0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
yun ang kulang sir fayt yung budget hehe., pero sa tingin ko above average naman yun anak ko., tanong lang sir fayt papaano mo nasabi na maayos ang sistema ng education sa mga private schools? private schools ka po ba dati nag aaral>
It's a common mistake na pag sinabi mong public school eh pangit ang turo at pag sinabi mong private school eh maganda ang turo..Minsan totoo ito ito pero minsan ay hindi. Tingnan mo, kadalasan ang mga nagtuturo sa mga private school eh mga di naman board passer, minsan di rin related ang itinuturo nila sa pinagtapusan nila, para bang hinugot lang yung guro para magturo. Karamihan nito eh sa mga montessori na ang mamahal pa ng tuition..Baliktarin naman natin, sa mga public schools naman eh karaniwang issue eh yung overcrowded at kulang sa dedication ang mga teacher, yun bang tipong masabi lang na nagturo sila, walang pakialam may matutunan o wala ang estudyante..Pero di yan ang laging sistema sa public school, may tinatawag tayong higher section at ang pinakamataas, SPED. Halimbawa, sa buong grade I kung saan ang section eh SPED & 1- 20, masasabi mong quality education dito ang section 1- 5 kung saan tinatalo pa nito ang mga mg aaral na galing private. Kung kaya talaga ng anak mo yung SPED, dun sya kasi ito yung mga ipinanglalaban ng school sa inter school, quiz bee, etc. Mataas ang quality at focus dito ang mga teacher.. Hindi mo kailangang mag private school para maging magaling ang anak mo.. Ipasok mo sya sa public at yung matitipid mong tuition fee eh ipa tutor mo sya o di kaya i enroll mo sa KUMON, sa ganitong paraan, aangat sya sa klase nila ng di ka nag aaksaya ng maraming pera at iwas pa sa maraming alalahanin...-diskarte ang kailangan para umangat sa karamihan-
salamat sa reply tol Dimmu Borgir....Agree ako sa sinabi mong may mga teacher sa private schools na hindi board passer., gaya na sabi ko na mababasa mo sa page 1, private school teacher ang kapatid ko pero ang kurso nya ay comsci...pero yung sinabi mo na yung nasa higher section like sec. 1 - 5 eh quality education ang sabi mo.., ah tol yung anak ko kasi section 4 sya pero panay lang ang pa-sleep ng teacher sa mga estudyante imbis na magturo ng lesson and 1 time pa nga nun pumunta ako sa school ng anak ko para ihatid yung baon dahil naiwanan sa bahay eto ang inabutan ko yung mga student nakayuko sa desk pinag-sleep daw sila tapos nakita ko si teacher hawak ang cellphone nyay anu ba yan naloko na., but im not sayin na ganito ang lahat depende siguro sa teacher..... at bukod dyan nagtitinda pa ng mga yema,pastillas,polvoron yan ba ang quality education?
kung ganun yung kaso na pinatutulog lang ang mga estudyante, during recess ba yun? o during subject hour? kasi kung sa oras ng subject yun, pwede nyo ilapit sa principal, meron ng ganyan kaso, inilapit sa principal. syempre ng una ay itinatanggi ng teacher pero kung buong klase ang nagsabi ng ganun, may laban kayo, posibleng mawarningan yung teacher or to the extent na baka matanggal pa sya. di ako sure sa tamang sistema, pero yung nabanggit ko na nangyari sa amin ay nawarningan yung teacher, after that di ko na alam.
well based on experience ehh mas maganda sa PUBLIC.... madami kang makikilala at magiging kaibigan...masyado kasing konti pag sa private schools tska madaming bawal sa private di tulad sa public na malaya ka kahit ano gawin mo...
Depende din siguro sa school utol .. private kasi ako yun lang bulakbol dahil mas masaya kasama ka tropa nung elementary ako dahil public ako nun .. regarding sa teaching sa private kasi advance sila and malaking credential kapag tapos ka sa private dahil kahit na average lang grades mo .. some companies sa school names tinitignan .. sa public kasi grades ang tinitignan ng ibang company ..Sent from ... my nose bleed ..