makapagtanong nga po...
Jusko po sir fayt ano naman ang nakain mo at napakarami ang naiisip mong tanong..
Sasagutin ko na ito habang mainit pa hihi habang may time pa..
1. Ano perspective mo ngayon sa buhay? Ano ba ang buhay mo para sayo?
--->mag enjoy habang may pagkakataon..ang buhay ko ay importante para matupad ko pa ang mga pangarap ko..
2. Takot ka ba mamatay? Ano masasabi mo sa kamatayan ng isang tao?
--->Nde kasi alam naman nateng lahat na duon tayo pupunta kaso ayaw ko pa mamatay ngayon kasi gusto ko pa magkaroon ng sariling pamilya at anak na papalakihin ko baka pauwiin ako ni san pedro kung nagkataon hihi joke..ang kamatayan ng isang tao ay masakit pero yon na talaga ang nakalaan eh wala na tayong magagawa..
3. Ano anong klaseng kaibigan meron ka in real life? Masasabi mo ba malaki ang contribution nila sa kung ano ka ngayon?
--->Hardworker sila at makulit ..siguro may naging influensyan din kung bakit naging hardworker ako minsan..hihi at lage makulet..
4. Nalalaman mo ba yun taong plastik sa paligid mo? Paano mo naamoy ang isang kaibigan mo na pinaplastikan ka lang pala.
--->Hmm minsan..pag napansin ko na hilaw ang ngiti nito haha
5. Anong mabuting ugali mo ang gusto mong ipamana sa anak o magiging anak mo pag lumaki na sila?
--->Ang pagiging mabait marespeto sa lahat at matulungin kahit nde sa pamamagitan ng pera..
6. Anong pangit sa ugali mo ang gusto mong baguhin pero hindi mo na mababago?
--->Ang pagiging stubborn ko
7. Mannerism mo or unusual habit na nagagawa mo na hindi mo kontrolado pero nagagawa mo na.
--->pinipisil ko ilong ko o kakagat ang labi pagninebyos lol
8. Paano mo idedeal ang isang tao na pinopormahan ka o nagpapahiwatig pero may sabit na? Nakaranas ka na ba ng ganito? Pwede ba maging friends kayo ng tao na to?
--->Sabihin ang totoo sa kanya na nde pedi ang kung ano gusto nyang mangyari at pedi nmang kaibigan na lang..
9. Paano ka magmahal? Binibigay mo ba ang lahat or may reservation ka? Bakit?
--->Yes minsan lang ako magmahal eh kaya nga siguro to do haha
10. Yun pinakamasakit na nanyari sa buhay mo? Bakit mo nasabi na eto na ang pinakamasakit?
--->Nung nde nakapaghintay sakin ang isang tao kasi siya sana gusto kong pakasalan..ayayay ang saklap

11. Anong napapakita mo sa PT na hindi mo maipakita in real life? Ano naman napapakita mo in real life na hindi mo maipakita sa PT?
--->Wala eh wala akong maisip lol mag isip muna ako na overwhelmed sa tanong mo eh nde pa ako naka half lol..
12. May dinumped ka na ba na isang kaibigan? May nagdumped na sayo na isang kaibigan? Ano nanyare?
--->Nde naman matatawag na dumped yon umiiwas lang ako sa kanya nung college nung nalaman kong gumgagamit siya ng shabu at before ako umiiwas nitry ko siyang pakiusapan na huminto at first nakinig siya sakin kaso yong bf nya nagyaya sa kanya so wala akong magagawa kundi umiiwas..wala pa namang nang dumped sakin na kaibigan infact yong mga college friends ko may contact pa kami minsan busy nga lang pareho at yong iba may mga asawa na kaya mas busy sila ..
13. May instance ka na ba na nagkamali ka sa hinala mo? Paano mo ihahandle ang sitwasyon na nagkamali ka sa taong pinaghihinalahan mo?
--->oo hihi eh di quiet nalang na may halong blush..
14. Kunyare 70 or 80 years old kana, Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?
--->Nag eenjoy sa natitirang buhay kasama pamilya ko..
15. Ano ang ultimate goal mo sa buhay? Meron ka na bang ginagawang steps para makuha mo to?
---> Magkaroon ng sariling pamilya haha lol..ang ginagawa ko ay magdasal na sana makamit at sabi nga ng dad ko habang buhay pa ang isang tao dalawa lang daw ang chance na mangyari kung nde makapag asawa ay tatanda na single hihi
16. Pag under pressure ka? Paano mo kinokompose ang sarili mo?
--->nde makakain ng maayos at try na magrelax with music on..
