My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • ahlks26: Libog
    April 16, 2026, 07:08:04 PM
  • malakingfuckyou: Fss
    April 17, 2026, 09:40:21 AM
  • pinoytambayako: Eyyy
    April 19, 2026, 04:44:14 PM
  • arch29ify: elnunal
    April 19, 2026, 10:40:35 PM
  • malakingfuckyou: Pse
    April 20, 2026, 10:27:24 AM
  • rhon68: Jasmine
    April 21, 2026, 08:20:52 AM
  • rhon68: Eighteen
    April 21, 2026, 09:50:15 AM
  • luciouschemz: Aileens gatden
    April 22, 2026, 10:05:43 AM
  • luciouschemz: Aileen
    April 22, 2026, 10:06:23 AM
  • luciouschemz: Aileen shower
    April 22, 2026, 10:18:25 AM
  • malakingfuckyou: Nakaka miss magbasa ng ntr stories
    April 22, 2026, 08:30:29 PM
  • Maryjean: ang usapan 33
    April 25, 2026, 05:41:07 AM
  • malakingfuckyou: Hi jean. Pm
    April 25, 2026, 08:33:02 PM
  • -kobe-: konte lang pipol now ah
    April 26, 2026, 07:14:34 PM
  • malakingfuckyou: Ps erotica kakanmiss
    April 27, 2026, 02:27:35 PM
  • ashketlon: Mapagmahal
    April 28, 2026, 11:50:00 AM
  • -kobe-: nakita ko si boy bakal hehe nakaka-abang !
    April 29, 2026, 02:34:35 PM
  • -kobe-: work muna ako may submitl lang ako BRB
    April 30, 2026, 11:21:33 AM
  • hotjeffzky117: tagalog
    May 01, 2026, 08:56:15 AM
  • oxygen: heaven
    May 04, 2026, 04:13:20 PM

"An Open Letter to Vic Sotto" by Lourd de Veyra, Tama ba or sobra na?

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
The open letter of Lourd de Veyra addressed Vic Sotto, open-up his sentiments

after watching the Metro Manila Film Festival entry "My Little Bossings."

He pointed out the heavy ad placements of products endorsed

not only by Vic and Kris Aquino. He also added that Vic wasted

the trust given to him by the public as one of the showbiz’ most powerful personalities.



Source: http://lionheartv.net/2014/01/an-open-letter-to-vic-sotto-by-lourd-de.html

Watashi wa anata o korosu Watashi wa anata o korosu  Watashi wa anata o korosu

Quote
     Dear Bossing Vic Sotto,

    Una sa lahat, happy new year.

    Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat—kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas. Naka-uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready… Aim… Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung ’80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma’am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc.

    Joke lang. Sinusubukan ko lang i-justify. Pero sa totoo lang, ika nga, silliness is its own joyful justification. Gusto ko lang ipakita lang na hindi ako high-brow snob na nanggagaling sa kawalan (Alam mo yung mga tipong manonood ng Bresson o Godard para aliwin ang sarili?).

    Sabihin na lang natin na kayong tatlo ang Gomburza ng komedya para sa aming henerasyon. Kung ano man ako ngayon bilang tao at manlilikha, siguradong may bahid ng inyong impluwensiya. Nakatatak sa kamalayan namin ang mga eksena, ang mga “acheche!”

    Sumusulat ako dahil film fest na naman.

    As usual, ikaw na naman ang topgrosser. May special effects at mga engka-engkanto man o wala. Ang tindi lang talaga ng pulso mo sa bata, kaya naman ikaw ang consistent topgrosser. Bagong record daw: P50.4 million?

    Pero kapapanood ko lang nung My Little Bossings. May problema ako eh. Malaki.

    Saan ba tayo magsisimula?

    Sabihin na lang natin na hindi ako ang audience ng My Little Bossings. At tama nga—paglabas ko ng sinehan, puro mga chikiting ang nakapila. Obvious naman kung anong demographic ang puntirya nito. Alam ko ang unang depensa niyo ng mga producers: hindi ako ang audience niyo. “Eh di huwag ka na lang manood.”

