0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
di naman nya nirerefer pero kung iintindihin mo sya ng medyo malalim, magegets mo ang ibig sabihin.. tamang tama dito yung qoutes ni bob ong.."Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung maypagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhoksa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. ""Aw, ito ang gusto ng mga nasa itaas kaya nga lugmok tayo sa kahirapan, kasi alam ng corrupt na gobyerno na di mo sila ququestionin kung saan nila ginagasta ang halagang binibigay mo sa kanila thru taxes. Kung yan lang rin ang panuntunan mo sa buhay masasabi na ring isa ka sa contributor ng corruption sa ating bansa na ang ginagawa mo ay wala na ring pinagkaiba sa mga pilipinong naging instrumento ng "zoning" sa panahon ng hapon. Personally, wala akong paki kung yan ang prinsipyo mo sa buhay kasi buhay mo yan pero wag mong sanang i infer na salot sa lipunan ang aktibismo.
the only similarity between activism and this quote is the act of going against authority figures. kahit po gaano natin kalalim tingnan -- liban na lang kung ipipilit at ibabalentong natin ang lohika at reasoning -- hindi po makakasama sa isang tao o grupo ang pagra-rally o pagpo protesta. rallies and protests do not equate acts or rebellion. iba rin po ang personal na pagrerebelde at social or political rebellion. pwede rin pong magrebelde na ibang tao ang sasaktan mo at hindi ang sarili mo.hindi po tugma ang quote.
pasintabi n lng po pero grabeh n talaga sa atin politika angkan ang bilangan///
tama po ya sir alphaomega, ang tanong lang kung meron pa bang lugar sa Pilipinas mula Batanes hanggang Tawi-tawi na walang magkamag-anak na tumatakbo..
meron pa. sa kalayaan island
Hindi naman po talaga siya nakakasama. At di naman talaga ako totally against sa activism. Kaya lang peaceful activism lang ang gusto ko, ayaw ko ng may sunugan, batuhan o bugbugan.Kaya ko naman sinabi yung qoutes.. Mangarap ka, abutin mo. Wag mong sisihin ang mga problema na kinaharap mo sa buhay para di mo maabot ang pangarap mo. Kahit maraming balakid, wag kang patatalo para maabot mo ang gusto mo..Marami kasi sa atin, sasabihin, di ako nag aral kasi kung anu anong dahilan..Magrarally, sisisihin ang gobyerno pero ang tanong anong ginawa mo sa buhay mo..In the end, titingnan ka ng tao sa kung anong narating mo sa buhay mo.. Kaya imbes na magreklamo, magsikap dahil sa bandang huli tayo rin naman ang aani kung magtagumpay tayo..