17. Kung magiging isang leader ka ng isang grupo, ano ang una mong ituturo o gagawin sa mga member mo?
--->Siguro dapat alam nila kung ano ang purpose ng grupo ,dapat alam nila ang rules at regulations,nde magdalawang isip na magbigay ng opinion at mag enjoy ..
18. Magbigay ng isang Salita sa bawat venus member na magdedescribe sa kanila kung ano sila?
Ms Dimple-approachable
Ms ladyvirus-mabait
Lovemarie-dyosa
Schy-straightforward
Raven-makulit
Kolehiyala-young
Misty-cute
19. Kasama mo ang mahal mo sa buhay at alam mong mawawalan ka ng buhay? Ano huli mong sasabihin sa kanya.
--->I love you...
20. Burara ka ba or organized? Paano mo nasabi na organized o burara ka
--->Organized At bakit nasabi ko yon kasi nde makalat ang bahay ko..hihi sabi pa sa nakakilala sakin nasobrahan ang pagka organize ko at naging ocd na which is not good lol..
21. Jugdmental ka ba pagdating sa mga kapwa mong member dito sa PT? Paano mo nasasabi ang isang member ng PT ay okay at sino ang hindi ok.
--->Nde wala akong ugali na ganun if siguro may nasabi o nacomment ako na sa tingin ng iba ng judge ako eh i didnt mean it that way na ijudge ko sila..siguro masasabi mo na nde ok ang isang tao basi sa mga posts niya ofcourse nde mo naman nakikita face expression nila and sometimes words says everything..
22. Anong bagay na gusto mong gawin pero hindi mo na magagawa?
--->Gusto ko pag uwe makasama lahat na kapatid ko kaso nde ko na magagawa na makasama sila lahat kasi wala na sa mundong ito ang isa samin..
23. Paano nyo po idedefine ang Complicated Relationship? Nag eexist ba ang isang Complicated Relationship? Ano po ang views nyo pagdating sa isang complicated relationship
--->Complicated relationship siguro nagmamahalan kayo pero marami ang nde click sa inyo o may isa sa inyo na walang love..lol complicated talaga hang gulo eh

at siguro existed nga kasi marami na akong nadinig na complicated ang status nila lol..
24. Do you care politics? Ano ang views nyo sa nanyayare ngayon sa usapang politikal? Kung may babaguhin ka sa sistema ng isang Pinoy, ano to at bakit?
--->Sa ngayon no..nakakadiscourage ang politika..minsan na nga lang ako manuod ng news kasi nakakadepress lang..siguro dapat baguhin ng isang pinoy ay nde padadala sa mga sinasabi ng mga sinungaling na politician at gawen kung ano man ang tama nde dahil sa pera..
25. Paano mo masasabi na sixy ka? Sa anong way masasabi mo na sixy ka?
--->Ayayay aba sixy talaga noh nakakapasuot ng sixy eh haha..
26. Ano ang pinakakesong nagawa mo pagdating sa pag ibig?
--->Yong flying kiss sa webcam with matching tsup tsup muahh ahaha
27. Paano mo nahahandle ang isang sixual excitement? Ano ang nagagawa mong mannerism pag sixually arouse ka. (mannerism lang ahh kaya valid to dito hehehe)
--->Ayayayy..smile lang at punta sa kusina kakain ng maraming saging ahahaha
28. Sikretong pampaganda sa sarili?
--->Walang pangit basta maging malinis yan ang sekreto hihi
29. Ano anong ugali ang kinakaayawan mo sa isang tao? Nakameet ka na ng tao na sakto sa mga nasabi mo?
--->Yong sarcastic ayaw ko tlaga..oo meron na akong nameet lol
30. Nanyare na ba sayo na napunta ka sa isang lugar pero hindi mo alam kung bakit ka napunta dun? Paano nanyare na napunta ka sa lugar na yon?
--->Siguro sa panaginip hihi
31. May na meet ka na bang barkada or friends na sa tingin mo bad influence sayo? Paano mo nahahandle ang ganitong klaseng kaibigan?
--->Wala,kasi unang una nde ko siya maging barkada kung bad influence...
32. May mga haters ka ba? Paano mo ihahandle kung magkakaroon ka ng haters?
--->Wala eh o baka nde ko lang alam na meron hihi,,ignore nalang kung meron wala naman akong makukuha sa kanila if papatulan ko hihi
33. Pinapangarap na wedding ceremony?
--->Simple lang basta andun ang immediate family ko and several friends..