    Pero huwag naman ganun, Bossing.

    Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin.

    Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY (“Puwede na ’yan.”)

    Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro.

    Hindi kami nagbayad ng P220 para lunukin ang storyline na may babaeng willing magbayad ng P20 million para patirahin anak sa bahay ng accountant niyang hindi naman niya ka-close. Mahirap lunukin ang kuwento na may babaeng milyonara at edukada na magpapadala sa banta ng salbaheng kapatid na isisiwalat raw sa media na siya (Kris) ang mastermind ng pyramiding scam (Nalito ka ba? Ako rin eh).

    Mabuti na lang at nandun ka, bossing. Nandun din si Ryzza. At higit sa lahat, nandun si Aiza na ako’y hindi natatakot na ideklara bilang isa sa mga pinakamahuhusay na artista ngayon.

    Kulang sa exposure yung batang babaeng mataba. Ang ganung level ng pagka-cute, dapat nasa kanya ang 90% ng camera. Yung batang lalaki naman… Ano ba… sana magaling magbasketbol paglaki niya (Saka kung gusto niyang mag-artista sa Pilipinas, mag-aral siya ng Tagalog).

    Pero bossing, maiba tayo: hanggang ganito na lang ba?

    Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing “Pinaghirapan namin ito,” dahil maglolokohan lang tayo.

    ’Wag niyo ring sabihing, “Ano bang problema mo? Eh masaya naman sila.” Please naman.

    Take note: hindi nanood ang mga tao ng My Little Bossings dahil tingin nila’y maganda ang plot at storyline—wala naman ito sa mga trailer eh, hindi pinakita. Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo ay PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula.

    Sa totoo lang, ang huling pelikula mong pinanood ko sa sinehan mismo habang film fest ay Iskul Bukol: The Reunion. Bilang miyembro ng henerasyon na lumaki sa Iskul Bukol, sabihin na lang natin na ako’y disappointed—dahil kalahati ng pelikula ay nauwi pa rin sa mala-Enteng Kabisote na habulan, barilan, at pakikipagdigma sa mga pantastikong nilalang (Ang saving grace lamang ng pelikula ay ang linya ni Joey de Leon na “I want to be an eskimo/ Es, es, / Ki-…”).

    Bossing, heto lang talaga ang gusto kong sabihin. Ngayon ikaw ay nasa maimpluwensiyal at makapangyarihang posisyon. Kaya mong gumawa ng mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng indie film na may mga tauhan na nakakatitig lang ng isang oras sa kawalan. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang tatlong tao lang ang nakakaintindi, yung tipong masusuka ka sa lalim. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang pang-Cannes. Pero wala namang masama dun, ’di ba? Buti pa nga si ER Ejercito eh, nagte-take ng risks sa mga pino-produce na proyekto (Ampangit lang ng mga poster; siya raw kasi mismo ang nagde-design porke’t VisCom grad daw ng UP Fine Arts).

    Hindi ka na rin bumabata. Panahon nang gumawa ka ng pelikulang puwede mong ipagmalaki sa lahat—mula sa iyong mga magiging apo hanggang sa mga “supladong” kritiko. Minsan kasi may punto rin sila.

    At least si Dolphy, merong Tatay Kong Nanay. Ang problema, bossing, mukhang wala sa filmography mo—mula sa Good Morning, Titser hanggang sa Enteng ng Ina Mo— ang puwedeng mapabilang sa tinatawag na “canon” ng Pinoy cinema. Kahit isa lang? And don’t even think about remaking Tatay Kong Nanay—that would be sacrilege. Please.

