My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • ahlks26: Libog
    April 16, 2026, 07:08:04 PM
  • malakingfuckyou: Fss
    April 17, 2026, 09:40:21 AM
  • pinoytambayako: Eyyy
    April 19, 2026, 04:44:14 PM
  • arch29ify: elnunal
    April 19, 2026, 10:40:35 PM
  • malakingfuckyou: Pse
    April 20, 2026, 10:27:24 AM
  • rhon68: Jasmine
    April 21, 2026, 08:20:52 AM
  • rhon68: Eighteen
    April 21, 2026, 09:50:15 AM
  • luciouschemz: Aileens gatden
    April 22, 2026, 10:05:43 AM
  • luciouschemz: Aileen
    April 22, 2026, 10:06:23 AM
  • luciouschemz: Aileen shower
    April 22, 2026, 10:18:25 AM
  • malakingfuckyou: Nakaka miss magbasa ng ntr stories
    April 22, 2026, 08:30:29 PM
  • Maryjean: ang usapan 33
    April 25, 2026, 05:41:07 AM
  • malakingfuckyou: Hi jean. Pm
    April 25, 2026, 08:33:02 PM
  • -kobe-: konte lang pipol now ah
    April 26, 2026, 07:14:34 PM
  • malakingfuckyou: Ps erotica kakanmiss
    April 27, 2026, 02:27:35 PM
  • ashketlon: Mapagmahal
    April 28, 2026, 11:50:00 AM
  • -kobe-: nakita ko si boy bakal hehe nakaka-abang !
    April 29, 2026, 02:34:35 PM
  • -kobe-: work muna ako may submitl lang ako BRB
    April 30, 2026, 11:21:33 AM
  • hotjeffzky117: tagalog
    May 01, 2026, 08:56:15 AM
  • oxygen: heaven
    May 04, 2026, 04:13:20 PM

Parenting 101

monde8 · 41 · 16722

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
on: January 09, 2014, 04:37:43 AM
Mga ka PT who are already parents, lets use this thread to share anything and everything about being a parent.

From how being a parent improved or made your life happier to best practices and even dilemmas, dito natin lahat pagusapan yan.

Just thought of starting this thread dahil for the second time ay magiging tatay na ulit ako.  My panganay na lalake is already three years old and we just found out the other day na tesbun na ulit si misis.

Simulan ko na ang pag share sa thread:

So I have a three year old son and he's truly a stress reliever. Nakakatanggal pagod na pagdating mo palang ng bahay after a long and tiring day at work ay sasalubungin ka ng anak mo tapos madami siyang kwento or yayain ka niya na maglaro kayo. Kaya naman kahit anong pagod ko, I find time to play with my son. Iba parin talaga ang father and son bonding. There are times na sobrang pagod talaga and instead of spending time with my son ay nakakatulog ako ng mahaba. When that happens, I simply make sure to make it up to him sa mga susunod na araw.

Hanggan diyan nalang muna at baka maging mala nobela na ang first post sa thread.

Share din kayo mga ka PT na mga parents na. Hope to hear from all of you para may matutunan tayo sa isa't isa and even yung mga ka PT natin na hindi pa parents ay may matutunan din satin and learn how to be a good parent when they become one.

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


My Board

Parenting 101
« on: January 09, 2014, 04:37:43 AM »

Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #1 on: March 29, 2014, 03:39:17 AM
Mga ka PT na may mga junakis na, share share din po kayo dito pag may time.

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


Offline cherdZ

  • Abangerz
  • Full Member
  • *
  • iHeartZephie
    • Aquarius
Reply #2 on: March 29, 2014, 04:20:25 AM
Oi may ganitong thread pala.. ^_^ thanks sa pag up!

I'm a mom of one. Since dumating sya sa buhay ko, dun lang ako nakaramdam ng pure contentment. Ngayon ko lang din na gets yung sinasabi nila madalas, na nakakawala ng stress at pagod ang anak. So far feeling ko, sya palang ang nagawa kong tama sa buong buhay ko. Hehe.. pasaway kasi ko.

Before hindi mo ko mapapatenga sa bahay. Ngayon, kung hindi kasama si baby, ayoko lumabas. Mas gusto ko panoorin sya maglaro, sumayaw, mag try hard mag salita etc. Kahit pag tulog sya, cant get enough of her sleeping face.

I do breastfeed her. Sabi ko nga, para saan pa ang 'malaking biyaya' kung hindi rin lang magagamit ng anak ko. At hindi ako nag sisi ^_^ she's healthier than expected, knowing na ilang beses sya muntik malalag noon. 11mos palang sya, naglalakad na sya. Amazing din  ung emotional developement nya. Hindi ko rin hinayaang maging hadlang ang trabaho ko sa pagpapabreastfeed. Naka attach lang ung electric pump sakin habang nagtatrabaho. Salamat sa technology at may naiuuwi akong gatas kay baby.

