Kwento ito para sa kaibigan ko. Problema nya Filipino chinese ang girlfriend nya. Stephanie(steph) ang GF nya ang kaibigan ko Greg. Si Steph half chinese. Dad nya 100% chinese pero dito sa pilipinas pinanganak. Mom nya purong pinay. Si greg naman eh halo halo. Meron syang, spanish, chinese, at syempre dugong pinoy. Lumaki si steph sa isang chinese environment. Iisang compound nakatira sila. Magkakasama silang magkakamaganak sa morethan 1 hectare na lupa nila. Si greg naman sa isang 50 sq meter na bahay lang nakatira. In short mayaman si Steph. Si Greg naman di kapos sa buhay, meron silang isang kotse pero hati hati sa pag gamit. Ayaw ng dad at relatives ni steph kay greg. Hindi pa nga ito nakakapasok sa bahay nila steph. Madalas paghinahatid daw nya eh kadalasan sa gate lang ito. Ok naman si Greg sa Mom at younger sis ni steph. Minsan nga kasama sya paglumalabas si steph at mom ni steph. As for family naman ni greg wala silang problema kay steph.
Matanda din si steph ng 2 and half years kay greg. Magkaiba ang religion. Mostly ng chinese ay Buddhist pa din daw specially yung mga pure chinese. Although meron ng ilang na catholic and Christians. Si steph hindi sya Buddhist, Christian sya pero yung Dad nya Buddhist pa din. Si Greg naman Catholic.
Halos typical na mano po ang kwento nilang dalawa. Masaya naman sila pero syempre problema pa din yung ayaw ng family ni steph kay greg. Parehas silang nasa med school. Actually sa med school sila nagkakilala. Any advice para sa aking kaibigan?