Si bf ay may nakatext na isang hottie na ilang linggo na rin at binubulungan na ni satanas.
*nang magkita sila sa moa
Bf:san mo gusto kumain?
Gf: wala akong ganang kumain ngayon
Bf: (kakabahan at mag bbrainstorm agad ng contingency plan at naghahanap ng rootcause) Bbba.. bakit? May problema ka ba?
Gf: oo pakiramdam ko may mali.. may nakakusap ka bang iba?
Bf: (nagbabalak nang mag cr. Para mabura ang mga mensaheng may bulong ng demonyo) hahaha eh edi siyempre mga kaibigan ko *nagbabanggit na ng sangakatutak na pangalan ng lalake
Gf: pahiram ng celphone mo baby?
Bf: (nag panic attack na at nag pulitiko mode na parang inakusahan na ng grat and corruption) baby ano ba naman yan?! Eto nanaman ba ang usapan? Pagdududahan mo nanaman ba ako? Ulit ulit na lang ito ah? Bakit mukha bakong ganon?!
Gf: ano?! Makikitxt lang sana ako dahil magpapaload ako sa mommy ko! Ano yan?!
Aminin mo kosa, Nasangkot ka na din sa kabalbalang ganito o di kaya'y similar dito. Minsan mas malala pa nga. minsan nga napapaisip ka na kung mangbabarang ba ang iyong gf o anak ng isang nakakataas na tao para may kakayahaan siyang malaman ang mga kasalukuyang Bahong ginagawa mo. Minsan nga naiisip mo baka hindi lang siya basta tao at napapasigaw kana minsan sa loob ng banyo niyo na "umalis ka sa utak ko!!!". pero wag ka mag alala bibigyan natin ng kaliwanagan ang nagagawang kababalaghan na ginagawa ng ating mga gf gamit ang mga simpleng eksplenasyon upang maiwasan na ang mahuli ka muli.. hindi joke lang :-). Baka mayari ako sa mga kosang babae dito. Upang malaman natin kung paano nga ba nangyayari iyon.
1. Erap ka masyado
Sa mas madaling salita. Masyado kang halata. Mas madali pa ang manalo sa 6/55 lotto kesa sa ginagawa mong pagtago. Marahil sayo sa tingin mo hindika namabubuking pero may nakakalimutan ka kaibigan. Masyado nmong binubuhos ang oras mo para sa isang kabulastugan mo at sa pagtago sa kung ano man ang iyong ginagawa ay hindi mo na napapansin ang gf mo. Kaya doon nila nahahalata na hindi lang siya ang kasalukuyang iniisip ng dalawang ulo mo.
2. Masyado kang Erap pa rin
Sa madaling salita ulit. Pikon ka. At ikaw mismo ang nagkakanulo sa sarili mong kaluluwa. Ang taong may kasalanan madaling pumiyok. Dahil agad na tritrigger ang fight or flight mo. Minsan subukan mong pansinin irritable ka pag nag aaway na kayo tungkol sa oras.
3. Miriam defensor ka kung sumagot
Hindi ko na kelangan siguro ielaborate ito? Pero para sa hindi nakakakilala kay madam senator. Para ka nang nag aamok ng away at pwede ka nang ilaban sa international cpurt eh ang tanong lang naman sayo kung saan ka nanggaling kagabi. Pero ang pag sagot mo parang naglitanya ka na na may halong emote pa
Siguro naman nabigyan ko na ang mga kapwa ko kalalakihan ng ideya kung bakit mala psychic ang mga gf niyo. Sana din maisip niyo na ang ganoong gawain ay mali kaya wag nang subukan pa. Dahil kung hindi mali yun edi dapat binigyan ka ng dalawang twitter ni lord para pwede mo pagsabayin ang pag tweet sa gf mo at sa kung sino sino. Oo masarap ang bawal pero dapat laging tandaan Na ang bawal ay nakamamatay tulad ng pagtawid sa commonwealth alak at sigarilyo. Ganun din sa pagmamahal.. namamatay ang pagmamahalan niyo.
Nais kong ipaalala na ito ay aking opinyon lamang at hindi ko sinasabing ito na ang pawang katotohanan

Salamat mga PT readers sa oras niyo.. komento Suhestyon O sharing. Mag reply lang po kayo sa post na ito mga kosa