I just can't imagine kung pano nakapagproduce ang katawan ko ng isang wonderful little person. Parang kelan lang nung paikot ikot lang sya sa loob ng tummy ko. Worth all the trouble ng pagdadalang tao. Worth all the kamot - goodbye sa makinis na puson. Worth all the weight added.

If given a chance na ibalik ang nakaraan, i'd still proudly do the same! Knowing na ang kapalit ay kung anong meron ako ngayon? Why not chocnut!

lol i can go on with tons of things to say, hindi tayo matatapos. Kaya dito nlng muna. :P



PS: Para sa mga working mom dyan na gusto ituloy ang pagbebreastfeed while working, just let me know if you want to know kung paano ko sya nagagawa. I'd gladly tell you how.

sent from Cherdie's phone.. ü



My Board

Re: Parenting 101
« Reply #2 on: March 29, 2014, 04:20:25 AM »

Offline fayt

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *
  • Simple guy with below sea level average looks
    • POTW
    • PTFM
    • Capricorn
Reply #3 on: April 01, 2014, 12:50:34 PM
im father to my princess....

nun dumating eto sa buhay ko lahat ay nag iba.. total 180 degrees ang shifting at out of phase pa. Siguro ganito talaga pag first time parent. Halos lahat ng vices mo need mo na minimize or totally kalimutan na. We had to set a goals para mapaganda ang buhay namin at yun ang kailangan imaintain dahil sa eto na talaga ang real life. Wala na yun easy go lucky type of life na meron ako nun nag iisa pa lang ako. Dati kasi mapakain mo lang sarili mo eh buhay kana. Dati mapasaya mo lang sarili mo eh satisfied kana. But now, marami na kami at isang unit na kami na kailangan mag strive to live. At sa ngayon masaya naman kami sa takbo ng aming life together with my wife. Siguro meron parin sa paligid na tukso or temptation pero sinusubukan ko naman hindi masagasaan ang mga ganitong aspeto ng buhay..

Pagdating sa bata, sayang at hindi sya nagkapagundergo ng breastfeeding (which is most recommended sa bata). Kaya ang pinapainom namin sa bata ay yun pinakabest milk formula na mabibili sa market. Nandyan yun mga puyat at pagod sa pag aalaga ng bata pero ayos lang dahil alam mong lumalaki ng maayos ang bata. Sa ngayon 9 months na si baby, at puro likot na ang ginagawa. Nakakatuwa sa tuwing uuwi ka eh gumagapang papunta sayo ang bata. Nakakawala ng pagod sa byahe at stress sa work.

Madaling isipin kung ilan magiging anak mo pag kayo nag asawa. Madaling sabihin na 3,4 o 5 anak para sa ating pamilya. Pero kung iisipin mo yun buhay na maibibigay mo para sa bata.. Dyan na papasok na 1 o 2 lang sapat na. Balak ko syempre pag aralin ang anak ko sa private school dahil iba pa rin ang naiooffer na quality ng education neto compare sa public school (sensya na sa nag aral sa public school)

tanong ko lang,

anong gamit nyong milk formula sa bata?

ako kasi gamit ko ngayon Gain Advanced (6-12 months). Dito hiyang ang aking anak ehh. Una wyeth product ako pero nun pagdating sa Promil Gold nag iba ng timpla sa kanyang tyan kaya nag switch kami sa Gain. So far maayos na ang pangangatawan ng bata at mabigat pa sya.

Pagdating sa gamot, vitamins c and multivitamins ang pinapainom ko araw araw sa kanya...
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan


Offline cherdZ

  • Abangerz
  • Full Member
  • *
  • iHeartZephie
    • Aquarius
Reply #4 on: April 01, 2014, 03:48:21 PM
Totoo yan brader. Goodbye bisyo talaga.
At kung dati go lang ng go, ngayon thinking twice or more na. Kasi bawat desisyon na gagawin natin, kahit gaaon kaliit ito, may epekto sa mga chikiting natin. ^_^

About sa milk, kung ok naman ang katawan and health nya sa gain advance, wag nyo na muna palitan. Anyways, by 12th month onwards mas magiging mas makakarami na sya ng solid food intake eh.
Si baby, nung 9 mos pa sya,may naka buffer na promil gold sa kanya, incase na hindi agad ako makarating from work. So hindi sya pure breastfeed.

