0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Our educational system is never meant to be entrepreneurial. Ask 95% of 4th year high school students e puro mag trabaho ang tutok, mapa medical health field, engineering, or education. Totoo na walang yumayaman sa pagtatrabaho. Saan pumapasok ang entrepreneurs? Pag na realize mo na di ka yayaman sa trabaho mo at di ito matutustusan ang mga pangarap mo na nag iisip ka na kung paano ito matutupad outside of work.
wow, "entrepreneur"... ang sarap sabihin. Mas maganda kesa maging "empleyado", mas "ma-pera" kumpara sa maging alila ng mga malalaking kumpanya. Pero sagutin mo kaya ang tanong na ito.Saan mangagaling ang kapital?Pautang? Pamana? Bumbay? Loterya? Bingo? Slot Machine? Pagnanakaw? Casino? Sakla? Jueteng? Gobyerno? Madaling banggitin na "magsimula ka kasi ng negosyo" par magkaroon ka ng progreso kesa sisihin mo ang pamahalaan sa kawalan ng trabaho. Pero matutustusan mo ba ang capital na kailangan mo para mag negosyo?Sige, sabihin na nating may pautang na 5000php mula sa bumbay. Babayaran mo ng 200php per day. Magsisimula ka ng negosyo. "Pagkain" ang pinakamadaling ibenta. Sa 5000php mong puhunan, magkano ang kailangan mong kitain para mapaikot mo ang pera at may maibenta ka pa bukas? Pero teka, sa kabilang kanto ng bahay mo, meron din palang nagtitinda ng pagkain, 3 taon na silang nagluluto ng pagkain at madami na silang parokyano? sino na ang bibili sayo? sa kabilang kanto, meron ding nagbebebenta ng pagkain, 6 na buwan na siyang nagluluto. Sino pa ang bibili sa iyo? Fast forward natin, Kumita ka ng 500php sa unang araw mo, 200php para sa pambayad ng bumbay, "arawan" kasi silang maningil. 300php ang natira sayo. Paano mo ulit ito paiikutin para may matinda ka bukas?Meron ding pautang ang gobyerno, sa barangay class, sa SSS, sa GSIS, sa pag-ibig at kung saan saan pang ahensya. Pero gaanong hirap kumuha ng loan? Alam mo ba kung gaano karaming papeles ang dadaanan mo para makahiram ng 5000? At hindi ba titignan ng mga ahensya na ito kung paano mo mababayaran ang loan mo? Walang trabaho, walang puhunan, walang ma-uutungan kaya tatanga na lang dahil mas "maganda ang magbusiness"?Nakikita mo ba ang punto? Negosyo? OO madaling sabihin sa tao na magnegosyo. Pero hindi mo ito pwedeng "basta-basta" pasukin kung hindi mo alam kung paano. Ikumapra mo sa trabaho na dapat binibigay ng gobyerno. SSS, GSIS, Pag-ibig, HMO cards, Philhealth, VL, SL, Paid Leaves. Lahat yan benepisyo mo pag nagtratrabaho ka na. Kung mag nenegosyo ka at wala kang puhunan, tingin mo ba ay kaya mong bayaran ang mga benepisyo na ito para kapag may nangyari sa iyo at magkasakit ka ay meron ka paring pangtustos sa pangangailangan mo?Ang negosyo ay magtatagumpay lang kung alam mo kung ano ang "produkto" mo at kung kanino mo ito maibebenta. Kung ang produkto mo ay "skills" mo, ang pinakamatalinong investment ay "magtrabaho" ka sa kumpanya na kailangan ang skills mo. Kapag umasenso ka sa "trabahong" napili mo, at nakaipon ka, saka ka "magnegosyo".So please spare me the idea that "Filipinos" only know how to work for other people, rather than "create" a job for themselves. And spare me the mentality that we should make the opportunities ourselves because the government cannot provide for us. It's the government's duty to provide "JOBS" to the new graduates so that they can learn, and in time "create" an opportunity for themselves; and by that I mean "become entrepreneurs" when they have the ability to make one.
So please spare me the idea that "Filipinos" only know how to work for other people, rather than "create" a job for themselves. And spare me the mentality that we should make the opportunities ourselves because the government cannot provide for us. It's the government's duty to provide "JOBS" to the new graduates so that they can learn, and in time "create" an opportunity for themselves; and by that I mean "become entrepreneurs" when they have the ability to make one.
this is the usual question, starting "capital". hindi naman lahat ng negosyante eh may pangkapital na milyones sa negosyo nila.. Karamihan eh humihiram sila o di kaya naman joint venture, sayo yung idea saka management, sa kabila naman yung financial.Pero just in case na gusto mo sau lang.Bibigyan kita ng example (napanood ko to sa Channel 7) na ang isang estudyante ay nag eloading business (yung kapital nya dito eh galing lang sa allowance nya) tapos yung kinita nya dito eh tinabi nya hanggang sa dumating na nakaipon sya tapos nag invest sya sa food cart, nag save ulit sya tapos naka invest na naman sya sa water refilling station.. di pa sya graduate, may million na sya from the two businesses.Mahirap ba ang ginawa nya? Di mo ba kaya yun?Namuhunan ba sya ng milyon? Hindi..Ikaw kung empleyado ka, magsave ka tapos subukan mong magnegosyo ng maliit papunta sa malaki..Alam mo ba kung magkano ang puhunan ni Injap Sia sa Mang Inasal? At kung paano sya naging bilyonaryo in just 8 years?Right attitude lang ang kailangan and determination to succeed..NAkakalungkot na karamihan sa atin eh wala nito...
Kung yan nga ang policy ipapatupad, marami din pupunta mga nurse dyan kahit isapalaran pa nila ang buhay nila. Nasa no choice state dahil nurse na sila and yet wala sila makuha trabaho dito sa pinas. Mas mapapahamak sila nyan pag may ganyan policy hehe. Kargo pa ng gobyerno kung ano manyayari sa kanila hehdSent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
How can it solve? Simple, if you lower the restrictions and actively negotiate with other countries to ease their restrictions as well, our nurses will be able to easily move to other countries and practice their talents there. Of course, to prevent unchecked brain drain, there should also be some failsafe mechanism in place...
Marami namang health centers at hospital sa Pilipinas na nangangailangan ng nurses eh yung ibang health centers nga midwife or bhw lang ang personnel kasi hindi makahanap ng nurse at doctor. The point is namimili ang nurse ng trabaho they wont take the government's offer.lowered na ang restriction natin sa mga foreign nationals minimal na lang ang restriction given by the police power vested in the constitution.@TopicTanong lang sa nagsasabing dapat eh negosyo tayo nagfofocus at hindi sa employment, saan mo kukunin ang capital na magfafacilitate ng iyong pagsisimula? Ilan na ba ang naging successful business/entrepreneur sa Pilipinas? Assuming na magnenegosyo ka ilang taon ba para makamit mo ang desired earnings mo with a MINIMAL capital lets say 20,000 ang capital mo kasi yun lang ang meron ka tutubo ba yan to 60k-100k a month agad-agad? kung hindi pano mo tutustusan ang panggastos mo given na may pamilya ka? ano ba ang kasiguraduan mo na mag susuccess ang business mo at hindi ito lulubog at mababaon ka sa utang?
isa lang masasabi ko, kahit sino pa umupong presidente kung naka-ikot naman sa kanya puro mga trapo!!!!!