    Tingin ko’y posible naman ito. Nasa posisyon ka na kumuha ng mahuhusay na manunulat at director na kayang magbalanse ng komersiyal na elemento at ng tinatawag na diskurso sa kondisyong mortal. Kunwari, sa bawat tatlo o apat na fantasy- o romance-comedy, ano ba naman ang lumikha ng isang komedya na tatalakay sa isang isyu ng lipunan, isang pelikulang kikiliti rin sa kanilang mga puso? Kikiliti na parang hindi “cheap” at parang hindi masyadong pinag-isipan.

    You’ve always understood your strength as an actor: for the past several decades, mapa-Enteng man o partner ni Dolphy, you’ve always played the same character. At alam mong click ito—at mukhang ito ang nagugustuhan sa iyo ng Filipino audience, dahil honest ka lagi sa iyong karakter. Pero what if: kunin mo ang prototypical Vic Sotto role at ilagay sa isang sitwasyon na sumasalamin sa kondisyon ng mas nakakarami nating kababayan? Imbes na mga multo at lamanglupa ang humahabol sa iyo, bakit hindi mga abusadong pulis, mga mapang-aping panginoong may-lupa? O kaya’y mga pork barrel scammers. Puwede namang magpatawa pa rin habang nagtataas ng antas ng kalidad ng paggawa ng pelikula. At hindi na nito kailangan ng mga mamahaling special effects. Kayang kaya niyo ’yan—we only have to look at Eat Bulaga’s Lenten specials. May kurot talaga sa damdamin.

    Bossing, kahit wala ka sa politika, ikaw ay kasama sa iilan sa industriya na may pagkakataong baguhin ang kamalayan at panlasa ng mga manonood—kahit pa-konti-konti lang.

    Sana’y pag-isipan mo ang posterity. Tandaan: iba ang paghusga ng sining at kasaysayan. Twenty years from now, wala nang makakaalala ng My Little Bossings, kahit kumita ito ng lampas P50 million. Hindi ito pag-aaralan at hihimayin sa mga unibersidad bilang halimbawa ng isang mahusay na pelikula. Puwede kang makabola sa festival, pero, ika nga ni Andres Bonifacio, hindi mo puwedeng takasan ang hatol ng kasaysayan. Hindi rin naman kumita ang Kisapmata ni Mike de Leon, pero sino ang nakakaalala sa mga kasabay nito sa 1981 Metro Manila Film Fest: Tropang Bulilit ni Nino Mulach (Ito malamang ang My Little Bossings nung panahong yun), Babae sa Ulog (starring Jean Saburit), Init o Lamig (Dindo Fernando, Gina Alajar), Kamlon ni Ramon Revilla?

    Bossing, ayaw mo bang maging Chaplin? Na hindi lang nagpatawa kundi tumalakay din sa human condition at nagkaroon ng komentaryo sa lipunan (The Dictator, Modern Times)?

    Alam kong hindi madaling gumawa ng pelikula. At mas accurate: alam kong hindi madaling magproduce. At ikaw mismo bilang producer na nagpapatakbo ng isang kumpanya, isanlibo’t isa ang mga konsiderasyon. Naiintindihan ko na negosyo pa rin ’yan. At hindi lingid sa akin ang maraming hamon sa bawat proyekto (’Yan minsan ang hindi naiintindihan ng ilang kritiko—porke’t walang slum area at handheld camera at Joel Torre o Ronnie Lazaro sa pelikula, basura sa kanila).

    Tingin ko naman ay puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong pamilya—na hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento. Ang tagal mo nang kumikita, bossing. Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan. Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya.

    Marami kang batang pinasaya at patuloy na napasaya—at isa na ako doon. Tutal Pasko naman, di ba, Bossing? (Christmas season parin hanggang Three Kings.) If Christmas is for children, isip bata pa rin naman ako. Sige na.

    Your fan,
    Lourd de Veyra
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


My Board


Offline Tonying Bayawak

Hindi ko napanood yung film although my cousin with his daughter had at halos the same din reaction ng pinsan ko, dismayado siya sa dami ng ads ng sine na para daw "nagbayad lang para manood ng mga commercials" although yung pamangkin ko nag-enjoy sa punchlines.
I've watched many vic sotto shows and usually they lack content. Parang gasgas na rin kasi sa utak ko na pag filipino comedies laging may away sa climax, either barilan or dipende sa setting ng film.