Sa vit, nung 9 mos sya she got iron, multivitamines and vit c.


sent from Cherdie's phone.. ü



My Board

Re: Parenting 101
« Reply #4 on: April 01, 2014, 03:48:21 PM »

Offline fayt

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *
  • Simple guy with below sea level average looks
    • POTW
    • PTFM
    • Capricorn
Reply #5 on: April 01, 2014, 04:01:37 PM
sa ngayon kahit 9 mos pa lang ang bata pinapakain na ng mga soft foods (crushed apple, carrots etc) . infamous din ang lugaw at marie....

sa ngayon mahina pa ang anak ko sa gatas as 4 oz lang sya...

ano vitamins ang pinapainom nyo sa bata? matanong lang...
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #6 on: April 01, 2014, 11:43:23 PM
Nice fayt parent ka na din pala.

Tama lahat ng mga sinabi mo bro. Iba na talaga kapag may anak ka. From being single to married may mga adjustments na pero mas lalo kapag may supling na.

Nung kakapanganak palang ng son ko, S26 ang gamit na gatas sa Medical City kaya yun ang gatas niya to start with. Ang kaso ay nagkaron ng gerd ang anak ko kaya madalas niya isuka dinedede niya. So ang nirecommend ng pedia ay magpalit kami ng gatas to NAN HW. Medyo mas pricey ang NAN HW pero nasolusyunan nun ang gerd ng anak ko kaya okay lang. Aside sa gerd or acid reflux, okay din ang NAN HW sa mga bata na nagkaka allergy sa paginom ng gatas.

Nung more than a year na siya ay pinapalitan na ulit ng pedia ang gatas niya to Nestogen para daw maka menos ng very light. After 2 months of trying Nestogen ay nawalan ng gana si baby na dumede so pinapalitan ulit ng pedia to Lactum. So far until now Lactum padin pero hindi na masyado madalas dumede anak ko kasi malakas na din kumain ng real food.

Vitamins niya naman eversince ay Ceelin. Ngayon enjoy siya sa Ceelin chewables kasi parang candy daw.

To keep the conversation going, anong diaper ang gamit niyo?

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


Offline cherdZ

  • Abangerz
  • Full Member
  • *
  • iHeartZephie
    • Aquarius
Reply #7 on: April 02, 2014, 01:45:48 AM
Forever EQ dry si baby.

Pero gusto ko isali si baby sa commercial ng huggies. Gayang gaya nya ung kendeng ng babu dun eh. lol wala nga lang ako contact sa mga commercial agency

sent from Cherdie's phone.. ü



Offline marz

Reply #8 on: April 02, 2014, 03:29:00 AM
hindi na pala ako bagay sa conversation dito. my princess is already a teen. And i would agree that being a parent will change your life as a whole.

Sa gatas po, i would advice to follow what the pedia will advice. Kasi depende po yun sa hiyang ng bata. Yung magaling kasing nanny ng princess ko eh ayaw mg pa breast feed. I think she started with NAN also.

And sa diaper, lampin ako nag start, i remember my mom told me na pangit daw ang diaper kasi baka mag ka rashes agad si baby so more than two months ako walang ginawa kundi magtyaga maglaba ng lampin ni baby, ewww. hahaha.

But after all those years of struggle being a single, young and stupid father. Id say she is still my pride and joy. Good luck to all of you guys and gals. Marami pa kayo pag dadaanan. peace!


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #9 on: April 02, 2014, 04:55:29 AM
EQ na din gamit namin [user]cherdz[/user]. Nung una Huggies. Mas mahal pero sulit naman kasi hindi talaga tumatagas ang wiwi. Yung Pampers sikat na sikat but the quality doesn't live up to its name, hype. Nung lumaki na junakis ko at kadalasan bago matulog nagwiwiwi naman na, okay na siya sa EQ.

[user]marz[/user] belong ka padin dito. We could surely learn from your wisdom of having a teen already.


Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


Offline fayt

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *
  • Simple guy with below sea level average looks
    • POTW
    • PTFM
    • Capricorn
Reply #10 on: April 02, 2014, 03:43:19 PM
Nice fayt parent ka na din pala.

Tama lahat ng mga sinabi mo bro. Iba na talaga kapag may anak ka. From being single to married may mga adjustments na pero mas lalo kapag may supling na.

Nung kakapanganak palang ng son ko, S26 ang gamit na gatas sa Medical City kaya yun ang gatas niya to start with. Ang kaso ay nagkaron ng gerd ang anak ko kaya madalas niya isuka dinedede niya. So ang nirecommend ng pedia ay magpalit kami ng gatas to NAN HW. Medyo mas pricey ang NAN HW pero nasolusyunan nun ang gerd ng anak ko kaya okay lang. Aside sa gerd or acid reflux, okay din ang NAN HW sa mga bata na nagkaka allergy sa paginom ng gatas.

