Sa akin po ang pag Respeto is giving the importance of the person's dignity. Enough to make him assertive and enough to finish the argument without having personal issues. Isang idea na masasabi mo sa taong "Galit ako sa mali mong ginawa/pag-iisip/pag-uugali ngunit hindi ako nagagalit sa'yo bilang tao."
We tend to get emotional in arguments we had because sometimes such topics will relate to our own experiences. And for other people, sino nga ba tayo sa buhay nila para husgahan sila? Hindi natin alam ang buong istorya ng buhay nila kung bakit ganun ang desisyon at sinusuportahan nila. Hindi rin naman natin nakikita o nararamdaman kung gaanong kalaki o kabigat ang emosyon nila sa isang bagay.
Lahat tayo'y may pinanghahawakang importansya sa buhay, may priority. Mapa Sarili, Paniniwala, Persepsyon, Ideya, Tao o Ano mang bagay sa mundo... At tanggapin man natin o hindi, hindi lahat ng tao bibigyan ng halaga ang pinangangalagaan mo. So for an open minded person why would you disclose yourself with such idea? Hindi ba dapat natin silang pakinggan?
Kontrahin man natin, hindi ba may punto pa rin naman sila? Bakit nila ipaglalaban ang isang bagay kung wala siyang sapat na rason? Hindi kaya may pinanghuhugutan silang emosyon sa ipinaglalaban nila? Kung may pinaghuhugutan silang emosyon sa pinaglalaban nila, ano naman kaibahan nito sa importansya mo? Hindi ba ipinaglalaban mo rin ito?
In this world, either we are made by a Deity or just a cosmic accident, we are born with the freewill to have choices and freedom to decide. Dahil kahit hinahawakan tayo ng mas matataas sa atin may desisyon pa rin tayo, susunod ba tayo o hindi? Siguro nagkakataon lamang na mahina tayo noong panahon na yun. At kahit pa maniwala tayo o hindi man na ang tao ay may takdang layunin sa mundo, lahat ng tao sa mundo ay may inaasam na karanasan sa kanyang buhay. At ito ay ang kanyang KALIGAYAHAN... At bilang isang tao na nakakaunawa na ang bawat tao sa mundo ay gustong lumigaya, gustong maging masaya, who am I to have the right to ruin or to define other people's happiness?
Upon respect even though I may not give much importance to what people say, even so that I am not convinced by their own perceptions atleast I gave them the consideration to hear their voice and the person will leave me with dignity. At hindi ako magtataka na kahit magkaiba ang aming paniniwala malaki ang tyansa na bigyan din niya importansya ang aking dignidad. It's like the Golden Rule. And this is how being respectful is one of my values.