
Inihatid na sa huling hantungan ang estudyante ng Rizal High School sa Pasig City na nasawi matapos umanong mahulog sa hagdan ng eskwelahan habang nagse-selfie.
Dumalo sa libing sa Barangay Bugaan sa Laurel, Batangas ang mga kaklase at mga guro ng 14-anyos na hindi pinangalanang mag-aaral.
Hindi pa rin makapaniwala ang pamilya ng estudyante na mahilo at mahulog sa hagdan dahil lamang sa pagse-selfie.
Pinalulutang naman ng ina ng biktima ang mga nakasaksi sa pangyayari lalo't duda ng pamilya ng biktima na naitulak ang estudyante.
Pinag-aaralan na rin ng pamilya ang kung itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa paaralan.
Sinasabing nakalabas mula sa klasrum ang mag-aaral kasama ang ilang kaibigan habang oras ng klase dahil wala ang kanilang guro.
Kinuwestyon din ng pamilya ang hindi pagtawag ng rescue team ng paaralan nang maganap ang aksidente.
Nagpaabot na ng mahigit P10,000 ayuda ang Rizal High School sa pamilya ng biktima. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan