract. Tama pero may kulang dahil kung interesado kayong maging mag-on, hindi dapat na habang panahon ay attracted lang kayo sa isa't isa. Dapat ay magkasundo rin kayo and at least pareho ng gusto kung di man sa lahat ng bagay, at least sa maraming bagay. Sure na magtatagal ang realsyon sa ganitong picture. Pero ang reyalidad ay nagsasabi na somehow, may differences pa rin kayo. Much worst kung talagang attrracted kayo sa isa't isa pero ang tindi ng diffrences nyo. Pag ganito ang sitwasyon, mahalaga na magkaroon kayo ng compromises at kung kelangang may baguhin ang isa sa kanyang sarili para magtugma lang ang kagustuahn nila, then dapat ay isakatuparan ito alang-alang sa partner nya. Syempre hindi kelangang lumabis ang gagawing pagbabago dahil at the end of the day, mahalaga pa rin ang original identity mo at hindi dapat isakripisyo ang totoong ikaw sa kadahilanang may mga bagay sa pagkatao mo na ang kailangan lang ay tanggapin ng partner mo kung totoong mahal ka talaga nya.

8. May basbas o suporta ng mga kaibigan o pamilya

Kung pareho kayong tanggap ng mga kaibigan at pamilya nyo, magandang senyales yan. Kung magkaroon kayo ng problema sa relasyon nyo at kelangan ng intervention ng malapit sa inyo, may tutulong o rerescue lalo na kung matindi ang away nyo. Tandaan lang na hindi dapat maging sobrang trying hard na makisama sa mga kaibigan o kapamilya nya dahil may tendency na maging pretender o plastik ka lang. Mahalaga pa rin na ipakita ang totoong pagkatao at para makilala ka bilang ikaw.

9. Nagmamahalan

Literal pero dapat lang. Maaaring tumagal kayo bilang kayo pero hindi nyo magugustuhan na matawag na "naglolokohan lang". In reality, meron ding mga magkarealsyon na naggagamitan lang. Siguraduhin na mahal nyo ang isa' isa at ipakita at iparamdam ito araw-araw.

Sa relasyon, natural lang na may awayan. Pero kung mababaw lang naman ito at maaayos pa naman, humanap ng paraan para magkasundo. Huwag pairalin ang sobrang pride at sa lalong madaling panahon kung talagang malalim na ang unawaan ninyo, subukang ayusin agad ang gusot. Magkaroon at patibayin ang commitment dahil dito magsisimula ang lahat. Kung may strong commitment kayo sa isa't isa, siguradong hindi kayo basta basta bibigay sa mga pagsubok na darating sa relasyon nyo.

10. Respeto sa isa't isa

Ang love minsan nawawala at bumabalik, lalo na kapag nag karoon ng isang matinding away o hindi pag kakaunawaan. sa isang relasyon dapat hindi na wawala ang respeto. sa panahon ngayon matuto tayo respetuhin ang partner natin. if may hindi pag kakaunawaan wag ichika sa ibang tao na alam mong tsismosa at lalo na wag mong gawin facebook status ang away niyo. irespeto ang partner dahil hindi lang naman siya ang na babastos at masisira if ipapa landakan niyo ang problema niyo. kaya ito ang pinaka importante sa relasyon. dahil once nawala ang respeto. Mahirap na itong maibalik pa sa dati.

Ganito ba ang inyong relasyon?




Sent from my iPhone using Tapatalk
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



Pinoytambay

Re: ❤️Relationship Goals[emoji177]
« Reply #2 on: September 06, 2017, 11:07:55 PM »

Offline ladyvirus01

Reply #3 on: September 09, 2017, 05:52:15 PM
Relationship goals #3
















































Sent from my iPhone using Tapatalk
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



Offline ladyvirus01

Reply #4 on: May 18, 2018, 11:13:46 PM



Sent from my iPhone using Tapatalk
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



Pinoytambay

Re: ❤️Relationship Goals[emoji177]
« Reply #4 on: May 18, 2018, 11:13:46 PM »

Offline dk

Reply #5 on: September 01, 2018, 11:39:55 PM
Ang relationship goals ay hindi tulad ng nakikita natin sa social media. Ang relationship goals ay pagsasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya sa lahat ng pagsubok na pag dadaanan sa hinaharap


Pinoytambay

Re: ❤️Relationship Goals[emoji177]
« Reply #5 on: September 01, 2018, 11:39:55 PM »

 


* PT Social Groups