I would say maganda ang intention ni Lourd, filipino comedies must have a new storyline and better quality on content. Bakit nga naman on other asian films, they lack effects pero maganda pa ring panoorin? It's about the content. Nakakadismaya lang siguro about those many people na nanood ng film at nadismaya lang sa quality ng film. And how much more to think na kumita ka na sa takilya pati pa naman sa sponsors mo. Nakakadismaya naman. Does the film itself give us a lesson na ganito sa Pilipinas? "PNY" ang serbisyo and yet dahil mataas na tao, kikita at kikita pa rin sila ng malaki na parang tubong lugaw sa service nilang ginawa.

Perhaps we need new film makers that would take the risk maybe to challenge the limits of Filipino creativity. Anhirap kasi kapag ang trabaho mo ay ginagawa mo para lamang sa pera.
Walang malalim na kulangot sa mahabang kuko...


Offline Ozymandias

  • I am the one who knocks!
  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Don't bullshit a bullshitter
    • POTW2
    • PTFM
    • Gemini
...It's about the content. Nakakadismaya lang siguro about those many people na nanood ng film at nadismaya lang sa quality ng film. And how much more to think na kumita ka na sa takilya pati pa naman sa sponsors mo. Nakakadismaya naman. Does the film itself give us a lesson na ganito sa Pilipinas? "PNY" ang serbisyo and yet dahil mataas na tao, kikita at kikita pa rin sila ng malaki na parang tubong lugaw sa service nilang ginawa.

Perhaps we need new film makers that would take the risk maybe to challenge the limits of Filipino creativity. Anhirap kasi kapag ang trabaho mo ay ginagawa mo para lamang sa pera.

Tama ka dyan sir pero actually madaming mga magagaling na directors, most notably sa mga indie film directors. Kaso yung mga dominating ngayon sa main stream ay yung mga directors pa rin for the past 2 or 3 decades. Hangga't di pa nagreretire yung mga oldie directors pati na rin yung mga producer na for Christ's sake na walang alam kung hindi mangopya, mang-gaya ng mga existing films. Kung gusto naman nila ng original content puro gasgas at typical cliches sa mga mainstream pinoy films at halatang rushed yung production nila. Take note din may mga magagaling din na mainstream directors kagaya nila Erik Matti. For the actors, ginagawang tradition na ng MMFF na dapat palaging may film yung mga kilalang actors kagaya nila Vic Sotto at Kris Aquino, kahit napaka corny at napaka lame ng films nila. Meron at merong manonood sa kanila.

Another thing is that according sa isang screenwriter na kilala ko nasa mainstream industry, walang pakialam ang mga producer at director sa content dahil kabisado na nila ang panglasa ng "masang Pilipino" in a sense na ayaw nila nag iisip kapag nanonood ng mga films. Pumunta sila for the sole purpose of entertainment ng comedy, drama or action, hindi para sa education, or kung ano pa man na mapapa isip sila. So films na may mind-falled plot or historically relevant sa Pilipinas o mundo ay hindi ma appreciate ng mga average Pinoy audience, lalo na local film pa gumawa. Same goes for the TV mainstream, hindi na naalis ang mga mediocre to poor tv series sa TV dahil yung audience mismo kontento na dun at tinatangkilik malaman lang nila na may sikat na actor dun.

Hindi lang din puro content, nasa execution rin sa part ng mga actors, directors, production designers etc. The content could be simple, pero pag perfect ang execution ng buong film crew, they could make a good movie

Films like OTJ is a good new start for the mainstream films. Hopefully mabigyan ng exposure and break ang mga indie film makers dahil yung content na hinahanap natin ay nandoon. Sadly sa mga robinsons gale (ortigas) nyo lang madalas mapapanood.
“The Universe is under no obligation to make sense to you” - Neil DeGrasse Tyson


My Board

Re: "An Open Letter to Vic Sotto" by Lourd de Veyra, Tama ba or sobra na?
« Reply #2 on: January 07, 2014, 12:29:10 AM »

Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
right now for me its much better to watch indie films

than those mainstream crap out there.. which full of this and that

but really lack's the depth of the story, somewhat a senseless plot

with just famous actors to play the role and some really big special effects..

Watashi wa anata o korosu Watashi wa anata o korosu  Watashi wa anata o korosu
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


Offline bryanbonifacio

Hindi ko man napanood film ni Vic Sotto, malamang boring din ito tulad nung kay vice ganda na napanood ko. Parang pinipilit nila na magpatawa sa tao to the point na ang OA ng mga palabas nila.

And to MMFF, sobrang bias din ng mga big movie companies. Sa area namin, tatlo lang pinalabas na pelikula. Kay Vic, Vice at Pagpag.
Bryan at your service.

Visit my sit: bryanbonifacio.com


My Board

Re: "An Open Letter to Vic Sotto" by Lourd de Veyra, Tama ba or sobra na?
« Reply #4 on: January 07, 2014, 06:40:00 AM »

Offline the_mode

same sentiment. i'd rather watch an indie or Hollywood film than waste my time and money with a lot of local mainstream movie. just my opinion.


Offline Lourd

may point at may sense lagi ang mga sinasabi or pinopost ni Sir Lourd, im a fan of him, from Word of the Lourd, WASAK, his band Radioactive Sago Project, and in his Books, wala akong masabi sa taong to, henyo, at palaging pinag iisipan ang mga sinasabi, tama xa about kay bossing vic, fan din naman ako kay vic, at tama si SirLourd, maging ako'y very dissapointed sa Iskul Bukol, naging fantasy kasi bigla, karamihan na ng film ni Bossing e pure fantasy, at wala na ngang nakakaganang palabas ngaun mapakomedya man o aksyon na  tatalo sa mga old film, buti pa ang indie, me sense.

the thing is , bakit di nga gumawa si Vic ng film na ganun sa dati, yung simple, patok sa tao, marami naman xang pwedeng maging leading lady,forget about fantasy acheche, lahat na kasi ng manunuod ngaun ay film critic sa sarili nilang aspeto,


Offline marmaim

that was a very long and long-winded open letter to vic sotto. dami ring digressions na medyo panggulo lang. my point? he could have written the last paragraph and the message would have been the same.
anyway, di ko naman balak i-criticize yung sulat ni lourd. di ko lang mapigil banggitin ang napansin ko.
matagal na rin akong hindi nanonood ng tagalog movies lalo na sa sinehan. palala ng palala at pasagwa ng pasagwa ang kalidad at istorya ng mga pelikulang pilipino noon pang dekada 90. walang dahilan para manood pa ako ngayon. hindi rin naman nakaka-engganyo ang mga trailers ng mga pelikula, so bakit pa?
para sa akin din, hindi ba't mas malala at karapat dapat bigyang pansin ang kalidad ng mga palabas sa telebisyon? meron ding sitcom si vic sotto at sangkatutak ang mga teleserye o telenobela ngayon. ang mga pelikulang pilipino naman (kung mapapansin nyo) ay dumarami lang sa panahon ng MMFF. ang mga palabas sa telebisyon ay walang puknat o pahinga. bago pa matapos ang isa eh nandyan naman ang isa pa.
sa tv, makikita mo kaagad ang kalidad (o kawalan ng kalidad) ng mga teleserye o telenobela pero araw araw na inaabangan at pinapanood ito ng mga tao. basurang kuwento, basurang acting at basurang production values. sa iilang pagkakataong nasilip ko ang mga tagalog na palabas sa tv eh uminit at sumakit lang ang ulo ko. wala naman talagang palabas na tagalog sa tv na hihigit pa sa pamantayan ng PNY. paano pa tayo aasang may aasahan tayo sa pelikulang pilipino? umaasa na nga lang tayo sa pag-asa, sumasablay pa.
opo. long and long winded din ang sinulat ko hehehe pero seriously, kung may dapat unahing pansinin, punahin at ayusin, iyon po sana ay sa telebisyon. napapanood ng mga anak natin yan eh. lumalaki silang yan ang nakakasanayang kalidad ng mga panooring pilipino dahil mahirap iwasan at madalas ay wala rin namang ibang pagpipilian.
ang baba at ang sagwang pamantayan di ba?