Nung more than a year na siya ay pinapalitan na ulit ng pedia ang gatas niya to Nestogen para daw maka menos ng very light. After 2 months of trying Nestogen ay nawalan ng gana si baby na dumede so pinapalitan ulit ng pedia to Lactum. So far until now Lactum padin pero hindi na masyado madalas dumede anak ko kasi malakas na din kumain ng real food.

Vitamins niya naman eversince ay Ceelin. Ngayon enjoy siya sa Ceelin chewables kasi parang candy daw.

To keep the conversation going, anong diaper ang gamit niyo?

yeah same with me... ceelin drop ang vitamins ni baby ngayon at isang multivitamins din. Sa gatas, nun una S26 ako for new born at naranasan na rin ng baby ko yan yun sunusuka yun dinidede nya. Pero sabi daw normal daw yun kaya patuloy pa rin sa S26 ang baby ko nun hanggan sa nakasanayan na..

For diaper nun newborn ang baby ko until 6 mos. EQ ang gamit ko dahil EQ lang naman (sa palagay ko) ang may size na pang newborn.. Ayaw ko kasi mag lampin ehh at ginagawa na lang namin pamunas ng bata yun lampin. Yun mga 6 mos - 8 mos nun EQ pa rin sya, nakakaranas na sya ng rushes. Saka yun EQ (medium) feel namin mejo nagmura ang meteryales nya kaya minsan napupunuan ng ihi yun bata at puro rushes. Nagshift kami sa Drypers, at so far nagagandahan kami sa diaper na to. Kahit mejo naparami ang ihi ni baby, dry na dry pa rin ang diaper. Kaunting kamahalan nga lang to compare sa EQ pero sulit pa rin pagdating sa everyday used ng diaper..

Sir mars, naks teen na pala.. High school naba anak mo sir?
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan


Offline cherdZ

  • Abangerz
  • Full Member
  • *
  • iHeartZephie
    • Aquarius
Reply #11 on: April 02, 2014, 03:53:32 PM
Wow may student na si mars.
I wonder how it feels sending my bebe to school.


sent from Cherdie's phone.. ü



Offline fayt

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *
  • Simple guy with below sea level average looks
    • POTW
    • PTFM
    • Capricorn
Reply #12 on: April 02, 2014, 03:57:22 PM
hahaha... naku marami pa nga tayong taon pagdadaanan para maging student na mga anak natin...

sa ngayon Gatas muna ang pagkakagastusan hahaha
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan


Offline marz

Reply #13 on: April 02, 2014, 10:27:54 PM
ano b kayo nung mga teen kayo? Hindi ba sabi ng mga matatanda sa atin "kung ano ka nung bata ganun din ang magiging anak mo"  hehehe.

Anyway, kidding aside, you have to closely monitor the child as soon as he reaches teen age. Napaka advance na kasi ng generation nila. And kung malaki bulas ng child, lalo na kung girl, alam nyo naman mga barako dyan, ano nga ba yun sir fayt "ninja moves"? hahahaha

Just ask anything u need to know how i raise my princess. And il be more than willing to help. @fayt oo hayskul na. kaka graduate nga lang eh. so iiwas ko muna syo bka ma ninja moves mo. hahaha
« Last Edit: April 02, 2014, 10:31:43 PM by marz »


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #14 on: April 03, 2014, 12:18:46 AM
Wow may student na si mars.
I wonder how it feels sending my bebe to school.


sent from Cherdie's phone.. ü

Aww mararanasan ko na to sa June. Nung una di ko magets kung bakit yung mga ibang friends ko sa fb are making a big fuss sa 1st day of school ng mga chikiting nila. Nandun na may naiiyak at kung anu ano pa. Nalaman ko lang ang feeling nung nag enroll na anak ko sa school and nung ineexam siya ng teacher and I left him in the room na yung teacher lang ang kasama. Nakatago at simpleng nakasilip lang ako sa bintana while it was happening. Hindi kasi namin iniiwas ni misis ang anak namin kaya it felt different for me na during the exam ay hindi ko kasama anak ko and is in the care of someone else. Tipong parang ako pa ang kinakabahan para sa anak ko dahil sa situation niya na tinatanong tanong siya ng teacher and yun nga hindi naman siya sanay na ibang tao ang kasama niya. Pero proud din ako siyempre dahil kinaya niya. He was a very good boy during the exam and karamihan nasagot niya, minsan pag di niya alam sagot sa tanong eh nagpapatawa pa nga kaya aliw na aliw din yung teacher.


Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


My Board

Re: Parenting 101
« Reply #14 on: April 03, 2014, 12:18:46 AM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal