0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
para sa akin bro, hindi ako pabor sa live in, kung mahal ko ang babae ibibigay ko yung karapatan nya, para sa akin kc, paniniwala ko, karapatan ng bawat babae ang pakasalan sila ng lalaki.Ako kc ayaw kong mabuntis ang babae at saka ko siya pakakasalan, iba ang prinsipyo ko, gusto ko yung kinasal ko bago ko siya mabuntis. Ayaw kong sabihin ng mga tao or isipin ng kapartner ko na kaya ko lang ko pinakasalan eh dahil nabuntis ko siya. Gusto kong malaman nya na pinakasalan ko siya kc sobrang mahal ko siya at siya ang gusto kong makasama sa hirap at ginhawa.
well halos magkaparehas lang naman ang dalawa sistema. Ang pinagkaiba lang ay papel. Isang tituladong pagsasama at isa naman walang papel kumbaga colorum. Yeah I agree na it is right for every woman na pakasalan sila sa harap na simbahan. Eto kasi ang pinapangarap nila sa buong buhay nila ang maikasal. Kaso sa panahon ngayon, ginagawang test water ang pagpapakasal. Kumbaga, they are carefree to take this sacred ritual. Marami dyan nagpapakasal dahil sa kung ano anong mababaw na dahilan which na reresult sa pagkawasak ng pamilya at nagsusuffer most ang mga anak. Bakit sa ngayon ganyan na lang ang kadalasan na nanyayari sa pagpapakasal, dahil sa panahon ngayon lahat madali na lang sa relationship. Makakakuha ka ng bf/gf with just snapped of your finger. Lahat halos madali na processo kaya in return madali din ireverse. Ganyan na ang present era natin. Kahit hindi tama ang sistema ng paglilive in, eto muna ang nagiging testing environment sa isang pagsasama. Isa rin naman sa dahilan ng paglilive in dahil na rin sa pera. Marami hindi makaafford ng isang celebration ng kasal. Kahit kasalan bayan pa yan, they need to have enough money para magpakasal...