Offline kylun

  • Certified Member 2
  • *
  • hindi ko kayo tatantanan!!!
My sumagot n d2 sa open letter na to ni lourd..ny open letter dn xa pra ky lourd..Blogger dn xa...someone with a name of cat mones yta...hanapin ko ult then post ko d2..

Sent from my room using wi-fi
« Last Edit: January 07, 2014, 12:35:00 PM by kylun »


Offline kylun

  • Certified Member 2
  • *
  • hindi ko kayo tatantanan!!!
catmones.blogspot.com


Sent from my room using wi-fi
« Last Edit: January 07, 2014, 12:34:28 PM by kylun »


Offline dennis magtulis

 My Unsolicited Two Cents on Lourd de Veyra's Open Letter to Vic Sotto
Dear Lourd, sorry kung offensive ang unang sentence na mababasa mo after ng colon, pero yan yung unang reaksyon ko pagkatapos ko basahin ang open letter mo:

Okay, Lourd de Veyra, ikinatalino at ikinalalim ng pagkatao mo yang pagsulat mo ng open letter kay Bossing. At dahil sabi mo, open naman ang mundo sa mga opinyon, eto ang opinyon ko sa mga sinabi mo.

Seryoso ka ba talaga na naghahanap at nag-e-expect ka ng profound at life-affirming meaning sa pelikulang mula kay Bossing at Kris Aquino? Hindi sila si Joel Torre o si Chito Rono o kung sino pang mahusay na artista o direktor na gumagawa ng likhang sining na papasa sa taste mo. Hindi ako fan at wala akong balak manood ng My Little Bossings at kung ano pang pelikula na gagawin ni Bossing taun-taon dahil alam kong hindi ko magugustuhan. Siguro dahil hindi ako nag-eexpect sa kanya na kahit anong maitututring na "art film". Kasalanan niyo kung na-disappoint kayo sa mga ginagawa ni Bossing dahil pinanood niyo ito, at kasalanan niyo na nag-expect kayo. I mean, bago kayo pumasok sa sinehan ng My Little Bossings, alam niyo naman yung pelikulang panonoorin niyo diba? Trailer pa lang alam niyo na kung para kanino itong kategorya ng pelikulang ito. Para sa mga bata. Para sa mga gusto matawa for a while. Tutal Pasko naman diba? Karapatan nila na gumawa ng pelikula na tungkol sa kahit anong walang kwentang istorya, kesehodang tadtad yan ng product placement. Likewise, karapatan mo ring wag manood kung alam mo namang madi-disappoint ka. Ulit, nakakatawa lang na may nag-e-expect ng malalim na pakahulugan sa mga pelikula ni Bossing.

Ulitin ko, hindi ako fan at wala akong balak manood ng My Little Bossings dahil alam kong hindi ko magugustuhan at baka hindi maganda ang lumabas sa bibig ko kasi sure akong hindi para sa akin ang pelikulang ito. Pero kayo, bilang matalinong tao, sana alam mo rin kung anong papasa sa taste mo, diba? Bat ka nanood? Bakit ka naghanap ng wala?

Sa huling parte ng open letter mo, ang sabi mo, and I quote you: "Ang tagal mo nang kumikita, bossing. Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan. Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya."

Pero sa tingin mo ba, hindi ka naging masyadong presumido at pakielamero para magbigay ng suhestyon sa kung paano niya susuklian ang tamubayan sa kinita niya? May magagawa ba kayo kung habambuhay niya gustong gumawa ng mga pelikulang "mababaw" ang plot at malakas lang sa tumabo sa takilya? May magagawa ba kayo kung wala siyang balak mag-iwan ng isang makabuluhang pelikula sa matagal na panahong niyang paghahari sa pinilakang tabig? In the first place, namilit ba si Bossing na panoorin ang mga pelikula niya? Hindi. Alam mo kung bakit? Kasi wala silang ibang ipinangako sa mga pelikulang ito kundi ang magpatawa. Hindi para maiyak, mag-reflect sa buhay, magtika-tika sa mga kasalanan, magbaliktanaw, o ma-amaze sa pelikula. Lahat yan, hindi pinangako ng pelikula nung pina-plug nila ito at kahit isama mo na lahat ng nakaraang entry nila sa MMFF taun-taon. Ang hirap sa mga nagpapaka "artistic" na tao e naghahanap kayo ng wala, naghahanap kayo ng kahulugan sa mga bagay na maski nung una pa lang eh wala naman silang sinabing makabuluhang pelikula ito at dadalhin niyo ito hanggang sa hukay niyo.

Maalala ko pa, sabi mo sa open letter mo, parang tatlong araw lang ginawa ang pelikulang ito. Tatlong araw? Seryoso? Ite-take ko literally itong tatlong araw na ito dahil yan ang binitawan mong salita. Pero, uulitin ko: seryoso? Hindi ako nagtatrabaho sa media, pero yung kapatid ko segment producer sa isa sa dalawang higanteng network sa bansa, at nag-aral ako ng apat na taon ng Mass Communication. Yung four minutes na music video namin nung first year alam mo ba kung gaano katagal ginawa mula sa pre-prod, production at post-prod? More than three weeks yata. Sige sabihin na natin na amateurs lang kami kaya natagalan, pero tatlong araw para sa isang full-length film? Yung tatlong araw na yan baka pagpili pa lang yan ng outfits ni Kris Aquino sa pelikula. Editing pa lang linggo or buwan na ang aabutin.

Suma total, sa tingin ko matalino kang tao dahil mahusay ang pagkakasulat mo ng mga criticisms mo; sa tingin ko matalino kang tao kahit hindi kita kilala at hindi ko alam kung bakit marami kang bandwagoners. Hindi rin naman ako fan ni Bossing talaga pero gaya ng sabi ko at sabi mo, kanya-kanyang opinyon po ito.

Vic Sotto is Vic Sotto. He has nothing to prove because he is already an institution. Hindi siguro siya sikat o matalino sa paraang gusto mo o hinahanap ng panlasa mo, pero kilala siya sa atakeng alam niya at siyang nagpasikat sa kanya: ang pagpapatawa, slapstick man o hindi, wag na natin ungkatin pa. Uulitin ko. Pagpapatawa. Hindi sa paggawa ng makabuluhang pelikula na pwedeng isali sa international film fests, kundi sa pagpapatawa at pagpapasaya ng pamilya. Ngayon, kung feeling natin eh walang kwenta yung mga pelikulang ginawa niya, o paulit-ulit na lang ang putaheng binibigay satin taun-taon, o feeling natin eh masyado tayong "matalino" para sa mga klase ng pelikulang ginagawa niya, simple lang ang solusyon, wag tayo manood at MAS lalong wag tayo mag-expect at MAS lalong wag tayong mag-assume kung ano ang dapat na hinahain nila sa mga manonood.

