Sa mga katulad ko pong mga may hika...
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Ito Po Ang Aking Mga Payo...
(Pinagsasama-samang Informasyon mula sa aking "Karanasan" at ibang Impormasyon mula sa Internet...

)
Ano nga ba ang hika? Kapag ikaw ay nahihirapan at naghahabol ng hi-ninga na para bang kasing liit lang ng straw ang dinadaanan ng hangin sa iyong paghinga, iyan ay maaaring atake na ng hika o asthma.
Ang asthma ay kalimitang narararanasan kung ang bronchial passages ng ating lungs ay lumiliit at nahihirapang lumabas at pumasok ang hangin mula dito.
Nagiging sensitibo ang baga at madalas itong nagre-react sa mga bagay na nakakapagdulot ng hika tulad ng malamig na panahon, ba-lahibo ng hayop, usok, alikabok, sobrang ehersisyo, pagod, stress at minsan sa uri ng pagkain na kanilang nakakain.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng hika.
Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape – black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
(Actually, Try And Tested Ko Na Po Yan..

, Kanina lang ,bigla akong sinumpong ng Asthma, uminom lang ako ng 1 cup of Coffee
T/N: Siguro po mga 1-2 Cups pwede na..

)
(Pwede rin po yung P5 coffee, minsan yun ang nagsisilbing Anti-Asthma ko...)
Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para makaiwas sa hika.
Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Subukang mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang iyong paghinga.
Iwasan ang mga ito:
Ang softdrinks ay nakakapagsimula ng hika, lalo na sa mga bata.
Ang vetsin ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake.
Alamin ang allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok. Ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.
Paginom ng Malalamig na Tubig
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
★Lets Learn From Our Experience! ★
[Best Tip]
Alamin natin yung mga bagay na nakakapagTrigger ng Asthma natin, kapag kumain ba ako nito magtriTrigger yung Asthma ko???
(me: pancit canton : calamansi, chicharon, etc.)
Kapag uminom/kumain ba ako nito giginhawa yung pakiramdam ko???
(me: Coffee,Water,etc.)
...
I hope this Help you mga ka-PT
credits to the owner for some parts..

Please click "[applaud]" if my post(s) helps you...
Thanks...
T/N: Wala Pong Bayad Ang Pagbibigay Ng Karma