Speaking of haters, madami ako ngayon niyan dito sa office. Yung mga pasaway sa mga company policies eh hate na hate ako ngayon. Paano kasi natanggal na operations manager kong petiks at walang pakialam kahit hindi nasusunod mga company policies. Since tanggal na siya, I'm now running the show kaya strict implementation ulit.
Nung minsan may mga galit na galit akong nakitang posts sa fb. Tinawanan ko nalang. Iniisip siguro nila na strikto ko. Hindi lang nila kasi alam na kaya nga natanggal yung operations manager dito eh dahil kinausap ko CEO namin at sinabi na urat na urat nako sa palakad dito. He asked kung kaya ba naming mga bisor na patakbuhin ang site namin kahit walang operations manager. Kako for the past six months eh ganun naman talaga dahil puro petiks lang si manager. Ayun ginawan ng investigation kuno then sinibak siya.