May iba-ibang dahilan tayo kung bakit tayo nagbabayad para manood ng pelikula. Meron akong mga kilalang tao na hindi nanonood ng Tagalog, hindi daw worth it, jologs daw, "eeew" daw. Yung iba naman, gusto yung mga pelikulang malalim ang plot, yung tipong paglabas mo ng sinehan eh mapapaisip ka hanggang pag-uwi mo ng bahay; life-changing. At merong ilan satin na nanonood ng sine para matawa. Yung hindi mo kailangan mag-isip o maging matalino. Wala lang. Kasi trip mo lang. Kasi trip mo lang matawa at i-risk na maihi ka sa kakatawa kesehodang korni naman daw yung punchline para sa ibang tao. Kanya-kanyang trip yan e. Ewan ko, siguro para sakin (opinyon ko ulit), hindi fair na mag-request tayo kay Bossing na gumawa ng malalim na pelikula. Hindi ko sinasabing hindi kaya ni Bossing. Pero ang sakin lang, kung naghahanap tayo ng malalim na pelikulang tipong pwedeng isali sa Cannes, merong mga nakalaang filmmakers para diyan. Marami tayong mga mahusay na filmmaker na ilang ulit nang napatunayan na kayang mag-compete nating mga Pinoy sa larangan ng paggawa ng mahuhusay na pelikula , PERO si Bossing ay para sa pagpatatawa, para sa mga bata, para sa pamilya. Okay lang naman yun diba? Kumbaga kanya-kanyang toka lang. Yung mga isda, nakatadhanang lumangoy, yung mga unggoy nakatadhanang umakyat ng puno at kumain ng saging, at yung mga aso nakatadhanang kumahol. Kanya-kanyang forte.

At the end of the day, I just think that there is no universal truth. What might be true and important to others might be futile and insignificant for you. If watching crappy pointless films is what makes people happy and escape from their reality for a while, who are we to judge on what should be served on their plates or not? To each his own.

To those who haven't read yet, this is the link to Mr. de Veyra's open letter to Vic Sotto: http://www.spot.ph/this-is-a-crazy-planets/55300/an-open-letter-to-vic-sotto/1

###

PS: I see that the post has been going places and this is in no way written to make it seem like I am right. Because I am not. To the people who messaged me saying they share the same opinion with me, thank you. However, this does not make us right, because as always, there is no right or wrong opinion. If you are a fan of Lourd de Veyra, please feel free to hate me on your own, by yourself. You are not required to let me know about it either. I am not a Vic Sotto fan, and he does not need me to defend his name or be his PR staff as he's one of the most popular personalities in the country and he doesn't need me for that. This is a free country, and so is the internet; and I understand that this is a polarizing topic that can trigger a war of opinions online but please do so in a respectable manner. If I can voice out my opinion, then so can you. Have a nice day! Thank you.












Ayan copy paste ko na dito,nabasa ko lang din to kagabi sa FB
I'm a fan of bossing vic , dahil sa galing niya as a comedian, elibs din ako kay lourd , kaya nga lately napapanood ko na din ang wasak

and definitely i'm not a fan of MMFF movies, so never pako nag aksaya ng oras at pera para manood neto
me point sila pareho dito,,so kayo na bahal magbasa ;D


karlkutu

  • Guest
Ganito lang po ang pag kaintindi ko, gumawa ka ng dekalidad na pelikula-may award ka pero lalangawin sa sinehan. Gumawa ka ng basurang pelikula budburan ng mga napapanahong artista at backup na treasure chest na budget siguradong papanoorin.
Ang mali ay ang mga taong tumatangkilik. Sorry ha pero nagmumukhang cheap taste natin.
Ang mga palabas ngayon maging sa tv or sa pelikula ay mas lalong nag papabobo sa mga tao. Ginagawa nilang mumurahin ang pananaw ng bawat manunuod.


Offline kylun

  • Certified Member 2
  • *
  • hindi ko kayo tatantanan!!!
Mamats ser dennis..hnd ko ma copy paste cp lng gmt ko e..sori... :D

Sent from my room using wi-fi



Offline Lourd


Offline dennis magtulis

Minsan ang MMFF nahahalintulad ko sa pagboto ng mga pinoy para sa mga gov't posts ;D

kaibahan nga lang, ang mmff binoboykot ko, pero never ang election ;D



My Board

Re: "An Open Letter to Vic Sotto" by Lourd de Veyra, Tama ba or sobra na?
« Reply #14 on: January 07, 2014, 03:15:26 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal