My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • djcarloman: Asawa ni tiyuhin
    November 19, 2025, 02:28:39 PM
  • djcarloman: Ang Asawa ng tiyuhin
    November 19, 2025, 02:41:46 PM
  • djcarloman: Tita
    November 19, 2025, 02:44:11 PM
  • alex: Angel dentist
    November 20, 2025, 05:50:42 PM
  • rxxx1979: house of joy
    November 22, 2025, 03:27:06 PM
  • des: Nililigawan ko...
    November 24, 2025, 02:50:02 PM
  • friendsterjoel: pamilya reyes
    November 26, 2025, 01:56:16 PM
  • bulabogin: zarah
    December 01, 2025, 11:52:11 PM
  • clizzy: Kolehiyala
    December 02, 2025, 05:01:16 AM
  • demonspec003: New Stories
    December 04, 2025, 03:24:49 PM
  • setsuna_00: Marian
    December 05, 2025, 06:16:37 AM
  • hektik03: Manong
    December 05, 2025, 10:02:13 PM
  • dacuycoy: Profile deletion
    December 15, 2025, 09:55:22 PM
  • ripley101: Mariposa
    December 20, 2025, 05:21:49 AM
  • demonspec003: C
    December 22, 2025, 04:31:18 AM
  • demonspec003: H
    December 22, 2025, 04:31:39 AM
  • ajing26: Spotif
    December 25, 2025, 11:01:11 AM
  • Dark_angel8479: Stephanie
    December 28, 2025, 12:59:13 AM
  • DarkHorse: Teacher natasha
    December 28, 2025, 11:02:08 AM
  • groza: Gapang 32
    December 31, 2025, 11:51:29 PM

Pacquiao: It's earned money, not DAP, PDAF

Zurca · 33 · 7827

0 Members and 2 Guests are viewing this topic.

Offline j4kst0n3

Reply #15 on: November 28, 2013, 11:38:53 AM
Ang trabaho ng BIR ay mangolekta ng buwis. Lahat ng kumita ng pera, nagmana ng kayamanan, nabigyan ng donasyon, nanalo sa casino at kung anuman pang paraan ng pagkakaroon ng yaman ay dapat magbayad ng buwis.

Hindi trabaho ng BIR ang bantayan kung paano ginagastos ng pamahalaan lalo na ang ehekutibo kung paano ginagastos ang pera ng pamahalaan.

Trabaho at obligasyon n taumbayan na bantayan ang pamahalaan kung saan na pupunta ang pera ng bayan.

Kapag may duda ang BIR sa ITR mo, padadalhan ka ng sulat / assessment. Tahimik na ginagawa ito kasi administrative function ito. A citizen may ignore this letter / assessment at his own risk. 3x ka nilang padadalhan bago sila gumawa ng hakbang para legally ma-garnish ang ari-arian mo. Yan ang nasa batas.

Bakit umabot sa ganito ang kaso ni Pacquiao?

Simple lang. He ignored the BIR letters.

Kung noon pa man eh sinagot na ni Pacquiao ang BIR at naiprisinta na ang mga OFFICIAL DOCUMENTS from IRS, tulad ng Certificate of income Taxes Withheld, hindi ang certification ng Top Rank, hindi na sana lalala ang sitwasyon.

Hindi dahil sikat ka, nagbigay ka ng karangalan sa bansa, o pulitiko ka, ay bibigyan ka na ng special treatment. Actually, para sa BIR, mas lalo ka pang bubusisiin kasi sila man ay binabantayan kung sila ba ay magbibigay ng special treatment sa mga sikat.

Kaya wag nating sisihin ang BIR. Bagkus ay maging leksiyon sa lahat ang pangyayaring ito.

Oo, maaaring magamit ang mga ahensya mg pamahalaan para I-harass ang kanilang mga kalaban sa pulitika. Kaya mas lalo kang sumunod sa batas at mga patakaran para hindi ka maging ehemplo.


Sent from my Nokia 3210 using TypemoTapako


My Board

Re: Pacquiao: It's earned money, not DAP, PDAF
« Reply #15 on: November 28, 2013, 11:38:53 AM »

Offline GHOST PROTOCOL

Reply #16 on: November 30, 2013, 07:07:26 AM
Kaya wag nating sisihin ang BIR. Bagkus ay maging leksiyon sa lahat ang pangyayaring ito.
Sent from my Nokia 3210 using TypemoTapako

korek!!!! maging aral sana ito para sa lahat dahil kahit gaaano ka kurakot ang pilipinas kung ikaw ay pilipino at may kinikita ka, obligasyon mong magbayad ng buwis.
 sa mga nagbabayad ng buwis alam nila ito.
 sa mga umiwas magbayad ng buwis alam nila ito.
 sa mga hindi pa nakakaranas magbayad ng buwis at makaltasan ng buwis, wala kayong alam dito.

oo masakit sa bulsa kung maningil ang BIR pero sinusunod lamang nila ang nakasaad sa batas. ANG BUWIS. buwis na patuloy na itinataas ng mga MAMBUBUTAS na niluklok natin sa kongreso at senado.

maraming nagsasabi na alisin ang buwis. sana nga. pero kung walang buwis, saan kukuha ng pera ang bayan? ano ang ipapasahod sa mga guro, pulis, nurse, duktor, huwes, pampublikong abogado, at marami pang iba. saan kukuha ng pondo para sa kalsada, ospital, gamot, at mga serbisyo publiko. oo napupunta sa kurakot ang karamihan pero nakikita din naman natin ang pinatutunguhan ng mas malaking halaga. ang bayad natin sa LRT at MRT, buwis ang pumupuno sa kakulangan. mga bala ng baril na ginagamit laban sa mga NPA at rebeldeng grupo sa mindanao. maraming napupuntahan ang buwis na akala natin ay MASAMA.

punto dito, HINDI kasalanan ng BIR kung mataas ng buwis. hindi kasalanan ng BIR kung nasisingil si pacman. hindi kasalananng BIR kung nakukurakot ang buwis. TAYO ang may kasalanan kung bakit tumataas ang buwis. tayo ang may kasalanan kung bakit malaki ang nakukurakot sa buwis.
One day your life will flash before your eyes, make sure it is worth watching


Offline Dimmu Borgir

  • Certified Member 2
  • *
  • Cut My Wrists And Hope To Die.....
    • PTFM
Reply #17 on: November 30, 2013, 09:11:11 AM
Sa BIR di ka lulusot..

Hal. bumili ka ng PUJ tapos nalaman mo pagkatapos mong bilhin na yung binilhan mo di pala nagbabayad ng buwis...

Ikaw ang magbabayad nun kasama na ang surcharge.. Surcharge o yung penalty mo ang nakakaiyak. Yun ang magpapalobo sa bayarin mo.

Kung di ka naman magbabayad ng BIR, kolorum ka kasi sa LTO, hahanapan ka ng BIR Certificate..

Kaya isang payo lang, hanapan ng BIR documents kung bibili ka ng properties para di ka magsisi sa bandang huli..

Ang BIR mahigpit, kahit nga sari sari store sinisingil ng buwis, si Pacquiao pa kaya...

Magbayad ng tama para iwas sakit ng ulo. Wag gayahin si Pacquaio na nagpabaya tapos sa bandang huli eh iiyak iyak kasi napakalaki na pala ng bayaran.

Yan din ang aabutin natin pag ginaya natin si Pacquaio.
 

 
 

 


Ghost Reporting...


My Board

Re: Pacquiao: It's earned money, not DAP, PDAF
« Reply #17 on: November 30, 2013, 09:11:11 AM »

Offline radicalerror

  • Selda 69
  • Certified Member 1
  • *
  • Supreme Great Ero-king
    • Cancer
Reply #18 on: December 04, 2013, 12:14:07 AM
tpos saan po mapuputa ung buwis na ibibigay natin...  :o


Offline GHOST PROTOCOL

Reply #19 on: December 04, 2013, 01:50:42 AM
saan mapupunta is a common question. sagot: sa kaban ng bayan at sa bulsa ng humahawak sa bayan.

eto naman ang tanong ko: saan ka mapupunta kapag di ka nagbayad ng buwis?
One day your life will flash before your eyes, make sure it is worth watching


My Board

Re: Pacquiao: It's earned money, not DAP, PDAF
« Reply #19 on: December 04, 2013, 01:50:42 AM »

Offline Ozone

Reply #20 on: December 04, 2013, 05:06:14 AM
kailangan pa bang i-publish ng BIR sa media ang mga taong inaakusahan nilang hindi nagbabayad ng tamang buwis. marami na rin akong nabalitaang celebrity na inakusahang hindi nagbabayad ng tamang buwis. eh sa palagay ko naman, ang mga taong walang alam o kakaunti lang ang alam sa taxation  ay gumagamit ng accountant para asikasuhin ang kanilang responsibilidad lalo na ang pinag uusapan ay hindi lang libong salapi.


Offline Dimmu Borgir

  • Certified Member 2
  • *
  • Cut My Wrists And Hope To Die.....
    • PTFM
Reply #21 on: December 04, 2013, 09:24:21 AM
walang pinipili ang bir pag may bayaran ka sa kanila, sisingilin ka kahit anong mangyari..

di yan katulad ng simbahan na magdasal ka lang ng aba ginoong maria e patatawarin ka na.. dyan kahit umiyak ka pa, magbabayad ka pa rin..

di ka nga lang mag issue ng resibo, two years imprisonment na ang penalty,

nakalimutan mo lang maglista ng income mo sa blue book, penalty ka pag nahuli ka nila..

yun pa kayang katulad ng kay pacquaio?

kaya mali yung sinasabi ng karamihan na namimili ang BIR...
Ghost Reporting...


Offline j4kst0n3

Reply #22 on: December 04, 2013, 12:37:20 PM
kailangan pa bang i-publish ng BIR sa media ang mga taong inaakusahan nilang hindi nagbabayad ng tamang buwis. marami na rin akong nabalitaang celebrity na inakusahang hindi nagbabayad ng tamang buwis. eh sa palagay ko naman, ang mga taong walang alam o kakaunti lang ang alam sa taxation  ay gumagamit ng accountant para asikasuhin ang kanilang responsibilidad lalo na ang pinag uusapan ay hindi lang libong salapi.

Confidential ang mga assessment ng BIR.

Hindi ito ipinamamalita dahil nga merong "due process". Ang sinuman na mapadalhan ng assessment ay binibigyan ng sapat na panahon para sagutin ang katanungan ng BIR.

3 beses ka nila padadalhan ng sulat. Kaya meron ka ding 3 pagkakataon na itama ang records ng BIR sa pamamagitan ng pagsumite ng mga dokumento na magpapasinungaling sa kanilang assessment.

Kapag hindi mo sinagot ang mga sulat ng BIR, magiging pinal ang kanilang assessment.

Ang pagkakamali ni Pacman, hindi pinansin ang mga assessment na pinadala ng BIR. Ang kampo mismo ni Pacman ang unang nag-complain sa media ng maging final ang assessment.

Hindi pa rin gumawa ng hakbang para i-apela ang final assessment kaya ang next step ay garnishment.

Sa nagtatanong kung saan mapupunta ang nakolektang buwis, labas na ito sa kaso ni Pacman. Ibang isyu na po iyon na dapat din natin bantayan bilang taumbayan pero hindi iyon dapat maging hadlang para magbayad ng tamang buwis ang lahat ng taong may kinita.

Simple lamang ang mga katanungan dito:

1. Nagbayad ba ng tamang buwis si Pacman na angkop sa lahat ng mga kinita nya?

2. Nagsumite ba sya ng kumpletong dokumento na magpapatunay na nagbayad sya ng tamang buwis?

3. May dalawang laban sya noong 2009, kay Ricky Hatton at Miguel Cotto. Marami din syang mga endorsements. Bakit Php 50,000,000 lang ang nakadeklarang kinita nya noong 2009?


Offline cezky09

Reply #23 on: December 04, 2013, 01:01:09 PM
I think the BIR is doing their job tama din kayo na selective at may halo pulitika. What if nasa liberal party si Pacman at hindi sa kalaban partido? At ang isang pinagtatakhan kasi ng BIR bakit from hundred of million na binabayad niya biglang bumaba sa less than 10million kung kailan siya naging congressman at tumaas ang net worth niya.


Sent from my iPhone using Tapatalk


karlkutu

  • Guest
Reply #24 on: December 09, 2013, 03:22:11 PM
ganyan ang reaksyon ng mga taong di nakikinig paliwanag ng mga taong sangkot. eto po ang alam ko: ang tax law natin ay nag sasabing kung ikaw ay resident citizen lahat ng income mo from witin and without the country ay subject sa income tax. Hmmmm parang unfair ba? kasi may bayad ka sa ibang bansa bayad ka ulit dito? Ibig sabihin may double taxation in its loose sense. Kaya may tax treaty ang pinas and us na nagsasabi na pag ung binayaran nya na tax sa us ay lesser dun sa tax na pinapataw natin dito sa pinas babayaran nya yung kulang dito sa pinas. Next...sino ba dapat ang kumuha ng mga documento sa IRS para patunayan na nagbayad na si pacman? Hmmmmm, sa pag kakaalam ko inherit na power ng estado ang pag p[ataw ng tax sa mga citizen, kaya may tinatawag tayong pay as you file. ibig sabihin punta ka sa bir self assessed ang income tax ibig sabihin nito punta ka mag bayad ng tax mo with all the proper documents supporting your claim for deductions, exemptions and the like. Hay pinakamahirap na subject sa college of law ang taxation. pero mas mahirap ipaliwanag sa mga tao na ang pinapakinggan ay mga taong sikat. 


karlkutu

  • Guest
Reply #25 on: December 09, 2013, 03:28:34 PM
Confidential ang mga assessment ng BIR.

Hindi ito ipinamamalita dahil nga merong "due process". Ang sinuman na mapadalhan ng assessment ay binibigyan ng sapat na panahon para sagutin ang katanungan ng BIR.

3 beses ka nila padadalhan ng sulat. Kaya meron ka ding 3 pagkakataon na itama ang records ng BIR sa pamamagitan ng pagsumite ng mga dokumento na magpapasinungaling sa kanilang assessment.

Kapag hindi mo sinagot ang mga sulat ng BIR, magiging pinal ang kanilang assessment.

Ang pagkakamali ni Pacman, hindi pinansin ang mga assessment na pinadala ng BIR. Ang kampo mismo ni Pacman ang unang nag-complain sa media ng maging final ang assessment.

Hindi pa rin gumawa ng hakbang para i-apela ang final assessment kaya ang next step ay garnishment.

Sa nagtatanong kung saan mapupunta ang nakolektang buwis, labas na ito sa kaso ni Pacman. Ibang isyu na po iyon na dapat din natin bantayan bilang taumbayan pero hindi iyon dapat maging hadlang para magbayad ng tamang buwis ang lahat ng taong may kinita.

Simple lamang ang mga katanungan dito:

1. Nagbayad ba ng tamang buwis si Pacman na angkop sa lahat ng mga kinita nya?

2. Nagsumite ba sya ng kumpletong dokumento na magpapatunay na nagbayad sya ng tamang buwis?

3. May dalawang laban sya noong 2009, kay Ricky Hatton at Miguel Cotto. Marami din syang mga endorsements. Bakit Php 50,000,000 lang ang nakadeklarang kinita nya noong 2009?

Salamat po sa enlightenment. Tama po naging final na yung assesment kasi hindi sya sumasagot. Ngayong nasa CTA na saka sya umaalma. Afford naman nya ng abugado at accountant bakit di nya inayos ito nun pa. 


Offline GHOST PROTOCOL

Reply #26 on: December 10, 2013, 06:07:13 AM
at umaalingasaw ang balita na si pacman ay US GREEN CARD HOLDER? lagot ito kay senator miriam  >:( >:( >:(
One day your life will flash before your eyes, make sure it is worth watching


Offline charliehouse

Reply #27 on: December 21, 2013, 08:15:16 PM
While every person has the legal obligation to pay taxes to the government, every person also has the moral obligation not to pay taxes to a corrupt government. haha

Seriously, Manny should pay his deficit however so as lucio, henry and lopez.
Sa bawat bobong post ay may pilosopong reply.


karlkutu

  • Guest
Reply #28 on: December 21, 2013, 08:41:57 PM
oh yes. i think manny will go to tax compromise. hehehehe saving face


Offline charliehouse

Reply #29 on: December 26, 2013, 10:23:55 AM
Paying taxes to a corrupt government makes one a contributor to its corruption... ano sa tingin nyo mga babidee.?
Sa bawat bobong post ay may pilosopong reply.


My Board

Re: Pacquiao: It's earned money, not DAP, PDAF
« Reply #29 on: December 26, 2013, 10:23:55 AM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal