0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
For me kung papipiliin ako ill choose my wife .. its not because hindi ko mahal magulang ko .. its bec sya na ang pamilya ko ngayun .. may anak kami na dapat mag katuwang sa pag gabay .. pero sa pag mamahal .. una ang nanay .. dahil sila ang nag bigay buhay at nag tiis sa atin para lumaki tayo sa tamang buhay na tinatamasa natin ngayon .. mag kaiba kasi ang pag mamahal sa asawa at sa magulang ... hindi mo pwedeng sabihin na ah mas lamang yung isa .. its a very different situation .. nothing compares to both of them ..Sent from ... my nose bleed ..
hmmm., parang nakikita ko na isang kang mabuting asawa at isang mabait na anak....... sa totoo lang napaka hirap na sitwasyon ang pumili., hanggat maaari ang gusto natin ay magkasundo at magmahalan...... pero may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyayari pala......at maaaring karamihan sa mga sumagot dito ay hindi yan ang mismong gagawin nila kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon..... dahil unang una sa lahat meron tayong tinatawag na initial reaction.,
Tama ka utol TG .. meron tayong initial reaction like bigla ka magalit sa dalawa or other things na magagawa mo .. pero ngayon as a reader ng topic na ito .. halos magaganda ang mga opinion ng mga members so its up to us kung susundin ba natin ang mga ito or meron pa tayo magagawa na iba bukod sa nabasa ..
May kasabihan na ang asawa daw napapalitan pero ang magulang hindi.....pero sa batas ng tao at sa batas ng Diyos kung kasal ka na hindi pwedeng iwan asawa ng walang tamang dahilan....By experience at base sa mga kakilala ko, ang madalas na pinagmumulan ng ganitong pagpili eh kapag masyadong kinakampihan ng asawa ang magulang niya or napapabayaan ng asawa ang kanyang asawa....at nangyayari ito kung ang mag-asawa ay walang sariling tirahan, ibig sabihin nakikipisan sa mga magulang.Bilang asawa, hindi pwedeng piliin ang magulang kasi kahit anong gawin natin magulang pa rin natin sila so walang walang makakapagalis nito sa atin, karapatan ng asawa natin na magdemand ng ating atensiyon, kasi napapabayaan natin sila emotionally ang madalas na dahilan.Kaya nga ang pag-aasawa eh di tulad ng kaning isinubo na pwedeng iluwa kapag napaso ka kasi maliban sa magtaksil ang asawa mo, hindi mo siya pwedeng isantabi. Kung papiliin ka ng asawa mo, kailangang sa kanya ka sumama kasi pangako mo iyon noong ikinakasal kayo..sa hirap at ginhawa...maliban na nga lamang kung may problema na sa isip ang asawa mo dapat mo siyang ipagamot...kaya nga kung ayaw ng isang tao na magkaproblema sa asawa niya, huwag siyang mag-asawa kasi given na yun.....ngayon kung hindi makatiis, then deal with it...pinili mo iyon..kailangan mong panindigan