Ganito na pala ka-tindi mga bus driver at konduktor ngayon ano? Mas mababait pa pala 'yung ibang nasasakyan namin going to Manila.
May iilang beses na nakakalimutan ng ate ko singilin ang sukli noong siya ay estudyante pa lamang sa tuwing papasok siya ng Maynila from Cavite na noong naranasan ko na ang mag commute papasok sa Manila, napansin kong tila sinasadya ito ng konduktor at kada tanong mo sa kanya ay sasabihin niyang "sir, wala pa pong barya" na parang hinihintay na lang niya makalimutan mo ang sukli. Buti na lang 'di epektib ang mga galawan nila sa akin

May one time naman sa DLTB Buendia, noong nagbago na ang mga route from South Luzon to Manila. May isang pangyayari kung saan, ang ate ko na naman, 'di niya nakuha ang sukli niya kakamamaya ng konduktor eh malaki-laki rin ang sukli. Since ang nanay ko, every week siyang nasa Manila ay itinabi niya ang ticket at kinulit ng kinulit ang management ng DLTB lalo na ang mismong konduktor dahil nakaprint ang pangalan niya sa ticket. Ayun. Nasauli naman. HAHAHA.