34. Kung bibigyan ka ng 10 milyon, ano ang una mong bibilin o ano ang una mong pagkakagastusan? at bakit?
--->Bibigay ko yong iba sa childrens hospital din yong iba bibili ako ng small private jet hihi
35. White lies? Ano ang view mo sa sinasabing white lies? okay ba ang kasabihan na "The ends justify the means"
--->ang white lies ginagamit lang in good reason nde basta nalang ginagamit to get away your lies..para sakin the ends justifying the means in some situation ok ang kasabihan na yan but in some nope..
36. Ano gusto mo at bakit?
--->Gusto ko maging isang pediatric surgeon para makakatulong sa mga batang nangangailangan ng tulong kahit walang pambayad..
- Mayaman at stable pero walang alam sa nanyayare sa paligid
- Hirap sa buhay pero aware ka sa paligid mo
--->Pangalawa ..ang hirap makasama yong walang pakialam sa paligid.hihi
37. Paano ka nakikipagflirt?
--->Nde ako marunong eh..yong wink wink lang alam ko counted ba yun ahaha
38. Paano mo nahahandle ang mga frustrations mo sa buhay?
--->Tanggapin at idaan sa tawa o kaya iiyak
39. Meron ka bang pinapangarap pero hindi mo na matutupad?
--->Habang buhay pa ako alam kong may chance na matutupad mga pinapangarap ko i wont give up just yet..
40. Ano sa palagay mo ang kakainisan sayo ng isang tao o kaibigan?
--->siguro yong palagi akong tumatawa naanoyed sila haha..teka naguguluhan ako sa tanong eh hihi
41. Halimbawa may hawak ka ng isang lapis, paano mo ibebenta ang hawak mong lapis sa ibang tao?
--->isharpened ko na para ready to use na at Ibinta ng mura tas may free kiss hihi
42. Pinakaseksing suot pag matutulog?
--->Lacy nighties with no undies haha joke meron naman ..haller!!
43. Paano mo ihahandle kung sakali magkaroon ka ng kaaway o may umaway sayo dito sa PT?
--->sisigaw ng sir fayt help haha..eh nde ako mahilig mang away at pumatol kaya umiwas at iwasan ko ang tao na yon baka lumaki pa ang gulo at maban kaming pareho hihi
44. Ano ang pinakasweet na nagawa mo sa isang guy?
--->hmmm siguro yong sa last LDR ko birthday niya nagpadala ako ng regalo sa kanya at naghahanda ako ng pagkain nagview lang siya sa webcam sa mga pinaghahanda ko at nibaked ko pa ng cake niinvite ko din ilan sa mga katrabaho ko lol..
45. Ano naman ang pinakabitter na nagawa mo sa isang guy?
--->woww hmm siguro yong mang ignore lol may nakapagsabi na kasi sakin na bakit ko daw siya niignore palagi kahit magkasakubong sa trabaho lol..bitter pa ba yon oh rude?..haha basta manigas siya

46. Ano ang 3 bagay na makakaturn off sa inyo sa isang guy? Etong nakakaturn off na to eh by experience or iniisip mo lang na matuturn off ka pag ganito ang guy.
--->body odor,nde marunong maglinis ng kuko at tamad..may pinagdadaanan haha
47. Naniniwala ka ba na topakin ang mga babae? Guilty or not guilty? Kung guilty, in what way sa sarili mo masasabi na topakin ka?
--->Siguro.,75% guilty lol..pagmay pms ako haha once a month lang naman

...takbo ka nalang

48. Do you believe in God? In Jesus Christ? nakakaapekto ba sa way of living mo ang religion mo?
--->Oo naman,,at malaki epekto ito sa buhay ko dahil sa pagdadasal kaya ako nakasurvived mag isa at naging matatag..
49. Pano mo nahahandle ang pagseselos?
--->dinidibdib ko lang gang pumutok na at sinasabi ko ..hihi
50. Napakaemotional daw ang mga babae, agree po ba kayo dito? Sa inyong palagay, sino ang dapat mamuno sa isang grupo babae o lalake at bakit?
--->nde naman lahat na babae emotional may tigasin din hihi ..kahit babae o lalake man peding mamuno ng isang grupo basta magampanan niya ang lahat na dapat magampanan..
51. Anong katangian ng isang kababaihan ang masasabi mo na outstanding kumpara sa mga kalalakihan?
--->ang pagiging sweet at maalaga ang mga babae at mapagmahal hihi totoo..
52. Sa current estado mo sa buhay, masasabi mo ba na kaya mo mabuhay na mag isa at bakit?
--->Oo kaya kong mabuhay na mag isa bakit?dahil more than a decade na akong nag iisa dito ..
