0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
hahahaOHHHHHHH!!!!! i know him...... hahaha! changed name kc, eh....kaya pala di ko makita sa member's list.... musta naman jan, ex-sweetie?
im good ex sweetie.. heto at nagbabagong buhay na.. haha..enjoy pt ex sweetie hihi
hmmm,,,kasabay sa pagbabagong buhay ang pagbabago ng name? kilala ka na sa name na JUMONG!
ok kang yan ex sweetie... para maiba naman, kung kakilala talaga ako, marerecognize naman nila kung sino ako, pangalan lang nagbago hehe
Gagamitin ko ang sariling wika para sa seguridad ng dati nating bahay at etong bagong bahay.Netong nakaraang lingo, nailathala ko sa ating bahay na meron tayong napapanahon an paglilinis at pagkukumpuni. Ito ay dapat tatagal lamang ng isang araw na pinakamatagal subalit nakatanggap ako ng huling mensahe galing sa nirerentahan nating bahay. Nasabi kong huli dahil yung unang dalawang mensahe nila ay napunta sa SPAM at hindi ko nabasa. Ang nilalaman ng mensaheng ito ay tungkol sa isang balita TV, ayon sa balita nagsumbong ang isang babae na nailathala daw ang mga pribado nyang litrato sa isang bahagi ng tinatawag na makabagong teknolohiya. At alam ko ilan sa inyo alam ung tinutukoy ko pero sa mga hindi nakakaalam, sana wag na nating buksan pa ang nakabaong kwentong iyon. Sa madaling salita binura nila ang laman ng ating lumang bahay na pinaghirapan nating buuin ng mahabang panahon. Isang lingo akong Nakipagbuno sa nirerentahan natin para sa mga karapatan ko bilang isang nangungupahan, hangang ngayon hindi pa tapos ang argumento subalit higit isang lingo na at madami na akong nakikitang mga tanong kung bakit nawawala ang bahay natin. Kaya sa ngayon eto ang ginawa kong hakbang para magumpisa muli.Alam ko wala tayong laban tungkol sa isyung iyon, pero sinusubukan ko lahat ng aking makakaya ukol dito. Ginamit ko na ding abogado ang aking maybahay para takutin sila.Sa ngayon alam ko ang hirap nyo sa mga nagawa nyo sa PT, at alam ko ilang beses na ding nangyari ito sa atin. Sana huling beses nang mangyari to sa atin. Wala akong magagawa kundi sabihin sa inyo ang masaklap na katotohanan na tayo'y mag-uumpisa muli.At ako sampu ng aking kasamahang bumubuo ng PT ay humihingi ng paumanhin sa pagkawala ng mga pinaghirapan natin sa nakaraang panahon. At patuloy na nagpapasalamat sa patuloy nyong suporta sa PT.At sa naiwan nating proyekto sa lumang bahay itutuloy natin iyon, at ito na marahil ang pagkakataon para magumpisa maipamahagi kung anong meron kayo nang walang pag aalinlangan kung nailathala na ba ito o hindi sapagkat panigurado wala pa yan d2 sa BAGONG BAHAY.