0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Puro foreign na hindi magaling ang askal.. sinusuportahan ko lang sila dahil they represent pur country even though they are not pure filipinoSent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
"Korek kayo , mam Rai at Fayt.thanks sa inyong opinion.ako man ay hindi gaanong impress sa kanila. para sa akin, foreigner ang dating nila sa akin.gusto ko ay yung purong Pinoy na dito ipinanganak at lumaki... ha ha ha ha .."============================================ (((((( NEWS : )))))FIRST TIME SA AZKALSTHURSDAY, MARCH 28, 2013Walang pagsidlan sa tuwa si Philippine Azkals team manager Dan Palami nang magbunga ang preparasyon at hirap ng national team na makabalik sa final round ng Asian Football Confederation Challenge Cup.Bukod dito ay muling gumawa ng kasaysayan ang Azkals sa paglista ng kauna-unahang top finish ng bansa sa isang qualifier ng alinmang torneo.“It is actually the first time that we’ve topped a group in a qualifier whether in the (Asean Football Federation) Suzuki Cup or the Challenge Cup,” anang team manager kamakalawa ng gabi matapos ang 1-0 win ng Azkals sa Turkmenistan sa Rizal Memorial Football Stadium na kumumpleto sa kanilang Group E qualifier sweep.“So this is what it feels like to top the group.”Isinara ng Azkals ang qualifier na may siyam na puntos sa tatlong panalo kung saan bumutas ang mga Pinoy booters ng kabuuang 12 goals lima rito galing kay Phil Yunghusband habang napanatili ang clean sheet sa hindi pagpapaiskor sa mga nakalabanSinimulan ng Azkals ang kampanya sa awtomatikong 3-0 panalo laban sa umatras sa torneong Brunei bago ang empatikong 8-0 pagmasaker sa Cambodia Angkor Warriors na pinagbidahan ng apat na goals ni Younghusband sa match na inantala ng brownout at isang oras na rain delay. Ayon pa kay Palami pinakamatamis sa lahat ang kanilang panalo laban sa Turkmenistan, ang team na sumibak sa Azkals noong isang taon sa Final Four ng torneo.“To win against the favorite contender for being the champion of the Challenge Cup 2014 is some sort of a morale booster for us going into the final round,” ayon pa kay Palami, ibibiyahe ang Azkals sa Maldives sa Marso 2014 para sa Last 8. Sinamahan ng nakaraang taong third placer Azkals bilang top group finishers ang Myanmar, Kyrgyzstan, Afghanistan at Palestine. Kinumpleto ng mga top group runners-up Turkemenistan, Myanmar at Bangladesh ang final round roster.“The win will take football further more popular in the Philippines,” salo naman ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta. “This is the first time that we topped our group and of course we give credit to our boys for playing with their hearts and we also give credit to Turkmenistan. It was a fair play for both teams. It was a well deserved victory for us.” (Mark Escarlote)----source:abante