53. Kung may isang PT member na gusto mong makita ngayon, sino to at bakit?
--->hmm ang nagtatanong nito gusto kong makita habang binabasa niya mga sagot ko ..ang haba kasi ng mga tanong niya kaya mas mabuti siguro sasabihin ko sa kanya ng personal nginig na dawiwi ko sa kakatype eh sa cp lol..
54. Mafafall ka ba sa isang guy na walang wala sa buhay (e.g. metro-aid or pedicab driver) pero mahal na mahal ka? If yes paano mo ihahandle ang buhay kasama sya? If no, bakit?
--->oo siguro ang puso nde namimili kung sino iibigin lalo na kung nag ieffort siya para sakin basta alam mong nag ieffort din naman siya sa trabaho nya,ok lang kung magkasama kami nde din naman siguro kami maghirap eh may trabaho din ako ..
55. Ano ang pera para sa yo? Gastador ka ba o matipid? Paano mo nahahandle ang finances mo?
--->dito importante ang pera para makabayad ako ng bills ko lol..minsan gastador pero matipid tlaga ako dahil kung nde eh sino magbabayad ng mga babayaran ko..nihandle ko wisely syempre may account na para ipambayad sa mga bills at naghuhulog din ako sa savings..
56. Paano ka kumain ng sunny side up egg, puti muna bago ang pula or hinahalo mo ang puti at pula? at bakit?
--->hinahalo ang yellow at puti dahil masarap hihi
57. Ano ang views mo pagdating sa sinasabi ng karamihan na "Masarap ang bawal"? Kelan yun recent na nagawa mo ang isang bagay na masarap pero bawal (if ever)
---> masarap ang bawal kaya daw bawal yon kasi pagnatitikman nakakadik at hahanaphanapin mo haha iwan ko anong bawal ang sinasabi ahaha ...wala eh mabait ako lately malapit na kasi ang pasko baka nde ibigay ni santa ang gusto ko hihi
58. Paano kayo nagcecelebrate ng Christmas?
Sa pinas masaya eh maraming handang pagkain tas naghohost ng party mom ko invited lahat na kapitbahay may sayawan,kantahan,may mga laro at kainan..dito lonely ako pagchristmas..natutulog lang o kaya kausap pamilya ko sa telepono
59. Scenario: Napunta ka sa isang lugar na wala kang idea kung anong lugar to at hindi mo alam ang pasikot sikot sa lugar na to. Nawalan ka ng pera at ang mga tao sa paligid mo ay nagsasalita ng ibang lengwahe o totally hindi mo naiintindihan ang mga sinasabi nila. Pagabi na at kailangan mo makauwi, paano ang didiskartehan na magkaroon ka ng pera at para makauwi ka given ng sitwasyon mo.
--->Nakerr naman to may scenario pa ,,una bakit ba ako napunta sa lugar na yon kung nde ko pala alam haha naamnesia siguro si cathrina ahaha..siguro magsign language ako haha pinapanuod ko kasi ang amazing race na minsan napunta sila sa lugar na nde alam ang lengwahe tas nagsign language lang sila yon kaintindi na need pala pera so yon gagawen ko para may pamasahe pauwe..o kung may alahas ako which most of the time meron akong suot eh di ibinta ko kahit mangkandarapa ako sa pagsasign language para lang maibinta ng may pera pangtaxi hihi
60. Ano anong mga factor para sayo para mafell out of love ka?
--->ahh fall out of love hmm siguro pag alam kung wala ng patutunguhan ang relasyon namin time na siguro na magseparate ways..
61. If papipiliin ka, ano ang mas gusto mo.. yun mga dati mong friends dito sa PT o yun mga bago mong friends dito sa PT at bakit?
--->wala eh lam ko naman na come and go ang magiging friends mo sa cyberworld kaya kung kahit sino maging friends open naman ako..
62. Nagsalita na ba kayo sa harap ng maraming tao? if yes, paano nyo nadedeliver ang mga sasabihin nyo sa kanila? If no, sa tingin mo ba magagawa mo ba sya kung sakali kailangan?
--->yes First year highschool ako nung nagkamali akong sumali sa ms intramural actually nakikiusap ang teacher ko at pumayag naman ako ahaha nanginig na nag introduce palang sa sarili pinapraktis pa nga yong sinasabi ko pero wheww nakakanerbyos talaga at yon ang first at last na sumali ako sa mga ganung contest ...second nung tumakbo ng pagkamayor ang lolo ko nangungumpanya kami pero medjo kalmado ako nung time na yon college na makapal na pagmumukha..haha
63. Ano anong parameters ang una mong tinitignan mo pagdating sa mga tao nakakasalamuha mo in real life? sa pt?
--->siguro i dont trust that easy sa mga nasasalamuha ko in real life at lalo na sa cyberworld ..sa real life lage ko tinitignan ang mga galaw at pananalita at syempre ang pagmumukha kung mukha bang rapist o killer haha...at sa cyberworld lahat naman siguro nde completo ang trust pag nde mo na nakikilala at nakikita sa personal ang isang tao na nakikilala mo lang sa net..
64. Paano ka magalit? Paano mo nahahandle ang sarili mo pag galit na galit ka sa isang tao?
--->lumalaki ang mata ko haha tas sasabihin ko sa taong galit ako sa kanya ..minsan lang ako magalit pero kakatakot lol
65. Meron ka bang dark sekrets na tinatago mo sa lahat ng tao o iilan lang nakakalam neto? Kung meron, nakakapekto na ba sya sa palagay mo sa iyong buhay?
--->may sekreto pero dark one wala eh puro clear hihi
66. 3 bagay na naacomplish mo ngayon araw na to?
--->nagchanged ng beddings,nagchanged ng mga kurtina at nagshort nap tsek..pero continue ko nap ko mamaya..

67. Simple things na pwede makapagpasaya sayo?
--->ipagluto ng paborito kung pagkain,kamutin likod ko hihi at masaya ako kapag concern sakin at inaalala ako..
68. Sweetest thing na nagawa sayo ng isang guy?
--->nung college ako valentines day may activities ang school namin at yong second and last bf ko in person pumunta sa stage kumakanta tas sakin dedicated hmm at pagkatapos pinuntahan ako na may isang rose at chocolates haha sweet nga chocolate eh at humahaba masyado buhok ko nung time na yon ..

69. Paano mo nahahandle ang pagiging broken hearted? Ano ano mga bagay na ginagawa mo para malampasan to?
--->yayy nakikinig ng music,,umiiyak ng patago haha tas work ng work ..binibusy ko ang sarili para nde maiisip ang chaket haha...
70. Ano experience/s ang pwede mong ituro sa iba pagdating sa buhay? pagdating sa lovelife? pagdating sa pamilya? pagdating sa trabaho?
--->pagdating sa buhay ..live life to the fullest,sa lovelife siguro kung mahal mo ang isang tao sabihin mo o kaya ipakita mo na mahal mo siya..sa pamilya..alagaan at mahalin mo habang nandiyan pa sila at sa trabaho wag seryusuhin disturbo lang eh at magpt din pagmaytime haha..
71. Kaharap mo sila o ikaw, ano masasabi mo sa inyong magulang? Sa partner (if ever)? Sa anak mo (if ever)? Sa kaibigan mo? At sa sarili mo?
--->sa magulang ko salamat kasi pinalaki nila ako ng maayos at inalagaan at lage silang andiyan pra sakin kung nde dahil sa kanila wala ako ngayon at wala din silang magandang anak tulad ko ahaha feelingera lang seryos kasi si sir fayt eh daming tanong hihi..at sa kaibigan ko ano andito lang ako kung need ng kausap o kasama sa pagtawa haha..at sa sarili ko na magpakabait pa hihi..
72. Nagkamali ka na ba pagdating sa pag ibig? May pinagsisisihan kaba mga bagay pagdating sa pag ibig?
--->in a way yes.....siguro ang pinagsisihan ko pagdating sa pag ibig ay yong minsan nde ko natupad ang napag usapan namin at siguro nde ako nag ieffort nung time na yon may importante kasing reason kung bakit..
73. Ano anong mga bagay ang
makakapagiyak sayo sa tuwa at sa lungkot?
--->pag may pinapadala mom ko na pagkain natutuwa ako na may halong luha kasi maanghang ang suka na pinapadala nya naanghangan ako haha..ang nakapagpaiyak sakin pag pasko o kayay birthday ko nalulungkot ako at umiiyak hihi..
74. Magaling kaba magtago ng sikreto? Paano mo masasabi na pwede ka pagkatiwalaan pagdating sa mga sinasabi na sikreto sa yo?
--->oo naman ayoko din magkatrouble kaya mas mabuting nde sabihin eh secreto nga eh..
75. Ano ang maganda sayo as kaibigan? as lover? as kapamilya? at ano naman ang negative side mo pagdating sa isang kaibigan? lover? kapamilya?
--->as kaibigan masayahin na madaldal haha..as lover minsan lang ako magmahal at kung magmahal masarap ahaha..as kapamilya andiyan lage para sa kanila ..negative as kaibigan nang iiwas,,as lover nang aaway hihi..as kapamilya nangsesermon hihi ..
eto lang po muna at sana masagot
--->Hmmm eto lang muna eh nakarami ka na ha..hihi